CHAPTER: 4

9.4K 216 7
                                    


"Ate? Anyare sayo? Bat po may pasa ka?" Tanong ng kapatid niyang kadarating pa lamang.

"Wala to Aj!"

"Ate, sinong may gawa sayo niyan? Hindi ako naniniwalang wala lang yan, namumula yung mga mata mo, umiyak ka eh!" Aniya niya sa ate niya.

"K-kase, Nagtataka lang naman ako Aj kung bakit may mga taong ganun, W-wala naman akong ginagawang masama sa kanila, pero bakit ako, binubully nila ako, sinasaktan" Sabi nalang niya habang mahigpit na nakayakap sa bewang ng kapatid niya.

"Ate, wag ka ng umiyak! Andito naman ako eh, hayaan mo. Bukas sainyo na ako sasabay pagpasok tyaka pagnaglulunch." Yun na lang ang nasabi niya, para kahit papaano mapagaan niya ang loob ng ate niya, Si CJ kase yung tipo na tao na palangiti, parang walang problema, ni minsan lang siya umiyak. Ngayon niya na lang ulet nakita ang kapatid niya na umiyak.

"Andito na ako ate, hindi kana nila ibubully." Mapait siyang ngumiti dito.

"Salamat AJ"

"Wala yun ate."  Sabay gulo nito sa buhok niya.

Kinagabihan habang naghahanda ang nanay nila sa hapag, agad na may sumigaw sa labas.

"Mga anak, andito na ako" Alam na agad nila kung sino iyon, ang tatay nila. Galing ito sa trabaho sa sakahan. Nang makapasok ang tatay niya sa loob, nakayuko siyang nagmano dito. Ganun din naman ang ginawa ng kapatid niyang si AJ.

"Halina kayo, kumaen na tayo" Aya ng nanay niya, hindi parin napapansin ng tatay niya ang natamo niyang mga kalmot at pasa.

Kinalunan, napansin rin ng tatay niya, dahil tahimik ito, dapat kanina palang nagkkwentuhan na sila eh.

"Anak, tunghay ka nga, kanina pa kita napapansing nakayuko eh, Di makita ni Tatay ang kagandahan mo." Nagdadalawang isip pa siya kung tutunghay ba siya o hindi, sa huli ay tumunghay nalamang rin siya.

"Oh,  Ana--- ANONG NANGYARI SA MUKHA MO?" Ayan na nga ba ang sinasabi niya eh, maghhysterical ang tatay niya.

"Tay, binubully po siya sa school" Ang kapatid niyang si Aj na ang sumagot para sa kanya.

"Ano? Kailan pa yan anak? Sinong nangbubully sayo?" Tanong ng tatay nito.

"K-kanina lang po tay!" This time, siya na ang sumagot sa tanong ng tatay niya.

"Sinong nangbubully sayo anak?"

"Si kristine po. A-anak ni mayor"

"Bakit ka naman niya binubully anak? May ginawa kabang masama sa kaniya?" Tanong pa ng tatay niya, umiling lang siya dito.

"Tay, hindi naman po kaya ni ate na manakit ng tao" Sabat ni Aj.

"Alam ko iyon anak, alam kong hindi magagawa ng ate mo ang manakit ng tao. Anak,  gusto mo bang kausapin ko si mayor?"

"Tay, hindi na po. Hayaan nalang po natin sila, mapapagod din naman po sila eh." Pagpipigil niya  sa tatay  niya.

"Pero anak, nasasaktan kana, minsan hindi masamang magalit, alam kong hindi mo kaya iyon, pero sana naman matuto kang lumaban, ikaw na ang naaapi nila anak. Hindi bat sinabi ko sa inyo na, kahit mahirap lang tayo, hindi dapat tayo nag-papa api." Lintaya ng tatay niya.

"Tay, hindi ko naman po kaya iyong magalit, hindi po ba na masama ang nagagalit? Diba po dapat nagpapatawad tayo?"

"Pero anak, inaabuso nila ang kabaitan mo, aabusuhin ka nila anak."

"Hindi ko po alam tay." Mahinang naisagot niya nalang dito.



~
A/N:  Nakakalungkot lang wholeday ako bukas :3 baka hindi ako makapagupdate, pero susubukan ko sa gabi. :) Sana wala masyadong assignment. Hihi, malapit nadin ang teachers day eh. :3 Happy reading. Vote and comment kung gusto niyoo.

~
Sino pong marunong gumawa ng trailer dito? Paki PM naman po ako. Awa na :3 Haha.

The Long Lost Heirsess (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang