Chapter: 36 Talked.

7.2K 127 1
                                    



CJ's POV



“Ate, okay kana?” Tanong ni AJ mula sa labas.


“Oo, pasok ka.” Sabi ko.


“Ready kana ba?”


“Ewan ko Aj, hindi ko rin alam eh.”


“Don't worry ate, andito lang naman ako eh.”


“Promise? hindi ko ako iiwan ah?” Sabi ko sa kanya.


“Hindi ate, bakit naman kita iiwan? For 16 years na ikaw ang nakasama ko, Magkalapit na kaya ang bituka natin.” Sabi niya, napatawa na lang din ako.



“Tara na ate?” Aya niya, Kinakabahang tumango ako sa kaniya.



“Aj, kinakabahan ako.” Sabi ko sa kanya,



“Ate ano kaba, Kung ako kinaya at tinanggap ko„ Sana naman ikaw din.”



“O-okay! S-subukan ko.”



“Wag mo subukan ate, Gawin mo!” Naknang, parang saming dalawa mas matanda pa siya ah? Mas matanda kaya ako. XD



“Tara na?” Aya niya, Pinasakay niya ako sa isang magarang sasakyan, may driver naman sa unahan, Wooooh! Kaya ko to.




*


“Ate, andito na tayo. Kaya mo yan okay? Kayanin mo! Mauna na kami ah? Goodluck!” Sabi niya, Bumaba na ako sa loob ng sasakyan,



Tiningnan ko muna ang bahay na nasa harapan ko ngayon,
Ang ganda, Ang yaman pala talaga ng pamilyang scott, Eleganteng elegante yung bahay, Parang akong nasa isang palasyo. Haaaay!


Nay, sana nandito ka, Para nakikita mo ang bahay nato! Kahit na makita mo lang. Ang ganda ganda.



Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko tyaka tuluyang pumasok sa loob ng bahay.



Sinalubong ako ng nga maids, hindi ko maiwasang hindi mamangha sa loob ng bahay, Kung maganda na yung labas, Mas maganda pala talaga yung loob ng bahay. Siguro, mamahalin ang mga gamit dito, Napakaganda at elegante.



“Halika, maupo ka muna hija, pinapatawag ko na sila madam jade, at si sir james.”



“Ah, eh. S-sige. Salamat po.”



“Nako, walang ano man. Napakaganda mo nga pala talaga sa personal, Hindi na ako magtataka, Kamukhang kamukha mo ang pinaghalong mukha ni Madam Jade at Sir James.” Nakakahiya naman sa kanila, Itinungo ko na lamang ang aking ulo.



“Manang, andiyan na daw ho si CJ?” Naririnig kong tanong ni Tita jade, habang pababa ng hagdan.



“Opo, madam. Naririto po siya.” Turo sa akin ni manang, kasama niya pala si T-tito james.



“You're here hija. Im glad you came.” Sabi niya tyaka agad akong niyakap ng mahigpit. Gu... gusto kong umiyak, siya ba talaga ang nanay ko? Sila ba talaga ang pamilya ko? Isa ba talaga akong Scott? may dumadaloy nga bang scott sa dugo ko?



“I-imiss you badly, my daughter.” Bulong niya,


“A-ako din po. m-miss ko na po kayo.” Sambit ko din sa pagitan ng paghikbi ko.



“Sssshh, don’t cry. It's been 17 years. Kamusta  ka? ang ganda ganda mo na.” Tito james.



“A-ayos na, ayos lang po ako T-tito james.”



“Sssshh. stop crying okay? don't call me Tito, From now on, Im your daddy.” Ngiti niya, D-daddy?



“Me too, from now on, stop calling me Tita, Im your mom.” Sabi niya rin.



“Im here too, Remember? when i told you to come at my office? I allow you to call me kuya, because im your big brother. I missed you bunso.” Sulpot ni kuya jaydee.



Niyakap ko silang lahat, Ganito pala ang feeling ng makasama ang buong pamilya, Nay, Tay! Hindi po ako galit dahil hindi kayo nagsabi sakin ng totoo, Nagpapasalamat po ako, Salamat po sa pag-aalaga samin for 17 years. Naging isang mabuting tao po ako. Thankyou.




“A-anak? Pwede bang lumipat kana dito? Samin?” Paki-usap ni mom--, dapat ko na nga ba siyang tawaging mommy?


“O-okay lang po sa akin.” Sabi ko, niyakap ulit nila ako. Ganito pala ang feeling, Ansaya ko. ansaya saya ko.





**

The Long Lost Heirsess (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें