A Second Chance (1)

2.3K 143 27
                                    


Jade's POV

"A-Althea.. P-pwede ba tayo mag-usap?" Pautal utal kong pakiusap dahil magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko.

Sobrang masaya ako na makita siya ngayon, hindi ko akalain na sa lugar na ito lang din pala kami muling magtatagpo at katulad ng dati sa hindi inaasahang pagkakataon. Sobrang tagal na panahon na hindi ko siya nakita o nakausap man lang at gusto ko siyang yakapin ng napakahigpit. Dahil hanggang ngayon hindi pa din nagbabago ang nararamdaman ko para sa kanya, at kung nagbago man, yun ay mas lalo ko lang siyang minahal.

"No! Wala na tayong dapat pag usapan pa!" Pagalit niyang tugon sabay naglakad palayo sa akin. At bigla naman ako nanlumo sa sinabi niya. Dalawang taon kaming hindi nagkita, tapos ganito lang yung ibubungad niya sakin?
Siguro galit pa din siya sakin...
Siguro hindi na niya ako mahal... Siguro tuluyan na niya ko binura sa buhay niya... Hindi ko alam kung kakayanin ko yun, kasi sobrang sakit nun dahil naghintay ako sa kanya.

At bago pa siya makalayo ng tuluyan, hinabol ko siya agad at bago pa man siya makapasok muli sa bahay ay hinarang ko na agad  ang sarili ko sa pintuan. Wala na akong pakialam kahit magmukha pa akong tangang naghahabol sa kanya. Napakatagal kong hinintay ang pagkakataong makita siya ulit at hinding hindi ko na to palalagpasin pa. At hinding hindi ko na siya pakakawalan pa.

"Althea two years... Hindi mo man lang ba ako kukumustahin? Hindi mo man lang ba ako kakausapin?" Tanong ko na medyo nagmamakaawa. Nasaktan ako sa inasal niya. Pero kaylangan kong tanggapin dahil naiintindihan kong masama ang loob niya sakin at alam kong hindi naman basta-basta mawawala yung sakit na naidulot ko sa kanya.

"Oo nga eh... Two years na Jade at marami na nangyari sa buhay ko... At lalong lalo na sa buhay mo... Kaya nga ayoko na mag-usap pa tayo eh... Kasi ayoko na malaman pa yung mga nangyari sa buhay mo... Dahil alam ko namang hindi na ako bahagi nun eh." Malumanay niyang sagot na halata sa boses niyang nasasaktan pa din kahit na pilit niyang itinatago.

"Yun na nga eh, marami na nga nangyari.. Pero hindi mo man lang ba aalamin kung ano yung mga nangyari sa loob ng dalawang taon na yun?"

"Alamin? Para ano? Para masaktan ulit? Para ipamukha mo sakin yung masakit na katotohanan? Jade hindi ka pa ba nakuntento na nasaktan mo na ko dati?"

"Althea kung makapagsalita ka parang ikaw lang yung nasaktan ah? Ang hirap kasi sayo, all you see is just your pain! Hindi mo iniisip na nasasaktan din ako, bakit, porket ba nasaktan kita? Althea tandaan mo hindi lang ikaw ang nagmahal sating dalawa. Alam mong minahal din kita at hanggang ngayon mahal pa din kita!" Sambit ko at medyo tumaas ang boses ko, kasabay na din tumulo ang luha sa mata ko. Dahil hindi ko na napigilan yung nararamdaman ko.

At bigla naman siyang natawa na para bang nakakaloko.

"Mahal?? Narinig ko na yan sayo dati eh, andaming beses pa nga eh. Pinatunayan mo ba? Pinanindigan mo ba?" Tanong niya na may pagkasarkastiko, habang nagsisimula ng mamuo yung mga luha sa mata niya.

"Althea oo alam ko nasaktan kita kasi naging duwag ako nun, na akala mo pinaasa kita kasi hindi ko agad natupad yung pangako ko sayo. And I'm sorry sa lahat ng kasalanan ko sayo, sa lahat-lahat ng sakit na dinulot ko sayo."

"Pero Althea... Alam mo ba na malaya na ko, na tinupad ko pa din yung pangako ko sayo?
Althea alam mo bang hinintay kita kahit walang kasiguraduhan kung may hinihintay pa ba ako? Alam mo bang halos mamatay na ko sa sobrang lungkot ng wala ka? Alam mo bang halos mabaliw na ko kakaisip sayo kung nasaan ka, kung iniisip mo din ba ko, kung mahal mo pa ba ako, o kung babalik ka pa ba? Pero hindi mo alam lahat yun kasi iniwanan mo ko. Na pati balita sayo ipinagdamot mo." Dagdag ko, habang tuloy tuloy pa din ang pagtulo ng luha sa mata ko. At pati na din siya ay naiiyak na, at tila ba nagbago timpla ng mukha niya, na kaninang nagmamatigas, ngayon ay tila lumambot ng marinig na niya ang katotohanan.

An Affair to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon