CHAPTER: 13

7.6K 174 4
                                    


Ilang araw makalipas ang graduation nila, sisimulan niya na ring maghanap ng trabaho, tutal summer naman na. Kailangan niya pang pag-aralin ang kapatid na si AJ. Magfofourthyear palamang ito.

"Ate, andiyan sina ate lei." Tawag pansin ng kapatid niya sa kaniya.

"Huh? bakit naman? sige papasukin mo!" Excited na sambit niya, hindi niya parin kasi ito nakikita magmula nung makagraduate sila.

"CJ, I need to talk to you." Malungkot na wika niya rito.

"Oh ate? bakit ka nga pala naparito?" Tanong niya pa rin.

"M-mag papaalam lang sana ako."

"Huh? para san ate? kelangan paba talagang ipaalam yan?" Wala ng halong tuwa na tugon niya rito, seryoso na silang nag-uusap, si AJ naman ay umupo rin sa kabilang upuan.

"CJ. AJ. Im going home"

"Home? eh ate kadadating mo lang diba?" Sinubukang magpatawa ni AJ, pero sila natinag sa pagiging seryoso. Kaya't pinili niya na lamang na manahimik.

"Babalik nako sa bahay namin sa manila, kailangan ko ng bumalik, pinababalik nako ni mommy, kailangan niya ako."

"Andito pa naman si kuya kristoff diba?" Naluluhang tanong niya, sa tagal ng pagsasama nilang apat, nalulungkot siya para sa kanila, magkakasama na sila tapos may aalis na isa?

"No, actually he's coming with me, pinapauwi na rin siya ng mga magulang niya, may napatunayan na siya para sa kanila, katulad ko."

"Ate? Ibig sabihin ba nun iiwan niyo na kami?" Malungkot na sabi niya.

"No. hindi sa ganun CJ" Naiiyak niya ring sambit.

"Ate akala ko ba walang iwanan? akala ko ba solid tayo? bakit kayo aalis?" Hindi niya maiwasang hindi masaktan, katulad ni lei napamahal na rin ang mga ito sa kaniya.

"No, CJ hindi ka naman namin iiwan eh" Paliwanag niya.

"Hindi? pero ate aalis na nga  kayo hindi ba?" Tanong niya pa.

"CJ, mali yung pagkakaintindi mo. No, hindi ka namin iiwan" Siguro'y natrauma narin siya sa pagkawala ng mga magulang niya, si Ate lei at kuya krisoff at si AJ na lang yung andiyan tapos maiiwan ulit siya? Ayaw niya na ng  mag-isa.

"Ate, ang unfair naman eh! Nasasaktan ako, ayoko na umalis kayo, Magiging selfish na kung selfish, sa unang pagkakataon, Isang beses ko palang naman gagawin to hindi ba? Ayoko na mawala kayo saken. Tama na yung nawala sila nanay at tatay, ayoko na pati kayo mawala padin, kayo na lang yung meron ako eh, kayo na lang ate!" Mahabang lintaya niya.

"CJ, hindi namin kayo iiwan." She tried to explain to her everything pero she can't listened, baka kasi pagnakinig siya, Yung mga posibleng naiisip niya na yung mangyayari at sasabihin ni lei sa kaniya.

"Ate, dun na rin papunta yun! Ayoko ko! ayoko. ayoko."

"CJ, stop crying. matagal ka ng hindi inaasthma hindi ba? baka atakihin ka niyan, hindi namin kayo iiwan, pwede ba naman yun? Aalis kami ni Ate lei mo ng hindi kayo kasama? No. 4 years and a half na tayong magkasama Cj. itinuring na namin kayong isang tunay na kapatid, ayaw namin na nasasaktan kayo hindi ba? So, isipin mo? Bakit namin kayo iiwan? Alam namin na masasaktan kayong dalawa" Singit ni kristoff sa kanila.

"Anong ibig niyong sabihin? Ate? Kuya?" Tanong niya pa.

"Hindi mo muna kase ako pinapatapos CJ eh, sino bang may sabing iiwan namin kayo dito? Sasama kayo samin, kasama namin kayo sa manila, dun tayo ulet magsisimulang apat." Nakangiting wika ng ate  niya, biglang nagliwanag yung mukha niya, nahinto na rin yung pagpatak ng luha sa pisngi niya, napalitan iyon ng isang malawak at maaliwalas na ngiti.


~
A/N: Hi :) Here's the chapter 13. ^^

The Long Lost Heirsess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon