Stay With Me

2.5K 121 12
                                    


A/N: HAPPY NEW YEAR EBRIBADEH!!

**********
Jade's POV

Nagiguilty ako ngayon dahil sa pagsasagutan ng magulang ko, mabuti nalang at kalmado pa din si Dada. Hindi din kasi niya ugali pumatol everytime na beastmode si Mama, instead na mangatwiran at sabayan ang galit ni Mama, he always try to tame her. Kaya kung mag-away man sila, maya-maya ay nagbabati din agad. Pero ngayon ko lang nakita si Dada nangatwiran kay Mama. I'm so thankful to him dahil pinagtanggol niya kami. Naiintindihan niya siguro ang nararamdaman at pinagdadaanan ko ngayon.

I knew it was coming, and I already prepared myself kung ano man magiging reaksyon o sasabihin ni Mama. Nakakatakot, pero kailangan ko maging matapang para harapin ang mga konsikwensiya ng desisyong pinili ko. Handa akong tanggapin ang galit niya dahil alam naming mali to, at alam kong sesermonan na naman niya ko at pipilitin na gawin ko kung ano ang tama at katanggap tanggap.

Pero desidido na ko, paninindigan ko to. Pero naniniwala pa din ako na mauunawan niya din ako katagalan. Na kahit anong mangyayari mananaig pa din sa kanya yung pagmamahal niya sakin bilang isang ina.

Alam ko namang maganda intensiyon niya na mapabuti ang buhay naming magkakapatid. Pero magiging maganda nga ba kung labag naman saming kalooban? Magiging maayos at payapa nga ba ang buhay namin, kung nagwawala at naghahanap naman ng kalayaan ang puso namin?

Tumayo si Mama at nagwalk-out sa sobrang galit. Nagpaalam muna ako kay Althea bago ko hinabol si Mama na dumeretso ng kwarto at agad ko namang sinundan.

"Mama... I'm so sorry..." Paghingi ko ng tawad. Pagkatapos ay humugot ako ng isang malalim na buntong hinga para ihanda ang sarili ko sa mga galit na ibabato niya sakin.

"Jade! Jusko naman! Ano bang pumasok sa isip mo at pinatulan mo ang babaeng yun? Ano bang nangyayari sayo anak?!" Sunod-sunod na tanong ni Mama habang namumuo na ang luha sa mata niya sa sobrang galit. Hindi ako sumagot at hinayaan ko nalang ilabas ang galit niya sakin.

"Jade naman pati ba naman ikaw?! Jusko! Bakit ba ganyan kayong mga anak ko? Puro kayo mga suwail! Hindi naman ako nagkulang sa paggabay sa inyo, pero bakit ganyan pa din katitigas mga ulo niyo?! Jade alam mo bang mali yang pinapasok mo? Alam mo bang kasalanan yan sa mata ng tao at lalong lalo na sa mata ng Diyos?! Anak baka naman naimpluwensyahan ka lang ng babaeng yun kaya layuan mo na siya habang maaga pa. Pag isipan mong mabuti yan pinaggagawa mo baka confused ka lang. Baka nabubulagan ka lang dahil bago lang sayo yang mga pakiramdam na yan. Hindi ka pa nakakasigurado diyan kaya please anak. Labanan mo yan, talikuran mo yan, hindi ikaw yan." Sermon niya sakin.

Nagiguilty naman ako dahil pakiramdam niya nagkulang siya samin bilang isang magulang. Sa katotohanan nga maayos niya kami napalaki yun nga lang nasosobrahan lang dahil halos lahat ng kilos namin kailangan laging nasa tama, kailangan sunod sa gusto niya, pakiramdam namin para kaming mga robot na sunud sunuran sa taga-mando.
Pero nasa tamang edad na naman kami, alam na namin kung ano ang tama at kung ano gusto naming gawin sa buhay namin. Para saan pa ang mga salitang karapatan at kalayaan di ba?
Hindi naman porket nagdesisyon kami para sa sarili namin, ibig sabihin ay suwail na kami, na hindi na kami mabuting anak. Nagkataon lang na kung saan kami masaya, hindi lang pabor sa kanya.

"Mama, ito po ako.. Ito po ang tunay na ako, at ayoko na po kayong paniwalain sa mga kasinungalingan. Ayoko na po mabuhay sa pagpapanggap.. Sinubukan ko naman po labanan eh, sinubukan ko po naman po iwasan eh. Pero kahit anong gawin ko ganito pa din po ako, hanggang sa matutunan ko pong tanggapin kung ano ko, at sana balang araw matutunan niyo din po ako tanggapin. Mahal ko po si Althea, at sa lahat ng mga nangyari sa buhay ko, siya lang po yung sigurado ako."

An Affair to RememberWhere stories live. Discover now