Jealous Jade

4.6K 173 95
                                    


Jade's POV

Pagkalabas ko ng clothing boutique ay nakita ko na may kausap si Althea na babae. Lumapit pa ako ng konti para kilalanin kung sino ang kausap niya. At nakita ko na yung magandang babae na kinaiinsecure-an ko pa kanina..
Masakit sa mata na makita si Althea at yung babaeng maganda na nag-uusap--.. teka..
O baka naglalandian? Yung totoo??
Dahil nakikita ko na panay na ang hawak nung babae sa braso ni Althea kada magtatawanan sila.. Sus! Mga para-paraan niya.. kunwari pa siya, eh mukhang gusto niya lang mananching kay Althea ko. Eto namang Althea na to, mukhang gustong gusto naman! Mamaya lang talaga sakin tong Althea na to pag-uwi eh..

Pakiramdam ko ay may sumasaksak sa dibdib ko, pakiramdam ko ay umakyat na naman yung dugo ko sa ulo at ang bilis-bilis ng tibok ng puso at parang nanginging buong kalamnan ko sa inis. Hindi ko na nakayanan yung inis nararamdaman ko kaya naisipan ko na silang lapitan.. Huminga muna ako ng malalim at inayos ang sarili ko at siniguradong may pantapat ako bago lumapit sa kanila.. Syempre, mahirap na.. may ibubuga yung kalaban eh.. At taas noo akong lumapit sa kanila.

"Hi love! I missed you.." Malambing kong tawag kay Althea at medyo nilakasan ko yung pagtawag kay Althea, para marinig nung babae. Sabay pinulupot ko agad ang kamay ko sa braso ni Althea. At biglang nawala yung ngiti ng babae nung tinawag kong love si Althea at ng makita niyang magkapulupot ang braso namin. Binaling ko naman atensyon ko sa babae para batiin.

"Oh hi! it's you again.." Bati ko na nakangiti dun sa magandang babae na kunwari ngayon ko lang siya napansin, at ngumiti naman din siya na parang nag-aalangan.

Binaling ko naman ang tingin ko kay Althea na nakatingin sakin na gulat at nanatiling hindi makapagsalita. Tinaasan ko ng isang kilay si Althea as per saying akala mo masasalisihan mo ko ha, dahil naiinis ako sa kanya. Dahil ayoko makita siya na napapasaya ng iba. Gusto ko ako lang ang dahilan ng mga ngiti niya na umaabot sa mata.. Ayokong may ibang nakakakuha ng atensiyon niya.
Gusto ko ako lang..
Dapat ako lang..

"Hi! Nice to see you again.." Bati nung babae sakin sabay ngumiti ng pilit, habang sumusulyap kay Althea. Parang nakita ko sa reaksyon ng mukha niya na nasaktan siya na makita ako at si Althea na magkasama

"Uhm.. Love, magkakilala kayo??"  Sabat ni Althea na takang taka at palipat-lipat ang tingin niya samin. Dumikit ako kay Althea para bumulong ng pasimple.

"I should be the one who's asking you that Althea.. Who is she?" Bulong ko na may pagkasarkastiko, napakamot naman ng kilay si Althea. Nilingon ko ulit yung babae and gave her a fake smile.. Dahil titig na titig pa din siya samin lalo na kay Althea, kaya iginapang ko ang kamay ko pababa para i-holding hands si Althea. Wala na ako pakialam sa mga dumadaang tao na mapanghusga kung makatingin samin. Tanggap ko na sarili ko at buhay ko to. At handa pa akong ipagsigawan sa buong mundo na mahal ko si Althea. Kaya bakit ko pa sila pag-iintindihin, hindi naman sila ang nakakapagpasaya sakin at makakasama ko sa buhay. Ang importante sakin ngayon ay bantayan itong banta sa harapan ko.

"Uhm.. Love, this is--.. T-this is Cathleen.. And Cathleen this is... Jade... My girlfriend.." Pagpapakilala ni Althea samin na tila nag-aalangan. At parang natigilan naman yung Cathleen at nag-iba lalo timpla ng mukha pero agad naman niyang ikinubli sa kanyang ngiti, na ginantihan ko naman.

Inobserbahan ko ang bawat galaw ng dalawa na parang nag-uusap sila sa mata. Di ko alam pero nakikita ko talaga sa mata nung babae na nasasaktan siya, kaya mas lalo ko pa siya inaasar. Eto naman si Althea napaka-apologetic nung mata na parang meron siyang gustong sabihin kay Cathleen. Ano ba meron sa dalawang to?

"I-Ikaw pala si Jade?.. It's nice to finally meet you.." At inilahad niya yung kamay niya sakin para makipagkamay. At inabot ko naman iyon para kamayan siya at nagngitian kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

An Affair to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon