Chapter: 30 Eastern Resort 3.

7K 147 1
                                    



LANCE'



Nagisising ako sa ingay sa loob ng van, napalingon ako sa kanila, Nakangiting tagumpay sila, yung totoo? -_-




"What's with those faces?" Mag-iinat inat sana ako ng mapansin ko na nakaakbay pala ako sa balikat ni CJ... O__O



"HAHA! What's with those faces pala huh? wag mong gisingin, tulog pa yung tao eh, teka mag pose ka muna diyan. Ilabas niyo na ang DLSR niyo biliisss!" Handa na sana akong magprotesta pero wala na, Dagsaang flash ng camera nila ang iniiwasan ko. Yumuko na lang ako, anak ng tilapia.



"Ayos nato, pangupload. Haha!"



"Ano ba, subukan mo Enzo!" Singhal ko sa kanya.



"Mamaya brad, you see! subukan pala ah, buti nalang pala nagpakabit kayo ng wifi dito noh?" Ang sama nila, kaibigan ko ba talaga sila?



"Dude naman, wag ka namang mangaliwa, bespren tayo diba?" Sabi ko sa kanya.



"Yucks, Mangaliwa? ang panget ng term mo. Kilabutan ka nga Lance. No waaaaaay!"






CJ's POV




"Yucks, Mangaliwa? ang panget ng term mo, Kilabutan ka nga. No waaaaaay." Nagising ako sa ingay ni enzo. -___-




"Hala, enzo! sigaw pa. gising na siya." Sabi ni ate lei.



"Luh, CJ. naabala ko ba ang sleeping beauty mo? pasensya kana. Waaaaaaah" tyaka ni hinawakan yung dalawang kamay ko.



"*Eherm* Chansing na yan! may nagseselos." Sabi ni Kyle tyaka tinapunan ng tingin yung katabi ko.




"HAHA! Ayaw mong umamin ah, tingnan natin." Sabi niya sabay smirked. Ano daw yun?




Bumaba na kami lahat sa van, si ate lei ang kasama ko tapos sumulpot si enzo tyaka kinuha yung mga bag na dala. "Ako na ang magdadala niyan CJ." Medyo may kalakasan yung boses niya kaya napalingon sila lahat samin.



"Nak ng, baka pormahan mo yan dude, may nagmamay-ari na diyan." Natatawang sigaw ni kyle sa kanya.




"Meron ba dude? sa tingin ko wala naman eh." Balik na sigaw niya rin. tumingin siya sa akin tyaka ngumiti, "Don't worry, i won't do anything. trust me. Magiging bridge niyo ako." He winked tyaka naunang maglakad, may pahabol pa siyang flying kiss. Natulala na lang ako sa kanya.



"What, why are you blushing CJ, Unicorn, ang sabe sayo ni Enzo? Waaaaah." Sabi ni ate lei, natauhan naman ako sa sigaw niya, napabaling ang tingin ko kay lance, Nakatingin din pala siya, nagiwas na lang ako ng tingin.



"W-wala yun ate, loko pala yun." Nasabi ko na lang sa kanya, napatawa naman siya, "Sobra, pero mabait yun, try mo siyang kilalanin, magiging close kayo nun." Tumango na lang ako sa kanya.



Isa-isa kami ng kwarto pero magkakatabi lang din yung rooms. nakahiwalay yung mga mommy's and daddy's nila. Haaaay! nakakamiss sila nanay at tatay.
Pumasok na ako sa sarili kong kwarto, nagshorts and loose shirt lang ako tyaka nagtsinelas.
First time kong magshort sa madaming tao, Oo madami, hindi lang kami ang tao dito, madami ding mga namamasyal.




Nagulat ako pagbukas ko ng pintuan andun si Enzo. "Tara, sa labas tayo?" Aya niya. tumango na lang ako sa kanya.



Nakita ko sa labas si lance, may kasamang babae, baket pa kasi ako lumingon? umiwas na lang ako ng tingin.



"Masakit diba? ako din, nasasaktan ako." Nagulat ako sa biglang pagsasalita niya, Masakit? masakit nga ba na makita siyang nakikipagtawanan sa iba?









The Long Lost Heirsess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon