Chapter: 23

7.5K 177 4
                                    



‘Why?’ Bakit sila nagtatanong ng mga ganung bagay? bat nila alam yun? yung mga bagay na binigay ni nanay at tatay sa akin, ultimo panyo at kwintas ko. Pero bakit pa nga ba ako magtataka? Mayaman naman sila eh, Kayang kaya nga nilang malaman ang lahat, Pero?

‘Why?’ bakit kailangang ako? may masama ba akong nagawa sa kanila? Why? bakit nga ba nila alam?

‘Age’

‘Birthday’

‘Panyo.’

‘Kwintas.’

Im not stupid and im not an idiot person para hindi ako makahalata. Hindi ako tanga. Hinding hindi.

Im not mad, Im just, Curious, Confused.

Bakit ako? Ako lang ba ang apektado dito or pati rin sila?

“Okay ka lang ba Ganda?” Natauhan ako ng marinig ng boses ni marie. Katatapos lang namin maglinis for out.

“Tara na, may raket pa tayo diba?” Napatampal nalang ako sa noo ng maalala ko, Oo nga pala. Nakapagpaalam na naman ako kay AJ. Bukas wala naman akong pasok, sarado ang Cafe.


Sa bago naming raket ni marie, magkasama kami sa convinience store. 24/ hours open siya, By 5:00 in the morning out  na namin tapos yung kapalit naman namin.

“Marie? pwede mo ba akong kwentuhan?” Tanong niya habang naglalakad, Oo naglalakad lang sila 10 in the evening. Maliwanag naman sa daan.

“Huh? tungkol naman saan?” Tanong rin niya.

“Sa buhay nila mr. and mrs. scott, at sa anak nilang si jaydee.” Simpleng sagot niya.


“Okay sige, kwento lang ito ni Manang rosa.”


“Ayon sa kwento ni manang, dalawa ang anak ni madam jade, When she is in hospital giving a birth of her, same with her bestfriend, sabay na pinanganak yung babae na anak ni madam jade at bestfriend niyang si Katrina. Ang alam ko sa huli nawala yung dalawang bata, hindi ko alam kung bakit.” Walang gatol na kwento niya.

“Ibig mong sabihin na, dalawa ang anak ni tita jade?”

“Oo, dalawa. Naunang ipanganak si sir jaydee sa kanya kaya si sir ang panganay, sumunod naman ay yung nawalang anak nila.” Kwento pa nito, may lahi na ata si marie na pagkachismosa.

“Eh nasan na yung anak nila ngayon? nahanap naba nila?”

“Hindi pa, wala silang balita dito for the past 17 year.”

“Kawawa naman pala sila, pati si mrs. katrina.” tugon niya kay marie. sumangayon naman ito sa kanya.

“Oo nga pala? bakit mo na tanong?” Tanong sa kaniya ni marie.

“Wala lang, gusto ko lang na malaman yung past nila, masakit pala yun noh? nawalan sila ng anak pati si mrs. katrina.” Malungkot na saad niya.

“You know what? kamukhang kamukha mo si madam jade, walang halong biro CJ, Unang kita ko palang sayo yun agad ang napansin ko.”

“Sabihin na nga natin na mag kamukha kami pero hindi natin maipagkakaila na mas maganda siya saken.” Nakangiting sambit niya, bigla namang sumeryoso ang mukha ni marie.

CJ, hindi kaya ikaw ang nawawalang anak nila?















The Long Lost Heirsess (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz