Acceptance

2.5K 127 50
                                    

Jade's POV

Natatawa ako habang nagliligpit ng mga kalat, dahil sa reaksyon ni Althea na nabitin dahil naudlot yung dapat ay gagawin namin kanina.

Nang matapos ako ay sinundan ko si Althea sa pintuan para alamin kung sino yung nagdoorbell ng ganito kaaga.

"Love.. Sino--... Mama??!!" Naibulalas ko ng makita ko ng hindi inaasahan ang Mama ko at dito pa mismo sa tapat ng pintuan ng condo ni Althea.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko ng makita si Mama. Gulat at pagtataka kung pano niya nalaman kung saan nakatira si Althea. Takot at pangamba dahil baka si Althea naman ngayon ang pagbuntunan niya ng galit, o kaya naman baka ang sinadya niya dito ay para pauwiin at pilitin ulit akong hiwalayan si Althea. Pero mas nangingibabaw pa din yung tuwa at pagkasabik ko na mayakap muli si Mama ngayong nakita ko na siya ulit.

Dahil simula nung umalis ako samin, at kahit na madalas ko silang bisitahin, hindi niya ko hinaharap at nagkukulong siya sa kwarto para lang maiwasan niya ko at lalabas lang daw kapag makaalis na ako. Syempre masakit din para sakin na parang tinakwil na niya ako bilang anak, na parang kinasusuklaman niya kung ano ako. Na para ba kong may sakit na nakakahawa para iwasan niya ng ganito. At ang pinakamasakit yung hindi ko inakalang matitiis niya ko.

Sobrang namimiss ko na si Mama, gusto ko siyang takbuhin at yakapin ngayon pero baka mapahiya lang ako. Alam kong masama loob niya sakin dahil nasaktan ko siya, dahil sinuway ko siya, dahil hindi niya matanggap kung ano ako at yung naging desisyon ko na panindigan si Althea.

I really didn't want to choose...
And I should never have to choose between the person I love and my family, but my Mama made me, she pushed me. As much as possible I wanted to keep them both, to keep them balanced.
I do love my family and they're important to me...but I love Althea too..

I could choose the person I wanna give my heart to, and who I wanna be with for the rest of my life..
but a family can never be chosen, they were just given...
They are the only constant thing in my life and they will always be there all my life no matter what happens.
But Althea isn't..
She may come...
and she may go...
I could keep her if I choose her... But I could lose her if I don't...

I know that there's always a saying that true love only comes once in a life time. I never believe in that until Althea came into my life.
And I was lucky enough that in my life time, true love didn't come only once...
Because she came around twice..
I would never wanna waste this second chance that I was given.
And if I had to choose all over again, I would still choose her...
I will always choose her...
without second thoughts...
without doubts...
and without having a bit of regret...

"Uhm.. Mrs. Buenaventura pasok ho kayo?.." Alok ni Althea pagkatapos ay sumulyap siya sakin, bakas din sa mukha niya ang pagtataka at pangamba. Habang si Mama naman ay salitan na sinisipat ng tingin kami ni Althea. Hindi ko mabasa kung ano nararamdaman niya, o kung anong iniisip niya.

Ibinaling niya ang atensyon kay Althea at nagpasalamat. Habang pumapasok siya sa loob ay inililibot niya ang kanyang tingin sa kabuuan ng aming tinutuluyan. Na tipong sinusuyod ng kanyang tingin ang bawat detalye ng condo unit ni Althea.

Samantala, kami naman ni Althea ay nanatiling nakatayo na parang tuod habang magkahawak ng kamay, na tila nakikiramdam kay Mama at pinagmamasdan ang bawat galaw niya. Nang matapos ay lumingon na samin si Mama, bumaba ang tingin niya sa kamay namin ni Althea na magkahawak. Kung noon ay agad kong binibitawan ang kamay ni Althea tuwing makikita si Mama, pero ngayon ay mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay niya kahit pa nakikita ito ni Mama.

An Affair to RememberWhere stories live. Discover now