Chapter: 35 The Letter.

7.5K 143 1
                                    

CJ's POV





"Anak, CJ." Teka? si nanay yun ah? Hinanap ko yung tinig na pinagmulan nun.



"Nay, nandito po ako, Asan po kayo?" Ang ganda ng paligid, Andaming magaganda't, iba't ibang kulay ng bulaklak, Andaming nagliliparang mga paru-paro. Ang tahimik ng paligid, Puro huni lang ng ibon ang naririnig ko.



"CJ, anak." Si nanay? tumalikod ako para makita siya, hindi nga ako nagkakamali, Andun siya, Nakabestidang puti na mahaba, Pinalilibutan siya ng liwanag.



"Nay... ." Naiiyak na sambit ko.



"Anak, maging matatag ka ah? Pasensya kana kung nagsinungaling si nanay sayo, anak, pasensya kana kung hindi kami nagsabi ng totoo sa inyo, Mahal na mahal namin kayo ng kapatid niyo."



"Hindi nay, wag niyo pong sabihin yan."


"Basta anak, maging matatag ka ah? Tanggapin mo ang nga pangyayari. Ang mga nangyayari."



"Ano pong ibig niyong sabihin nay?" Nagtatakang tanong ko. Patuloy paring umaagos yung luha ko sa aking pisngi.



"Malalaman mo rin yun anak, Malapit na, Nawa'y matutunan mo ang tanggapin ang lahat."



"Nay, sasama nalang po ako sa inyo, Isama niyo na lang po ako."



"Hindi pwede anak, madami ka pang pwedeng gawin, yung mga pangarap mo? Madami ka pang pwedeng malaman, Nawa'y maunawaan mo."











LANCE's POV



"Hindiiiiii, Naaaaaaay! W-wag mo akong iwan dito, S-sama na lang ako sayo!"



"Hussssshh, Don't cry!" Alo ko sa kanya, yes. Sinundan ko siya, baka kasi may mangyaring masama sa kanta.



"Y-yung nanay ko" Patuloy parin siyang umiiyak, Damn. What do i do?? Never in my life akong nagpatahan ng babae.



"I take you home, don't worry, everythings gonna be alright, mauunawaan mo rin ang lahat." I kissed her forehead. Tsk, Damn this heart.


Why when i always look at her, can't help my self to stare her? She's beautiful really, I can't take my eyes off her. What is that feeling? Bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya?


*


Nakarating kami ng maayos sa bahay nila ate lei, hindi ko muna pinaalam kina mommy at daddy, pati narin kay AJ, panigurado susugod ang mga yun dito„ Lalon lalo na si AJ.



"Ate lei, take care of her, mauuna na ako."




"Salamat sa pagsunod mo sa kanya at paghatid dito, I owe you one!" Ngiti niya, tumango na lang ako sa kanya.











CJ's POV





Iminulat ko ang mga mata ko, Ang hapdi na pero, hindi ko parin mapigilan ang lumuha,


Totoo ba yung nakasama ko ulit si nanay kahit ngayon lang? Kahit isang beses lang?


"Madami ka pang pwedeng gawin, yung mga pangarap mo, Madami ka pang pwedeng malaman, Nawa'y maunawaan mo."



"Madami ka pang pwedeng gawin, yung mga pangarap mo, Madami ka pang pwedeng malaman, Nawa'y maunawaan mo."



"Madami ka pang pwedeng gawin, yung mga pangarap mo, Madami ka pang pwedeng malaman, Nawa'y maunawaan mo."





Nageecho na naman sa isip ko yung mga huling sinabi niya, Bakit anong connect nun dito? Naisip ko yung sulat na matagal na hindi ko pa nababasa, Ito na ba yun? Kinuha ko yung sulat sa cabinet, at binuksan.







"Anak, alam kong napakalaki ng kasalanan namin sa inyo, Alam kong napakalaki ng kasalanan namin ng tatay mo, Naalala mo yung pangarap mo? nung sinabi mo na hindi ka muna magnonobyo at iaahon mo muna kami sa kahirapan? Napaka swerte namin sa iyo, sa katulad mo. Sa inyo ng kapatid mo, Alam namin ang limitasyon namin, nagkamali kami. Anak, pagpasensyahan mo na kami ni tatay ah? Sobrang napamahal na kayo sa amin ng kapatid mo, kaya nakalimutan na namin na isauli kayo sa totoong nagmamay-ari sa inyo." Anong ibig sabihin ni nanay dito? Bumagsak na naman yung nga luha na kanina ko pa pinipigilan.



"Anak, hindi namin kayo totoong anak ni AJ, hindi rin kayo totoong magkapatid. Alam namin kung sino ang totoong mga magulang niyo, Hindi lang namin sinabi sa inyo. Alam namin na mali iyon, pero napamahal na kayo parehas sa amin, ayaw na namin kayong mahiwalay sa piling namin, kaya kahit mali, ginawa namin." Bakit nay? Ba.. bakit kayo nagsinungaling?




"Si AJ? Anak siya nila Sir Arthur. At ikaw anak nila Mr. and Mrs. Scott." O__O Totoo ba ito? pero bakit ganito? May parte sa katawan ko na naniniwala ako, may parte naman na hindi. Hindi ko na alam, ano ba pang gagawin ko?




"A-ate." S-si AJ ba yun? Lumingon ako sa pintuan, andun nga siya.



"A-AJ, sorry na actions ko kahapon, hindi muna ako nag-isip."



"Okay lang naman yun eh ate. Ang importante ayos na tayo, ayos kana, Ayaw ko nang may sama tayo ng sama ng loob sa isa't-isa, nahihirapan akong malayo sayo ate."




"Ako din naman eh AJ, nahihirapan din ako na malayo tayo sa isa't-isa, pero bakit ganun? Gusto ba talaga tayong paglaruan ng tadhana? Ang sabi sa sulat, Nanay ko daw si Tita Jade, hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko, Litong lito na ako AJ. Gusto ko na lang takbuhan ang lahat ng to."



"Hindi ate, haharapin natin to, Ito na yun eh, diba sabi ni nanay tanggapin mo kung ano yung posibleng mga mangyayari? Araw araw pinapaalala ni nanay yan diba? Wag mong takbuhan yung mga problema mo ate, Kasi kahit anong gawin mo hahabulin at hahabulin ka niyan, Hindi ikaw yung CJ na ate ko kapag hindi mo hinarap ang problema na to, Kase ang ate CJ ko, Kahit gaano pa kalaki ang dinadala niyang problema, nakakaya niyang solusyunan yun." Mahabang lintaya niya. Tama siya, Ako to si CJ. 'Kaya mo yan CJ! para sa ikabubuti ng lahat.'




"Oo nga pala ate, Gusto ka pala makausap ni Tita Jade, Handa kana ba?"




Handa na nga ba ako? handa ko na nga bang makausap ang totoong mga magulang ko? Hindi ko alam.

The Long Lost Heirsess (Completed)Where stories live. Discover now