Mermaid - 46

11.5K 368 25
                                    

Please read my new story.

Title: Pakgirl na walang ma Fucc

Maraming salamat po sa mga nagbabasa. All the love, x. 


-


Kaya ko bang harapin si Pavon? Hindi, hindi ko kaya, kahit sabihin ko sa sarili ko na harapin ko itong problema ko- na wag ka itong takasan, na ipaglaban ko ito. Pero hindi ko parin kaya, mahina parin ako, ako parin yung Petunia na umalis sa mundo nila para takasan ang kamatayan nya. Ngayong nasa mundo ako ng mga may dalawang paa, ganuon pa din ang aking ginagawa, tinatakasan ko nanaman ang aking kamatayan sa kamay ni Pavon.


Hanggang kaylan ako lalangoy palayo sa kamatayan? Hanggang kaylan ko ito tatakasan? nakakapagod na din pala ang ganitong sitwasyon ko. Pagod na pagod na ako sa paglangoy palayo, gusto ko ng tapusin ang paghihirap ko kay Pavon. Walang mangyayari sakin kung patuloy lang akong tatakas, hinding hinding matatapos ito sa pagtakas ko, hahabulin at hahabulin lang lamang ako nito.


Staka ano pang silbi ng pagtuturo sakin nila Seb makipag laban kung hindi ko naman ito magagamit? Pero pano ko magagamit iyun gayong may buntot na ako? hindi na ako makatayo.


"Sige pa Gello! malapit lapit na tayo sa Resort nang Tito ko" sigaw ni Ted. 


Puro puno at buhanging daan ang dinadaanan namin ngayon, walang bahay sa bawat paligid nito, ibig sabihin nga ay malapit na kami sa Resort- malapit na kami sa dagat. Kaylangan ko lang ay makapunta sa dagat upang di na ako masundan ni Pavon, para na din hindi na mapahamak ang aking mga kaybigan.


"Haaa!" napasigaw kami ng gumewang ang sasakyan. 


"Nabaril ang gulong!" pilit na inaayos ni Gello ang pagmamaneho ngunit hindi na nya ito ma kontrol pa.


"Babangga tayo!" napatingin ako sa harap kung saan ang malaking puno ang mababangga ng sasakyan. May kamay na bumalot sa aking katawan at napapikit ako sa malakas na pagsalpok nito sa puno. Narinig ko ang mga sigaw at daing na sakit nang mga kaybigan ko.


Hindi ko mapigilang ma iyak sa nangyayari samin. Nadamay sila, nasasaktan sila dahil sa akin, mapapahamak sila dahil sakin. Ito ang iniiwasan kong mangyari sa kanila, ayos lang kung ako ang masasaktan wag lang sila.


"Pe-petunia" unti unti kong iminulat ang aking mata, naaninag ko si Seb na nakatingin sa akin. may tumutulong dugo sa kanyang ulo, napaiyak ako, agad nya akong niyakap nang mahigpit. 


"Patawad" sabi ko sa kanya, lumayo sya sa pagkakayakap sakin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.


"Ililigtas ka namin, makakabalik ka ng buhay sa mundo nyo" tumango ako sa kanya.


"A-aray!" napatingin kami sa likod nang marinig namin sila. 


"Jin gising" Ted. Dumaing si Jin sa sakit na nararamdaman nya. 


"Jin" sabi ko rito, bumangon sya at hinawakan ang kanyang ulo. Napangiti ako ng makita ko silang maayos. tumingin ako kay Seb na kasalukuyang pinupunasan ang dugo na tumutulo sa kanyang ulo.  "Ayos ka lang ba Seb?" tanong ko sa kanya.

My Little MermaidWhere stories live. Discover now