Tonight Claim Me as Yours

2.8K 136 28
                                    

A/N:
Warning: Rated SPG
This chapter may not be suitable for young readers or sensitive minds. Contains scenes, language and situation intended for mature readers only. And for those who love spg, pardon me if this would turn out to be lame. I don't know if I could pull this off. I'm new to this and I'm not a good writer, so please bear with me. Hahaha LOLS. 🙈🙈🙈🙈🙈

Anyway, thank you for reading, voting and leaving comments. Here's another ud. Hopia like it.

XOXO 😘

**********
Jade's POV

"Will you marry me Jade?" Tanong ni David. At naghiyawan sa kilig ang mga tao sa paligid namin.

Isang tanong na pinapangarap ng bawat babae na marinig mula sa kanilang kasintahan. Isang tanong na magpapabago ng buhay mo. Ngunit bakit parang iba ang epekto ng tanong na ito sakin. Imbis na ikatuwa ko, bakit tila ito pa ang ikaguguho ng mundo ko? Ng mundong binubuo palang namin ni Althea? Sinulyapan kong muli si Althea na lumuluha. At ibinalik ko ulit ang tingin kay David.

"D-David..." Sambit ko at nagsimula na din mamuo ang luha saking mata. Paano ko ba sasabihin sayo na ayoko? Pano ko ba sasabihin sa harap nilang lahat na hindi ko kaya magpakasal sayo? Kasi hindi ikaw ang gusto ko makasama habang buhay. Kasi hindi naman ikaw ang mahal ko.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Ang kanilang mga mukha na may ngiti. Binaling ko ang tingin ko saking pamilya na naghihintay ng aking sagot, lalo na si Mama na bakas sa kanyang mukha na tuwang-tuwa at panay ang tango na tila sumesenyas na oo ang isagot ko. Muli ko naman ibinaling ang tingin kay David na bakas sa kanyang mukha ang pangamba at pananabik sa kung ano ang isasagot ko. Paano ko ba sasaktan ang isang tao na naging mabuti sakin at walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako? Hindi niya deserve ang masaktan at mapahiya sa harap ng maraming tao. Sa harap ng pamilya niya at ng pamilya ko. Natatakot ako sa mga mangyayari kapag pinili ko sundin ang puso ko, lalo na kung alam kong ang ipaglalaban ko naman ay mali para sa paningin ng nakararami. Na alam kong maraming hahadlang. Na alam kong walang kasiguraduhan kung kami'y magtatagal.

Muli ko ibinaling ang tingin kay Althea na hanggang ngayon ay nananatiling nakapako sa kanyang kinatatayuan, nakatitig sakin na may luha sa mga mata at tila hinihintay din ang isasagot ko. Nagkatitigan kami na tila ba nag-uusap kami sa mata. Althea umalis ka na please. I don't want you to see this. Ayoko makita kang nasasaktan, pero ako pa mismo ang naging dahilan kung bakit may luha ngayon ang mga mata mo. Sana maintindihan mo ko, sana mapatawad mo ko sa gagawin ko. I know this would be the end of me, this would be the end of us. Mahal kita... sobrang mahal kita pero hindi naman kita kayang panindigan. I'm sorry. Nasabi ko nalang sa sarili ko na tila ba maririnig niya ko. Pakiramdam ko ay gumuguho ang mundo ko. Ipinikit ko ang aking nga mata upang hindi ko na makita pa kung gano siya nasasaktan ngayon at tuluyan na ngang pumatak ang luha sa mata ko bago ko hinarap si David.

**********
Althea's POV

Nasasaktan ako sa mga nasasaksihan ng mga mata ko ngayon. Ang babaeng pinakamamahal ko, hinihingi na ang kanyang kamay, at sa harap ko pa mismo. Isang bagay na pinapangarap ko gawin para sa taong minamahal ko, isang bagay na dapat ako ang gumagawa nun para sa kanya. Pero wala na... huli na... may gumawa na. At lahat ng mga pinangarap ko para samin dalawa ay mananatili na lamang pangarap. At ang mga pinagsamahan namin ay hindi na muling madadagdagan pa, at ang mga pinlano naming dalawa ay iguguhit ko na lamang saking alaala. At ang nararamdaman ko para sa kanya ay mananatili na lamang saking puso at isipan... habang buhay.

Kasalukuyan siya nakatitig sakin, mga mata niya ay nangungusap. Naisip ko na umalis na lamang sa lugar na ito dahil hindi na ako makahinga at hindi na kaya ng puso ko ang mga nangyayari. Ngunit may parte ng pagkatao ko na pumipigil para gawin ko yun. No Althea! Manatili ka! Tignan mo siya sa mata, at panuorin mo ngayon kung pano ka niya sasaktan, panuorin mo kung pano niya wawasakin ang puso mo sa harapan mo mismo! Tutal nasasaktan ka na rin lang naman, lubos lubosin mo na! Tangina nahiya ka pa! At para marealize mo na din na tama nga siya, na hindi nga talaga kayo pwede. At para hindi ka na umasa pa! Tanga!

An Affair to RememberWhere stories live. Discover now