How Long Will I Love You?

2.2K 117 50
                                    

Jade's POV

Nagdadaan ang mga araw, buwan at taon. Pero hindi ko pa din matanggap na umalis ng bansa si Althea para lumayo sakin at hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo siya naroon. Ilang beses na din akong bumalik sa resto niya para kulitin si Batchi pero mahigpit siyang pinagbilinan ni Althea na wag magbigay ng impormasyon tungkol sa kanya. Wala naman ako magagawa kung ayaw niya magpahanap o kahit magkaron man lang ako ng balita sa kanya, na para bang gusto niyang kalimutan ko nalang siya. Pero pano mo ba magagawang kalimutan ang isang taong nagbigay ng maraming alaala sayo? Pano mo ba kakalimutan ang taong mahal mo, kung habang wala siya, mas lalo lang siyang nagiging laman ng puso at isipan mo?

Nalaman na ng pamilya ko na nakipaghiwalay na ko kay David. Nung una nagulat sila pero pinaliwanag ko naman na hindi na ko masaya at hindi ko kayang matali habang buhay sa isang taong wala naman akong nararamdaman. Naunawan naman ako nila Dada at nila Kuya maliban kay Mama na hindi matanggap na wala na kami ni David. Gustong gusto niya talaga si David para sakin at gusto niyang subukan ko mahalin ulit si David, katwiran naman niya natututunan naman daw ang pagmamahal kung susubukan lang. Pero pinaliwanagan naman na siya ni Dada at unti-unti natanggap din niya na hindi na magiging kami pa ulit. Samantalang si David naman ay nanatili pa ding mabuting kaibigan sakin.

"Baby girl?..." Pag tawag ni Dada pagpasok niya ng aking kwarto. It's sunday kaya andito ngayon si Dada sa bahay.

"Hi Dada..." Matamlay kong pagbati.

"Oh bakit nagkukulong dito sa kwarto ang prinsesa ko? Nabuburo na kagandahan mo dito sa loob sayang naman." Pambobola ni Dada, at umupo siya sa gilid ng higaan ko. Simula kasi nung malaman kong iniwan ako ni Althea na walang pasabi, lagi na ko nagkukulong sa kwarto at nagmumukmok, at madalas umiyak. Kasi wala ako magawa para makasama ulit siya.

"I missed you Dada..." At niyakap ko naman siya para maglambing dahil namimiss ko na din ang Dada ko, bihira ko lang kasi siya nakakausap at nakakasama ng ganito dahil palagi siyang busy sa kanyang negosyo.

"I missed you too my princess. Teka mukhang my hihingiin nanaman ang prinsesa ko at naglalambing ah?"
Pagbiro ni Dada.

"Grabe ka Dada! May hihingin agad-agad? Di po ba pwedeng naglalambing lang? Namimiss lang po kasi kita, minsan lang po kita makasama ng ganito. Miss ko na po bonding natin."

"Pasensya ka na anak ah, alam mo naman busy kasi lagi si Dada niyo. Pero ikaw pa din naman ang Baby Girl ko eh. Kahit anong mangyari hindi na magbabago yun." Sagot niya habang hinahaplos ang ulo ko. Kumalas naman ako ng yakap at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"Haay Dada... Sana nga po ako pa din yung dating baby girl mo.. Uhm.. Dada what if hindi na ako yung dating baby girl na kilala mo?"

"Ano ba sinasabi mo? Syempre ikaw pa din yan wala naman masyadong nagbago eh, ang nagbago lang naman eh tumangkad ka, mas gumanda at mas naging matigas ang ulo. Haha... Pero seryoso anak kahit mag-asawa at anak ka pa, ikaw pa din ang Baby Girl ko at ang Princess ko."

"But Dada, not everything is always what it seems. Dada what if I'm no longer the baby girl that you used to know? What if the princess that you've known, already ditched her prince and his white horse... Because your princess is waiting for a princess too to come around with rainbows and unicorns?"

"Ano bang unicorns unicorns pinagsasabi mo anak? Hindi kita maintindihan..." Tanong ni Dada na halatang nagugulumihanan sa mga pinagsasabi ko.

"Dada do you love me?"

"Of course anak, I love you very much, tinatanong pa ba yan? Ano ba mga pinagsasabi mo??"

An Affair to RememberWhere stories live. Discover now