Prologue

6.3K 140 6
                                    



Bakit kung kelan nanahimik ka sa payapang mundong iyong ginagalawan,

May isang taong darating sa buhay mo,
para bulabugin ang puso mong hindi mo namamalayang natutulog na pala...

Dahilan para ika'y maguluhan at kuwestyunin ang sarili mong pananaw sa buhay...

Pero di ka handa at takot ka na malaman ang kasagutan sa lahat ng iyong katanungan at kalituhan...

Naging duwag ka,
hindi mo pinaglaban ang natatanging dahilan ng iyong kaligayahan at pamawi ng iyong kalungkutan...

Nasasaktan ka habang sinasaktan mo siya,
Kaya mas pinili mo nalang na pakawalan siya...

Kasi hindi tama?

Kasi hindi pwede?

Dahil may mga bagay nga na pwede,
hindi naman tama,

At may mga bagay din na tama,
hindi naman pwede...

Pero ano nga ba ang mas tama,
Ang magbago ka para sa pagmamahal?

O hayaan ang pagmamahal na baguhin ka?

Kaya heto ka na ngayon...

Kahit alam mong tapos na ang lahat, bakit pilit mong binabalikan yung simula?

Umaasa ka nalang na sa paglipas ng panahon ay maibabalik mo kung anong nawala sayo...

Kung hindi man maibabalik ang dati, babaguhin nalang ng panahon ang mga bagay...

Pero bakit parang hindi binabago ng panahon ang puso mo?

At maiiwanan ka nalang na umaasa at masasabi mo nalang sa sarili mo na sana.......

Na sana hindi nalang kayo nagkakilala para mabura na siya sa alaala mo....

Na sana hindi mo nalang hinayaan na pumasok at manirahan siya sa isip at puso mo...

Na sana hindi mo nalang siya minahal para hindi ka na nasasaktan pa...

At sana....

Sana noong nagkatagpo kayo,
sana ibang tao ka nalang,
At ibang tao nalang din siya...

Sa ibang pagkakataon,

Sa ibang lugar,

Sa ibang panahon...

Para naiba nalang din sana ang tadhana niyo...

An Affair to RememberWhere stories live. Discover now