Bravado

2.2K 116 16
                                    


A/N: Hi guys sorry kung hindi ko agad napost ud ko patawarin niyo ko, medyo napainom kasi si Author.. Kaya eto na po yung pangako ko sa inyong ud.. Labyu ol

**********

Athea's POV

"Goodmorning Chong!" Bati ni Batchi sakin. It's 8:30 in the morning at kakarating ko lang ng resto. Araw-araw maganda mood ko, pero mas maganda ngayon dahil alam kong mamaya ipapakilala na daw ako ni Jade sa pamilya niya. Pero siyempre kinakabahan pa din ako sa mga mangyayari mamaya.

"Goodmorning din chong! Kumusta, wala ba problema dito kahapon habang wala ako?" Pagbati ko din sa kanya na nakangiti.

"Wala naman chong. Okay naman.. Teka, parang ang ganda ata ng aura natin ah.. nakailan kayo kahapon? For sure nakarami, ang aga ba naman umuwi eh. Hahaha" Pang-aasar niya habang taas baba ang kilay, sabay tawa ng nakakaloko.

"Oo ang ganda nga ng araw ko ngayon, wag mo lang dungisan. Ang aga-aga andumi ng lumalabas sa bunganga mo, nagtoothbrush ka na ba?" Pang-aasar ko din sa kanya. Sumimangot naman siya at inamoy ang bunganga niya.

"Nagtootbrush kaya ako! Amuyan pa tayo gusto mo?.. Pero di nga, bakit ka masaya? Naiinggit kasi ako kaya ishare mo naman."

"Wala, ininvite kasi ako ni Jade na magdinner sa bahay nila, sabi niya papakilala niya daw ako sa family niya. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam chong, okay lang din sakin kahit na ipakilala niya ko bilang kaibigan lang sa family niya, maiintindihan ko siya, atleast di ba? Pero kinakabahan pa din ako, mukha kasing istrikto at overprotective yung pamilya niya sa kanya, syempre nag-iisang babae kaya malamang sa malamang yun. Natatakot ako chong." Sagot ko na may halong kaba at saya.

"Wag ka na kabahan chong.. Ano kailangan mo ba protection program? Sabihin mo lang.. Hehe. Pero okay nga yan atleast makilala mo na ng personal yung mga mahal sa buhay ng taong mahal mo. Pero mas maganda sana kung ipapakilala ka niya bilang girlfriend niya at hindi girlnafriend niya."

"Oo nga eh, pero nakakatakot pa din, syempre alam ko namang hindi naman nila agad matatanggap yung relasyong meron kami ni Jade. Yun ang kinakatakot ko, kasi baka bumalik na naman yung takot kay Jade at pag hinayaan na naman niya manaig yun, iyak-tawa na naman ako nito."

"Althea.. Bakit anduwag mo ngayon? Puro ka takot, samantalang dati antapang tapang mo."

"Ewan ko nga din eh, akala ko nga matapang na ko, akala ko malakas na ko.. Pero nung dumating si Jade sa buhay ko, bigla ako nagkaron ng takot. Natatakot ako na baka masaktan niya ko ulit...
na baka masaktan ko siya...
na baka mawala na naman siya sakin"

"Oh chong tama na, wag ka na magdrama, ang ganda ng araw mo bigla ka nagdadrama. Tiwala lang, mukha namang hindi na katulad ng dati si Jade, tingin ko naman nagmamatured na siya eh. Palagay ko this time kaya ka na niya panindigan. Tama na yan chong, smile ka na ulit kanina ang ganda mo na eh, kaso biglang pumanget ulit sumimangot ka kasi."

"Leche! ikaw kasi eh. Inumpisahan mo pa. Sige na tama na chikahan at marami pa ko gagawin. Mamaya na ulit tayo magiging magbestfriend. Magtrabaho ka maayos diyan ha." Biro ko sa kanya.

"Yes bossfriend.." Sagot niya at sumaludo pa.

(Time runs)

It's 11:15 in the morning, it's almost lunch time, at habang busy ako sa harap ng laptop ko at nagchecheck ng sales report.

*Tok tok*

"Pasok" sigaw ko at bumungad naman sa pinto si Batchi pero di ko man lang siya sinulyapan dahil abala ako sa ginagawa ko.

An Affair to RememberDove le storie prendono vita. Scoprilo ora