Chapter: 28 Eastern Resort 1.

7.8K 154 3
                                    




“GOSH! PEETEEE! CJ NAMISSS KITAAAA!” Sigaw ni ate lei, ako din namiss ko siya, umuwi pala siya sa france may inasikaso daw, hindi ko lang alam kung ano yun. Antagal niya ding nawala.




“Ate lei, ako din namiss din kita. Waaaah!” Tili ko din tyaka ko siya niyakap ng mahigpit.




“Mommy, namiss din kita. Hihi ano na pong balita? baka pinababayaan niyo tong baby cj ko ah?” Sabi niya sa mommy niya, nakakahiya kay tita hindi niya kaya kami pinababayaan.




“Ate lei ano kaba? hindi nila kami pinababayaan dito.” Bulong ko sa kanya.




“Syempre, Joke lang kaya yun, ano kaba? HAHA! Gosh.” Napatawa nalang ako sa kanya.




Nasa kusina kami ni ate lei, Parang gusto ko tuloy magluto, sila tita naman ay umalis, susunduin daw sila tita jade. “Manang, pwede po bang ako na lang ang magluto ng tanghalian?” Tanong ko sa kanya, kaclose ko na din siya, medyo matagal na din kami sa bahay nila ate lei, thankful talaga ako na nabiyayaan ako ng kaibigan na katulad niya.




“Nako hija CJ, hindi na baka mapagod kapa, ako na lang ang bahala dito.” Nyeee.




“Manang sige na po, ngayon lang naman po eh, kayo na lang po muna ang magpahinga dun, alam ko naman po na pagod na kayo, Pleaseeee mananggg?” Nagpuppy-eyes pa ako sa kanya, sana gumana ang powers ko. HAHA




“Osya, sige na nga. basta pag hindi mo na kaya tawagin mo lang ako ah?” Nakangiting tugon niya. Bigla namang lumitaw yung ulo ni ate lei sa harapan ko.




“Aba't, kelan kapa natutong magpuppy eyes?” Tanong niya. “Eeehhh. ate, hindi ko din alam. Haha, gumana naman kay manang eh.” Tyaka ako humagikgik ng tawa. Sinimulan ko ng hiwain ang mga rekado na ilalahok sa lulutuin ko, una ko munang hiniwa ay mga lahok sa kaldereta. sinalang ko muna yung kawali pinainit tyaka nilagay yung mga sangkap. sunod ko namang niluto ay ang adobo. my favoriteeeeeee. Aweeeeeee! hihi



“Ang seryoso natin ah?” Nagulat ako sa pag sulpot ni ate, umalis kasi siya saglit may kukunin daw siya sa kwarto niya.




“Nakakagulat ka naman ate eh.” Sabi ko sa kanya, natawa na lang siya.



“Oo nga pala, may nilagay ako sa kwarto niyo ni AJ, pasalubong ko sa inyooo.” Nakangiting sambit niya, “Nag-abala kapa talaga ate, pero salamat.” Sabi ko sa kanya tyaka binuksan yung taklob ng kumukulong kawali.




“Waaaaah! CJ, Ginutom mo ako, ang bango niyan.” Sabi niya habang nakahawak sa tiyan niya.




“Edi kumain kana ate.” Suhestyon ko sa kaniya.




“Hindi na, sabay sabay na lang tayo. Ano pa ba iyang niluluto mo? Ayyy. kaldereta pala. Perfect andito si tito james favorite niya pa naman yan.” Natutuwang sambit niya. “Andiyan na ata sila, maiwan muna kita dito ah?” Tumango na lang ako. Patapos na din naman to. Pinatay ko na yung gasstove tyaka inilagay sa isang lalagyanan ang mga niluto kong ulam.




Tinulungan naman ako ni manang dalahin yung ibang ulam sa hapag kainan. “Yay! kainan na.” Wushuu. andito din pala si kuya kristoff. Nagpasukan yung mga tao sa kusina. Woah, madami pala sila, buti na lang dinamihan ko ang luto.



Nakaupo na sila lahat, Andami pala talaga nila, andito yung barkada ni lance, si Tita James at tita Jade, Mommy at daddy ni ate lei, Tita Victoria at Tito Cedy. Hindi ko kilala yung iba, basta nga kabarkada nila.




“Ang sarap ng luto mo manang ising. nag-iba ang timpla.” Biglang sabi ni tito james, nagsisangayon naman yung iba.




“Nakuu. sir, ma'am. hindi po ako ang nagluto niyan.”



“Huh? eh sino?”  Sabay sabay na sambit nila.



“Si CJ po.” Nakangiting sambit niya tyaka tumingin sa akin at mas nilapadan ang ngiti.




“Ang sarap mong magluto CJ.” Sabi nung isa, eeeeehh? hindi ko siya kilala.



“Inlab kana niyan dude?” Sabi pa nung isa, hindi ko talaga sila kilala.



“Hindi, ano kaba dude, may magseselos.” Tyaka niya tinapunan ng tingin si Lance.



“Haha, oo nga pala. Pasensorry.”


“Andami niyong alam, tumahimik na nga lang kayo.” Singit ni lance, natawa na lang yung iba.



“Oo nga pala, I forgot to tell you, Pupunta tayong lahat sa Eastern Resort.” Sabi ni tita victoria.



“Ayy tita, alam na namin yan.”



“Oo nga po.” Sang ayon ng iba. Natuwa naman ako, For real? Eastern Resort? Naexcite tuloy ako, parang dati lang, nagiimagine kami ni AJ na makakapunta dun, pero eto na nga. For real na. Ito na talaga.












A/N: Hiiiii. Eto ang update. :3 Waaaaah! natapos din sa wakas ang exam! nakahinga na ako ng maluwag luwag. XD Gagawa pa ako ng project ko eh :3 Pasingit nito HAHA Happy reading. :))) Vote and leave any comment po. Ty. -Lovelotss :*

The Long Lost Heirsess (Completed)Where stories live. Discover now