CHAPTER: 10

7.8K 178 5
                                    



"AJ.... CJ... A-alam niyo na ba? Nakapanood ba kayo ng balita?" Katok ni kristoff sa pintuan ng mga ito, Malakas ang ulan sa labas, Agad namang binuksan ni CJ iyon.

"Ang alin kuya? Wala kaming tv nakalimutan mo na naman?" Sagot niya dito.

"Andiyan naba ang nanay at tatay mo?" Tanong parin niya dito, baka kasi hindi totoo yung napanood niya, baka prank lang yun, baka nagjojoke lang sila.

"Wala parin nga po eh kuya, nag-aalala na ako" Saad niya rito.

Napansin naman ni kristoff na may sugat ang kamay nito, "Napano yan?" Kasabay ng pagtatanong niya ang biglang pagdating ni Lei, siguro'y alam niya narin, halata sa mukha nito ang pag-aalala.

"Ah, ito po ba? nalaglag po kase yung baso kanina eh, nung nililinis ko na bigla kong nasanggi yung isa kaya ayun." Paliwanag niya sa mga ito.

"Okay na ba? hindi na ba masakit?" Singit naman ng ate lei niya.

"Maliit lang naman ito ate, tyaka oo nga po pala bakit po ang aga niyo ulet? may nangyari po ba?" Biglang nakatinginan ang dalawa, naguudyukan at nagsisukuhan pa sila kung sino ang magsasabi dito.

"Ayiiiieh, baka magkadevelope-an kayo niyan ate lei at kuya kristoff" Biglang sulpot ni AJ sa tabi nila, kaya't biglang naghiwalay ang dalawa.

"Ate, kuya ano na po? yung sasabihin niyo po?" Tanong niya. hindi naman siya excited ano?

"CJ.. . AJ kase, yung mga magulang niyo, wala na sila. kasama sila sa nahulog sa bangin sa bus, isa sila sa mga pasahero, sorry!" Walang gatol na sabi ni lei, hindi niya alam kung san siya kumuha ng lakas ng loob, niyakap niya nalang bigla ang umiiyak na si CJ.

"A-ate, nagjojoke ka lang diba? hindi naman totoo iyan eh." Bagsak ng bagsak yung luha niya, basa narin ang balikat ng ate niya, punong puno ng luha ang mukha niya, si AJ naman nakatungo lang, alam nilang umiiyak rin ito dahil sa pagtaas-baba ng balikat nito.

"Im sorry CJ." Yun na lang siguro ang tanging nasasabi niya, Sorry! ngayon! hindi niya alam kung anong gagawin niya, kung paano niya pagagaanin ang loob ng itinuturing na kapatid, tanging yakap lang magagawa niya para dito, Hinihimas himas naman ni Kristoff ang likod ni AJ.

"A-ate, sabihin mo naman na j-joke lang yan oh, H-hindi n-aman yan t-totoo diba? Na-nagjojoke lang naman sila, hindi naman totoo na wala na si nanay at tatay eh. Nag-jojoke lang sila ate!" Pumipiyok na lintaya niya.

"Sssssshhhh. Cj im sorry!" Nang mahimasmasan si CJ, pinainom ito ng tubig pati narin si AJ, tapos nagsimula na naman itong lumuha at magkwento,

"B-bakit si nanay at tatay pa? bakit ang dami daming tao sa mundo, alam ko namang walang permanente eh, may mawawala, may mamatay, may maiiwan, pero bakit sila pa yung nauna? Ang unfair lang, mabait naman ako, kami ni AJ pero bakit kami pa yung nawalan ng magulang? N-naging understanding naman ako, pagsinabi ni nanay na wala, okay lang para sa akin kase alam ko namang wala talaga eh, si AJ ganun rin naman siya eh, pero bakit? bakit sila pa? A-ayoko, ayoko na mawala sila, pero bakit? ano pa bang magagawa ko? wala na naman hindi ba? kailangan ko nalang tanggapin pero paano? ang hirap lang kase eh."










*

The Long Lost Heirsess (Completed)Where stories live. Discover now