CHAPTER: 17

7.8K 161 1
                                    




"Hi Ganda" Bati sa kaniya nung babae kahapon.

"H-hi?" Nahihiyang sambit niya rito. Napatawa nalang si Marie.

"Wag ka ng mahiya ganda. Oo nga pala, Ako si Marie. Ikaw?" Nakangiting pakilala niya sa sarili, sa palagay niya ay magkakasundo sila nito.

"Ah,  Im CJ" Balik na ngiti niya dito.

"Halika na nga, baka dumating pa si sir pogi eh, tara. Andito yung susuotin mo." Tumango na lang siya dito, tyaka sumunod kung san ito patungo.

"Oo nga pala, dito din ang magiging locker mo, magkatabi lang yung satin. kyaaah. eto na yung uniform mo ganda, palit kana dun." Tyaka nito tinuro sa kaniya ang cr.

"Salamat." Sabi niya dito, tyaka tuluyang pumasok sa loob ng banyo. Nang makapagpalit na siya, lumabas na siya mula sa loob. ‘Woah girl, Ang ganda mo.’ May pagsa OA rin pala ang babaeng ito.

“Grabe ka. hindi naman. tara na nga baka maabutan pa tayo ng boss natin dito” Sabi niya tyaka naunang naglakad palabas ng locker room.

“Hindi naman siguro, nako! Excited na ako para mamaya!” Sambit nito sa kaniya. “Huh? para saan?” Tanong niya na lang.

“Ano kaba naman, syempre kakanta ka kaya mamayang gabi. 2-3 songs ata! Ganda, excited na akong marinig ang boses mo!”

“Hala, ako? Kakanta?” Gulat na tanong niya. Dahilan ulit para mapatawa si marie sa kaniya, “Ang inosente mo talaga Ganda, haha! Diba nga kaya ka nandito as a waitress and singer?”

“Ang alam ko lang naman kakanta ako, hindi ko naman alam na sa madaming tao, at tyaka hindi naman ako ininterview kahapon, basta ansabi nalang nung lalaki ay ‘You're hired’” Kwento niya rito, Literal na natawa naman si Marie dito.

“Haha! Ginawa niya yun? Grabe si sir pogi! Hahaha” Baliw rin pala ito.

“Eh? Oo?” Natawa ulit si marie sa kaniya tyaka inaya na siyang magtrabaho.

“Ganda, simple lang naman yung gagawin mo, Iaabot mo lang sa bawat table yung orders, meron naman na sa menu eh”

“Ayun lang ba? okay sige!” Nakangiting tugon niya rito.

“Oo nga pala, madaming costumers monday-friday! may mga students dito eh.” Nagtaka siyang binalingan ito ng tingin.

“Bakit? eh diba bakasyon?” Tanong niya, “Summer class, 2 hours lang yung klase nila, kaya nga pinaluwangan to, tyaka nilagyan ng second floor, dito sila tumatambay pagkatapos ng klase nila.”

“Ah. Ganun? Okay sige! saan ako? sa baba o sa taas?” Tanong niya, “Sa baba tayo, may counter naman na sa taas eh, sila na ang bahala dun, basta tayo, sa baba tayo!” Tumango nalang siya dito bilang sagot. Sunday ngayon, mamaya pa daw ang costumer dito, Para ngang naiiba ang Cafe na ito, sa Umaga Coffee shop, tapos sa tanghali, Fastfood, tapos sa gabi parang mini bar.

“Ang galing naman dito marie, Ang cute kasi, Sa umaga coffee shop, tapos sa tanghali fastfood, tapos sa gabi mini bar” Natutuwang sambit niya.

“Haha, yes! nakakatuwa nga dito eh, buti dito ka napunta, ang swerte mo girl, lagi dito si Fafa Lance” Kinikilig na kwento niya.

“Sino naman iyon?” Tanong niya dito, “Basta ganda, sigurado namang makikilala mo din siya, he's so gwapo. kyaaah. Tisoy!” Napapatawa na lang siya sa inaasal ni marie sa kaniya, buti na lang at mabait ito sa kaniya.





~
A/N: Chapter 17 done! Enjoy reading. :)

The Long Lost Heirsess (Completed)Where stories live. Discover now