CHAPTER: 9

8.2K 191 6
                                    


Sabado ngayon, kaya't mahimbing paring natutulog si AJ, bumangon ang ate niya ng maaga.

"Ate lei? kuya kristoff  ang aga niyo po."

"Luh, si CJ pa nakalimot. birthday ng kapatid mo." Napakamot nalang siya sa ulo.

"Oo nga po, bakit po ang  aga niyo?" Tanong niya parin sa mga ito.

"Iccelebrate natin ang birthday niya. Ano Game?" Nakangiting sambit ng ate niya.

"Ate, hindi ba nakakahiya na sa inyo?"

"Ano kaba naman CJ, wala yun. basta para sa inyo!" Nakangiting wika ng ate niya, ang laki laki na ng utang na loob niya sa mga ito, sobrang bait nila sa magkapatid.

"Salamat ah ate? kuya kristoff." Tyaka niya niyakap ang mga ito, "Ano kaba, wala iyon. tara na simulan na natin, baka ang baby damulag eh magising na." Singit naman ni kristoff sa mga ito.

"Oo nga. hahaha" Dumiretso sila sa kusina, si kristoff nagdidikit ng apoy si lei at CJ naman ang magluluto.

"Ate, kuya. salamat talaga ah?"

"Ano ba naman yan CJ, ang kulit mo,  Nga pala, san si Nanay at tatay mo?" Tanong rin ni lei sa kaniya.

"Maaga silang umalis ate, si tatay sa sakahan, si nanay naman asa palengke na siguro" Malungkot na tugon niya, kasi naman nakalimutan ata ng mga ito ang birthday ni AJ, kaya't nalulungkot siya para sa kapatid.

"Oh? bakit parang malungkot ka?" Singit ni kristoff.

"Kuya kase,  parang nakalimutan na nila tatay eh. Noon naman hindi."

"Malay mo, may surprise silang inihanda diba? Sabi nalang ni lei para kahit papano, gumaan ang loob nito.

Dalawang kilong spaghetti at pansit ang inihanda nila tyaka bumili lang sila ng tatlong 1.5 na coke. si CJ naman ang bumili ng tinapay na anyong cake sa may bakery, maliit lamang iyon pero sa isip isip niya ayos na iyon basta't kahit ganun may cake ang kapatid niya.

Sakto namang pagbalik nila eh, pagising narin ang birthday boy na si AJ, bumili din naman si CJ ng maliit na kandila tapos sinindihan niya iyon, Palabas na si AJ kaya't sumigaw silang tatlo ng, "HAPPY BIRTHDAY AJ" Makikita mo ang saya sa mga mata nito.

"Hipan mo na iyang kandila AJ, pero magwish ka muna." Nakangiting wika ni CJ dito.

"Sana, hindi mangyari yung napapanaginipan ko, sana hindi sila totoo, panaginip lang naman sila diba? Magkapatid kami ni ate, nanay ko si tatay at  nanay, sana makasama ko pa sila ng matagal." Hinipan niya na ang kandila. niyakap naman niya ang tatlo, si CJ, Lei at kristoff.

"Ate lei, Ate Cj, Kuya kristoff, thankyou po." Masayang pasasalamat niya sa mga ito.

"Ano kaba wala iyon."

"Oo nga po pala, asan sila nanay at tatay?" Sa wakas ay napansin niya rin iyon,  bigla ulit na nalungkot ang mukha ni AJ.

"Maaga kasi silang  umalis eh AJ." Tanging sagot niya na lang dito.

"San sila pumunta?" Tanong pa nito.

"Alam niyo, mamaya na lang yan okay? dadating din  naman sila nay at tay niyo eh, sa ngayon kumain muna tayo okay?" Singit ng ate lei  niya, napatango nalang si AJ at si CJ dito.

*

Natapos ang handaan niya, ngunit wala parin ang mga magulang niya, 11:43 na ng gabi, patapos na ang birthday niya. Nakauwi narin kanina pa sila kristoff at Lei.

"Ate? asan na ba sila nanay at tatay? patapos na ang birthday ko hindi man lang nila ako nabati." Malungkot na sambit niya sa ate niya.

"AJ, hindi kase alam ni ate kung asan sila eh, pero baka bukas kapa nila batiin, pwede naman iyon hindi ba?" Napatango nalang si AJ dito, kasabay  ng pagpatak ng luha niya ang pagbuhos ng malakas na ulan.


~
A/N:  May pasabog  ako! Djk Haha! :3 Dapat naipublish ko na to kanina, eh kaso nga  lang  nakatulog ako , Nanonood pa naman ako ng ALDUB, tapos pagkagising ko nagsimba naman kami, kaya ayun! Ngayon lang ito. Haha Ge ingat kayoooooooo! Naulan pa naman :) Happy reading.

The Long Lost Heirsess (Completed)Where stories live. Discover now