The One... Who Got Away

2.4K 106 9
                                    

Jade's POV

Minsan, may nagsabi sakin...

(Inserts Manang G's words of wisdom, di ko lang sure yung exact words)

"Na dapat, gawin lagi ang tama,
at kung minsan nakakalito man kung ano ba ang tama at kung ano ba ang mali...

Pero malalaman mo daw kung alin ang tama, kapag mas magaan at mas madali..."

Ngunit bakit kahit tama naman ang aking pinili...

Bakit tila may mali?...

Bakit tila hindi naman naging magaan at madali?...

At sa pagiging miserable ba, ako ay mananatili?...

At habang buhay na lamang ba akong magkukubli?...

At ang kaligayahan ba, ay ipagkakait ko na lamang sa aking sarili?...

Ipinikit ko ng mariin ang aking mata sabay pakawala ng isang buntong hininga, dahil hindi ko namamalayan na nakakabuo na pala ako ng isang tula sa aking isipan, habang nakatulala sa kisame ng aking kwarto.

Isang linggo pa lamang ang nakakalipas matapos kong pakawalan at magpaalam kay Althea, ngunit pakiramdam ko tila ilang taon na ang nakalipas.

Habang lumilipas ang mga araw na hindi ko na siya nakikita, mas lalong tumitindi ang aking pangungulila at lungkot na nadarama. Kahit saan ako tumingin si Althea ang aking nakikita, at kahit ipikit ko ang aking mata siya pa rin ang aking nakikita. Ang amoy niya, ang mga haplos niya, ang mga yakap at halik niya hanggang ngayon ay akin paring nadarama. At ang boses niya na paulit-ulit umaalingawngaw saking isipan, lalo na ang mga huling salitang kanyang binitawan. At ang mga ala-ala naming dalawa na paulit-ulit na pilit bumabalik kahit sinusubukan kong kalimutan. Pero ganon talaga kailangan kong tanggapin, at kailangan ko tiisin dahil ako naman ang may nais nito.

Simula nun hindi ako makakain ng maayos at tila ba lagi akong matamlay, lagi na din ako nagdadahilan sa mga kaibigan ko at kay David tuwing yayayain niya ko lumabas. Hindi din ako makatulog sa gabi ng hindi umiiyak.

Tumagilid ako ng pagkakahiga at tuluyan na tumulo ang mainit na luha sa aking mata, habang hawak ang kwintas na iniregalo sakin ni Althea.

*tok tok*

"Bunso?... Labas ka na diyan tanghali na.." Tawag ni Kuya Paul sa labas ng aking kwarto. Hindi ko siya pinansin dahil ayoko makita niya ko na ganito, dahil di ko din kaya ipaliwanag kung bakit ako ganito.

Narinig ko na binuksan niya ang pinto at naramdaman kong umupo siya sa gilid ng aking kama habang nakatalikod ako sakanya. Dahan dahan kong isinubsob ang mukha ko sa unan at magpanggap na natutulog pa. Habang ang mga mata ko ay patuloy pa din sa pagluha at ang puso ko ay naninikip pa.

"Bunso?..." Tawag niya habang tinatapik niya ako sa balikat. Naramdaman ko na tumayo siya at lumipat ng upo saking tabi at lalo ko naman isinubsob ang aking mukha sa unan. Tinanggal niya ang unan para makita niya ang aking mukha.

"Oh bunso bakit ka umiiyak? May problema ba?" Tanong niya na may himig ng pag-aalala. Agad na akong umupo at pinunasan ang aking mga luha.

"Tears of joy ba yan? Di ba engaged ka na? Eh bakit para kang namatayan? Bakit para kang iniwanan ng taong minamahal?"
Tanong niya na parang nang-aasar.

"Kuya..." Sambit ko at bigla ko siyang niyakap at tuluyan na kong umiyak sa kanyang balikat. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng kakampi, pakiramdam ko nagkaroon ako ng karamay, at pakiramdam ko meron ng makakaintindi sakin.

An Affair to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon