Mermaid - 2

30.2K 1K 153
                                    


Prinsesa Petunia

Ang sakit ng aking ulo, kakaibang sakit, hindi ko panararamdaman ang ganitong pananakit, tila binibiyak ito. Hindi ko rin maigalaw ang aking katawan, at hindi ko din maramdaman ang aking ibabang katawan. Anong nangyayari sa akin? Bakit ganito? Natatakot ako. 

"Are you sure na hindi mo ni rape itong babae?"

"What the hell, I'll never do that!"

"Weh? Ikaw hindi gagawin iyon, lokohin mo lelang mo!"

"Fxck you!"

May kasama ba ako? Sino ang mga nag-sasalita? Sino sila? Bakit may mga salita si lang hindi ko maintindihan?

Kahit nahihirapan ako ay pinilit kong ginalaw ang aking kamay. Unti-unti kong minulat ang aking mata, ngunit nahihirapan ako. idadag mo pa ang pananakit ng ulo ko. Dahil ba ito sa ininom ko?

"Gising na siya."

May tumamang puting liwanag sa aking mata, napapikit ako dahil sa silaw. Minulat ko uli ito ngunit na wala na ang puting liwanag, parang may nakaharang na kung anong bagay dito. Malabo pa ang aking paningin kaya pumikit uli ako, unting-unting lumiwanag ang aking mata.

Isang lalaki, mali dalawa, tatlo, apat, limang lalaki ang nakatingin sa akin at isang babae naman ay nasa kabilang gilid ko.

Sino ang mga ito?

"Uhm, are you okey?" nakakunot na sabi ng babae. 

Hindi ko magawang sagutin ang sinabi niya, para itong patanong. Ano bang lengwahe ang ginagamit dito sa dalawang paa? Napangiwi ako sa pagkirot ng aking ulo.

Nakaramdam ako ng takot ng mapansin na seryoso si lang lahat na nakatingin sa akin. Mga masasamang tao ang mga kasama ko rito, mga mamamatay isda si lang lahat kaya kailangan kong mag ingat baka patayin nila ako.

"Tinatakot mo kasi Jin!" sigaw nung lalaki do'n sa nag-iisang babae. Nginusuan naman siya nito at tinaasan nang kilay.

"Tongak! Sa mukha mo siya natatakot." Sabay bato nito ng isang lalagyanan na may lamang tubig, na salo naman ito nang lalaking sinigawan niya.

"Can you guys please shut up! Let me talk to her okey?" saad nung lalaking naka itim na kasuotan.

 Ano na naman ba ang sinabi niya? Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi nila.

Lumapit ito sa akin at nginitian ako. Gaganti ba ako ng ngiti? Baka nililinglang lang ako nito para pag lumapit ako dito ay bigla na lang niya akong patayin. Katulad ng ginagawa nila sa mga Isda, nililinglang nila ito para mahuli.

"Don't be scared okey? Hindi ka namin sasaktan," sabi nito sa akin.

Hindi sasaktan? Sino ang niloko nila. Mga mapanlinglang na may dalawang paa.

Dalawang paa?

Ang aking buntot! Tinignan ko ang aking ibabang katawan, ngunit nahihirapan pa rin akong igalaw ito. Natatakpan ito ng puting tela, ginalaw ko ang aking kamay at dahan-dahan kong tinanggal ang nakatakip dito.

Anong nangyari? Ang aking maharlikang buntot ay nawala, napalitan ito ng dalawang paa. Kaya pala hindi ko siya maigalaw.

Hindi ako marunong gumamit nito.

"Ayos ka lang ba?" Napatingin ako uli sa lalaking naka itim na kasuotan.

"Si-sino kayo?" nag aangalan kong tanong. 

Ayaw ko man si lang kausapin ngunit wala akong pagpipilian kung hindi ang maki-bagay sa kanila. Hindi nila alam na ako'y isang sirena kaya hindi nila ako sasaktan.

My Little MermaidUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum