CHAPTER: 15

7.6K 178 2
                                    



Pagkadating nila sa bahay nina lei, parang buntot ng aso ang dalawa na sunod ng sunod sa kaniya, nahihiya silang dalawa kaya palagi silang nasa likod, yung mommy naman ni lei may dadaanan pa raw kaya nagpababa nalang siya kanina malapit sa mall.

Naipasok na nila ang mga gamit nila, naiwan si AJ at si CJ sa magiging kwarto nila para ayusin ang mga gamit nila.. si lei naman pababa para kumuha ng meryenda, sa pagbaba niya nakasalubong niya ang taong ayaw niyang makita, ang daddy niya.

"You're here huh? Akala ko hindi kana babalik." Wika nito sa kaniya, gusto niyang irespeto ito pero galit na galit siya rito, kaya mas pinili niya na lang ang manahimik.

"Napipi kana ata?" May halong panunuya na sambit nito, she closed her fist, nananahimik na siya.

"No. hindi ako pipi, and duh, nandito ako malamang. nakita mo diba?" Sagot niya dito.

"Kamusta ka naman? balita ko may mga kasama ka?"

"Ayos lang ako, eh ikaw? akala ko wala kana eh! sana. sayang naman. Oo may mga kasama akong tao."

"Oww. akala ko alaga mong aso eh!"

Ayaw niyang magpatalo dito, tinatapatan niya ng salita bawat sabihin nito, "Are you trying to be funny here? Mas asal tao pa sila kesa sayo! Don't get me wrong. Mas asal hayop kapa sa kanila." She smirked then she walk away. Mabait siya kung mabait kadin sa kaniya.

Samantala:

"Oh? why are you here? I heard your lei is back, how is she?" Tanong ni Jade sa kaniya.

"I have something important to tell you." Pigil hiningang sambit niya.

"What is it trish?"

"I-i s-saw her." Sabi niya dito.

"Huh? sino?" Takang tanong naman nito.

"J-jade."

"What?" Nagsisimula na itong mainis, para kasing nakakita ng multo ang mommy ni lei, hindi niya matuloy tuloy ang sasabihin niya.

"May nakita ako, magkamukhang magkamukha kayo, do you still remember when you were 17? Diba still pinupuyuran kapa rin ng mommy mo ng pangbatang puyod? like sa chinese? Ganun yung nakita ko, kamukhang kamukha mo siya Jade, hindi ko sinasabi sayo to para umasa ka na naman sa wala."

"You're just hallucinating cathy, matagal ko ng nakita ang anak ko."

"Pero jade."

"Sige tingnan natin, Magschedule ka ng araw kung kelan ko siya pwedeng makita, at kung isa nga siyang scott."

~

The Long Lost Heirsess (Completed)Where stories live. Discover now