Chapter: 19

7.5K 179 2
                                    



“Table number 9”

“CJ number 5”

“CJ eto pa!”

“CJ.. CJ... CJ..” Nakakapagod rin palang magpabalik balik sa iba't ibang lamesa. bulong niya sa sarili.

Pinunasan niya yung ilang butil ng pawis sa noo niya at tyaka kinuha yung ilang natitira pang order na naiwan.

“Ano? kaya paba ganda?” Tumango siya dito tyaka ngumiti. “Oo naman. kayang kaya!”

“Okay. hihi!” Natapos ang umaga, kinailangan na nilang maglinis para sa fastfood mamaya, closed muna ang cafe, bali iibahin lang yung set ng upuan.

“Hoo! Kaya to!” Bulong niya sa sarili ko.

Inumpisahan na nila ang pagaayos at inilagay na sa dapat na pwesto ang mga upuan. “CJ dito yan!” Sinunod niya nalang ang sinabi nito.

Kinuha niya yung mop at sinimulang imop ang sahig, pagkatapos niya, pinunasan niya naman lahat ng lamesa. Medyo pagod narin siya pero kaya pa, Grabe! Ang hirap ng payuko-yuko.

“Ayos ka lang ba CJ?” Tanong ng isang kasamahan niya sa kaniya.

“Oo naman! kaya pa!” Nakangiting sagot niya dito, umupo muna siya saglit sa isa sa mga upuan roon, sa wakas ay nakatapos na din sila.

“Halika na CJ, magpalit na tayo para mamaya, magoopen na ulit ito.” Napatango nalang siya dito tyaka sumunod.

¾ na damig at palda na above the knee ang suot nila, tapos may suot na parang apron na red na polkadots. “Ayan! ang ganda mo girl, bumagay na naman sayo ang uniform natin. Halika, Ififishtail ko ang iyong buhok” Napaoo nalang siya ng bigla nitong guluhin ang puyod niya at gawin yung sinsabi niyang fishtail.

“Oh ayan! see diba? mas bagay sayo, ang haba ng hair mo!” Napatawa na lang siya.

*

“CJ, may naghahanap sayo!” Napapitlag siya ng may tumapik sa balikat niya, Nakaidlip na siya. Pahinga niya kasi ngayon, dahil mamaya kakant siya, hanggang tanghali lang ang trabaho niya tapos kapag naka-kanta na sa gabi ay pwede na siyang umuwi.

“Huh? eh sino naman daw?” Tanong niya.

“Hindi ko kilala eh, puntahan mo nalang, teka! eto nga pala pinabibigay nung babae may bihis ka daw muna bago lumabas, nasa table 5 sila.” Napatango na lang siya tyaka nagtungo sa cr.

Isang bestidang puti na hanggang tuhod ang suot niya, Inilugay niya na lang din ang buhok niya, yung sapatos niya, puting dollshoes na may bulaklak sa gitna, Bigay iyon ng ate lei niya.

“Woah! Ang ganda mo girl.” Napangiti nalang siya sa sinasabi ng mga ito sa kaniya, hindi naman siya naniniwala.

Lumabas na siya para pumunta sa table 5, dalawang babae ang naghihintay sa kanya, yung isa nakatalikod, yung isa naman ang tita niya, mommy ni lei.

“T-tita? pinapatawag niyo daw po ako?” Mahinang sambit niya sa mga ito, sapat na iyon para marinig ng dalawa.

“Oww! you're here, what a goddess you, have a seat.” Napaupo na lang siya sa tabi ng kasama ng katabi ng tita niya.

“Here, Jade! I want you to meet Cristine Jade.” Napalingon ako sa kinausap ni tita, Woah! ang ganda niyaa. We have a same eyes.

“S-she is??” Gulat na sambit niya tiyaka muling kumurap.



to be continued.

A/N: Anong nakita ni Mrs. Scott? bakit mukhang gulat siya? XD :3 Haha. Ingat kayo :*

The Long Lost Heirsess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon