Meet My Parents

2.6K 119 30
                                    


Althea's POV

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Inabot ko agad ang phone ko sa bedside table para i-off ang alarm, at itext si Jade. Dahil siya lagi una pumapasok sa isip ko tuwing pag gising ko ng umaga.

To: Love
6:35 am

Goodmorning to the love of my life! I love you. 😘❤️

Mahigit isang linggo pa lang kami ni Jade. Lagi na maganda ang gising ko, at parang lagi ako naeexcite araw-araw, hindi na din ako masydo naiistress at parang araw-araw good vibes. Tama lang pala ang desisyon ko na bigyan ulit siya ng pagkakataon, dahil siya lang din pala makakapagpagaan at makakapagpawala ng lungkot at sakit na naramdaman ko noon. Na siya lang din pala yung bubuong muli sakin. Yun nga lang minsan nag-aalangan pa din ako, ewan ko parang may parte kasi ng pagkatao na nililimitasyonan yung dapat kong maramdaman. Na parang hindi ko na kaya ibigay lahat ng nararamdaman ko. Na parang laging may nagsasabi na dapat hanggang dito lang, na dapat hanggang diyan lang kasi pag lumagpas ka, iyak ka na naman. Parang hindi na katulad ng dati na todo bigay ako, oo mahal ko naman si Jade hindi na kailangan kuwestyunin pa yun, pero siguro kaya lang ako ganito dahil din sa takot ko na masaktan ulit? Habang si Jade naman sineryoso niya talaga yung sinabi niyang babawi siya. Talagang pinaparamdam niya sakin na mahal niya nga talaga ako.

Jade is my strength and my weakness. She's my joy and my pain. She's my everything.

Tumayo na ko at tinungo ang banyo para sa morning routine ko. Pagkatapos ay tumungo na ako ng kusina para magtimpla ng kape nang biglang tumunog ang phone ko. At binasa ko agad yung text.

From: Love
7:08 am

Goodmorning love!
I love you too. Nagbreakfast ka na ba?

At napangiti ako ng mabasa ko ang text niya at agad ko naman siya nireplyan.

To: Love
7:10 am

Aga mo magising love ah? Eto nagtitimpla pa lang ako coffee, sa labas nalang siguro ako magbreakfast. Ikaw ba?

From: Love
7:13 am

Gusto mo ba sabay na tayo magbreakfast? 😉

To: Love
7:15 am

Sure love.. Mas okay yan. I miss you na din kasi eh 😔

At alam ko na mukha akong ewan na ngumingiti mag-isa pero hindi ko mapigilan eh. Habang naghihintay ako ng reply ni Jade biglang may nagdoorbell. At alam kong si Batchi na naman yan, dahil siya lang naman lagi mahilig mambulabog dito sa condo ko ng ganito kaaga. Nak ng tokwa naman talaga to si Batchi, kahit kelan talaga. Aga aga pa eh. Haay. Nasambit ko dahil naistorbo ako sa pagmomoment ko with Jade. Tinungo ko ang pintuan at nagulat ako na hindi pala si Batchi at nagdoorbell kundi si Jade. Bumilis naman ang tibok ng puso ko at napangiti ng pagkalaki-laki. Nanatili akong hindi makapagsalita dahil hindi ko inaasahan si Jade na pupunta sa condo ko at ng ganito kaaga.

"Hi love! Goodmorning! I brought you breakfast!" Bati niya na nakangiti sabay taas ng dala niyang paperbag bago kumindat. At kinilig naman ako dahil ang aga-aga niya pumunta dito para lang dalhan ako ng breakfast?

Napatingin naman ako sa kabuuan niya na nakapang jogging outfit pa at may dalang sportsbag. Lumabas naman ang kurba ng katawan niya dahil masyadong hapit ang suot niya at tila ba nanuyot naman ang aking lalamunan at bigla akong napalunok.

"Goodmorning din love, hali ka pasok ka. Aga mo ah?" Tanong ko habang kinukuha ko ang bitbit niya, hinalikan naman niya ako sa pisngi, sabay hapit ko sa bewang niya para sabay kami pumasok sa loob. At tinungo namin ang kusina para ilagay sa mesa ang mga pagkaing dala niya.

An Affair to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon