Since I Left You... Who? Me?

2K 114 13
                                    

Jade's POV

Mahigit isang linggo na nakalipas nung lunurin ko sarili ko sa alak kahit hindi naman ako sanay uminom. Pero hanggang ngayon hindi pa din mawala sa isip ko yung nakita at nayakap ko muli si Althea. Hirap man akong maaninag ang mukha niya nung panahon na yun dahil sa sobrang kalasingan. Pero sigurado ako sa naramdaman ko, na niyakap niya din ako pabalik at mahigpit. Sapat na sakin yun para malaman kung siya yun, hindi ko man matandaan yung iba pang nangyari ng gabing yun, ang importante nakasama ko siyang muli kahit na wala ako sa tamang huwisyo. Pero sana di nalang ako nalasing nun, para sana mas nasulit ko yung pagkakataong nakita ulit kita. Dahil hindi mo alam kung gano kita namiss. Ano bang gagawin ko para makalimutan kita? Hindi ko na alam kung pano kita tatanggalin sa aking sistema.

Isa pa tong si David, hindi ko maintindihan kung bakit nitong mga nakaraang araw parang mas lalo siyang naging sweet na para bang nililigawan niya akong muli. Halos araw-araw lagi niya ko binibigyan ng bulaklak at halos araw araw din siya kung bumisita sa bahay, at minsan inaalok ako lumabas at maggala pero tinatanggihan ko lang. Mga bagay na ginagawa ng isang tao kapag gusto niyang bumawi sa kanyang mga pagkukulang, eh samantalang hindi naman siya nagkukulang sakin. Kung tutuusin ako nga may malaking pagkukulang sa kanya. Na nagiging unfair ako sa kabutihan at pagmamahal na pinapakita niya...

"Hon, I'm free tomorrow, may gusto ka bang puntahan or gustong gawin? Tell me, para makapag-enjoy ka naman, lagi ka nalang kasi nagkukulong dito sa bahay niyo eh." Tanong ni David, kakatapos lang namin magdinner at andito kami ngayon sa balkonahe ng aming bahay at nagrerelax. Dumiretso siya sa bahay namin pagkagaling niya sa office.

"David, I'm fine, at wala akong gustong puntahan o kung ano pa man. And you don't have to do all these things. Di mo na ko kelangan pang ligawan ulit." Sagot ko naman.

"Pero ginagawa ko lang naman to kasi gusto kita mapasaya, kasi mahal kita. Ako ba Jade, mahal mo ba ko?" Tanong niya at bigla naman parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita.

"Bakit hindi ka makasagot? Jade hindi mo na ba ako mahal?"

"David hindi na dapat tinatanong yan, engaged na tayo di ba? Saka ka pa ba magdududa?" Yun lang naisagot ko dahil ang totoo hindi ko kayang sagutin ang tanung niya.

"Jade iba yung pumayag kang ma-engaged sakin dahil mahal mo ko, sa pumayag ka lang dahil napilitan ka." Sagot niya at halata sa boses niyang nasasaktan siya. At bigla naman ako napatingin sa kanya at napaisip ako sa mga sinabi niya.

"D-David I don't get it. Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko na nagtataka dahil di ko alam kung bakit niya naisip yun.

"Jade, I know there's someone else. Sino siya?" Nagulat ako at agad naman lumakas ang tibok ng puso ko dala ng kaba dahil sa mga sinasabi niya.

"A-ano ba sinasabi mo? You're the only guy in my life."

"Jade, sabihin mo na sakin yung totoo, hindi naman ako magagalit. Alam kong may iba na. Na hindi mo kaya magpakasal sakin dahil siya yung mahal mo di ba?" Sagot niya at bakas sa kanyang mukha na nasasaktan siya. Nagulat din ako kung pano niya nasabi at nalaman na may iba akong mahal. Kaya nagdesisyon na ko umamin na, dahil baka ito na yung tamang panahon na hinihintay ko. Bumuntong hininga ako, bago ako nagsalita.

"D-David siguro ito na yung tamang pagkakataon para sabihin sayo ang matagal ko na dapat sinabi sayo...
Yes, David... I'm inlove with someone else. And I'm sorry kung hindi mo agad nalaman dahil nung mga panahon na gusto ko aminin sayo, hindi ako makahanap ng tamang tyempo." Pag-amin ko, akala ko madali pero hindi ko alam na ganito pala kahirap ang umamin. Nasasaktan ako para sakanya.

"Kelan pa to? Matagal na ba to? Sana sinabi mo nalang sakin agad na hindi mo na pala ako mahal."

"Kelan lang naman to, nakilala ko siya bago ako makabalik ng Manila. Hindi ko naman din akalain, bigla nalang nangyari... bigla ko nalang siyang minahal.

An Affair to RememberOnde histórias criam vida. Descubra agora