Happy Birthday Jade!

2.1K 111 9
                                    

Althea's POV

"Yes Thea seryoso to, pwede ba kita makausap?"

"T-tungkol saan naman pag-uusapan natin?"

"Tungkol kay Jade." Sagot niya, bigla ako napalunok at lalo akong kinabahan.

Shit! Alam na kaya niya? Sinabi na kaya ni Jade ang totoo? At kaya niya siguro ako sinadya dito dahil alam na niyang ako ang ipinalit ni Jade sa kanya? Pero andito na eh, kailangan kong saluhin ang galit niya o kung ano pa man. Pero kailangan ko ipaliwanag ang lahat.

"A-ahm.. A-Ano Dave.. I-I'm sorry.. P-pero hindi naman namin sinasadya yun.. H-hindi naman namin alam na--.." Pautal utal kong sagot. At panay naman ang tingin ko kay Batchi para humingi ng saklolo, pero nakatingin lang sakin na inaantay lang susunod kong sasabihin at mukhang kinakabahan din.

"Huh? Ano ang hindi niyo sinasadya?... Anyway Thea, pinuntahan talaga kita dito kasi may pinaplano kaming surprise birthday party for Jade. At saka syempre namiss ko din ang long lost friend ko. Hehe." Sagot niya sabay kindat sakin

"A-ah.. H-hehe.. A-Akala ko naman kung ano." Sagot ko na pautal-utal at pinilt ko ngumiti para hindi niya mahalata ang kaba ko. At napabuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili ko, na tila nabunutan ako ng tinik dahil mali pala ang inakala ko. Akala ko sinabi na ni Jade ang totoo at nalaman niyang ako ang pinalit niya sa kanya. Pero kung andito siya tungkol kay Jade, edi ibig sabihin sila pa din? Ibig sabihin hindi pa din tinutupad ni Jade ang pangako niya? Pero hanggang kelan ba ko aasa?

"Kasi ganito yun, kasabwat ko kasi mga kaibigan niya sa pagoorganize ng party. Nagrereport nalang sila sakin ng mga updates. At kailangan maperfect namin to para makabawi naman ako kay Jade. Alam ko siguro nagtatampo na sakin yun ngayon dahil minsan pag may itatanong or may sasabihin siya sinasadya ko umiwas o magpakabusy, kasama kasi sa plano namin yun para mas masurprise siya."
Sagot naman niya, at si Batchi naman ay nakikinig lang sa usapan namin.

"A-ah.. G-ganun ba? A-Ano naman magiging kinalaman ko diyan? Ano ba kailangan mo talaga?" Pautal utal kong tanong

"Ahm.. kasi Thea kailangan ko kasi ng tulong mo, may hihingiin akong pabor, kung pwede lang naman sana, ngayon lang naman eh. Tutal naman, ako hinihingian mo lagi ng pabor dati pag gusto mo suyuin si insan o pag magkaaway kayo di ba? Para mo na nga ako side kick dati eh, haha. Pero hindi naman sa nanunumbat ako ah, gusto ko lang sana humingi pabor sayo.. Sana pumayag ka, please?" Pakiusap niya habang nakapout pa ang mga labi. At bigla naman ako natawa.

"Itsura mo ayusin mo nga! Di ka padin nagbabago eh. Nakakaasar pa din mukha mo. Haha. Anyway so ano naman pabor yan? Basta wag lang mahirap" Sagot ko habang natatawa sabay sampal ng mahina sa mukha niya.

"Ganito kasi, nabanggit kasi ng mga friend ni Jade na kilala ka daw nila. Nagpunta na daw sila dito nung isang araw at pinakiusapan ka na daw nila kaso nag-aalangan ka pa daw. Natuwa naman ako kasi magandang idea nga yun tutal nagba-banda ka naman dati di ba? At alam kong maganda boses mo. And I'm sure matutuwa din si Jade kapag nakita ka niya. So andito ako para pilitin ka. I badly need your help. Thea, sige na please?"
Pangungulit niya. Si Batchi naman ay panay ang iling sa usapan namin. Alam ko kung ano tumatakbo sa isip niya.

"H-ha? Ahmm.. A-ano kasi Dave eh--.." Sagot ko habang kinakamot ang kilay. Si Batchi naman ay panay ang tingin sakin at nag-iintay ng sagot ko.

"Ahm.. Bro, sensiya na nakisawsaw ako sa usapan. Pero ano kasi.. Busy kasi kami dito sa resto.. Oo yun.. Meron naman siguro ata kayo makukuhang iba?" Sabat ni Batchi habang nagkakamot ng ulo, para sagipin ako.

An Affair to RememberWhere stories live. Discover now