Mermaid - 41

12.7K 451 32
                                    

A/N: maygad! Sorry na guys kung hindi ako nakakpag update, naging busy lang talaga ako. Babawi talaga ako next time. Mahirap din mag update sa phone dahil kinuha muna yung laptop sakin, kaya tiis tiis muna ako kahit short update lang. Sorry talaga mga Lansa. Salamat sa matyagang paghihintay, tutal sanay naman tayong maghintay nang taong mamahalin tayo ng totoo, charrr! Hahahaha. Dont forget to vote and comment, all the love, x.

/PETUNIA/

"Mahal kong anak, maayos na ang lahat, wag kanang mag-alala sakin-samin. Mahal na mahal kita aking anak, nalalapit na ang ating muling pagkikita."

Agad akong napabangon sa aking pagkakahiga. Sumilay ang ngiti sa aking labi, napakagandang panaginip- panaginip nga ba iyun? O mensahe ng aking Mahal na ama para sa akin? Kung gayon ay maayos na nga ang kanilang kalagayan, masaya akong marinig ang bagay na iyun, makakahinga na ako ng maluwag at hindi na ako mag aalala pa sa kanila.

Tumayo na ako sa aking kama at masayang lumabas nang aking silid, sinalubong ako ng masarap na amoy na galing sa kusina. Pumunta ako doon at nakita si Seb at Jin na nag uusap. Nilingon nila akong dalawa at ngumiti.

"Good Morning regla" bati sa akin ni Jin.

Regla?

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Seb kaya nilingon ko sya.

"Ano iyun?" tumabi ako sa pagkakaupo ni Jin.

"Malansang dugo hahahaha" humalakhak sya ng tawa. Bakit lagi nalang nilang sinasabi na malansa ako? Ni hindi ko nga alam ang amoy nang malansan, ano ba kasing amoy iyun?

"Ano ang ginagawa mo rito Jin? Asan sila Ted?" pagiiba ko ng usapan, tumigil sya sa pagtawa at uminom nang tubig.

"May binili lang sila, babalik din yung mga yun" tumango ako sa kanya. Nagsalin ako ng tubig sa baso at ininom ito.

"Mukhang maganda ang gising mo regla" ngisi ni Jin sa akin. Napangiti ako sa kanya at naalala ang aking napanaginipan.

"Oo, nagbigay nang mensahe ang akong ama sa aking panaginip" napatingin si Seb sa akin.

"Mensahe? Anong sabi nya sayo?" tankng ni Seb.

"Ang sabi lang nya ay 'Maayos na sila at wag na akong mag-alala pa sa kanila.....sinabi din nya na nalalapit na din  ang aming pagkikita'." hinawakan ni Jin ang aking kamay at ngumiti.

"Masaya ako para sayo Petunia, ang tanging isipin mo muna ay kung pano mo matatalo ang Pavon na iyon" tumango ako sa sinabi ni Seb. " huwag kang mag alala nandito kami at tutulungan ka namin"

Alam ko naman na pag dumating ang araw na magkaharap kami ni Pavon ay nandyan ang mga kaybigan ko para tulungan ako. Ilang beses ba naman nilang sabihin sakin na 'wag kang mag alala tutulungan ka namin', e nakatatak na ito sa aking isipan. Ang swerte ko talaga dahil sila ang nakakita sakin, hinding hindi ko sila makakalimutan.

"Petunia!" Napatingin ako sa aking likuran, kumaway sakin si Gello, kasunod nya sila Ice, Lander at Ted.

"Hi lansa. Umagang umaga ang lansa mo agad hahahaha" pang aasar ni Ted na agad namang binatukan ni Seb.

"Ikaw ang aga aga amoy alimu-ong ka" sabi nito kay Ted.

"Ay oo nga pala Petunia-" may kinuha sa bulsa si Lander at inabot nito sakin ang maliit na bagay. " nakita ko sa labas, naalala kita ng makita koyan"

"Ano ito, napakaganda"

"Pitaka yan, dyan mo ilagay lahat nang perang kinukupit mo kay Seb" tumawa ito ng malakas.

"Ah?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Ano ang 'Kupit?'.

"Siraulo tong payatot na lander nato" natatawang sabi ni Seb.

"Patingin nga nyan Petunia" sabi ni Jin. iniabot ko ang pitaka sa kanya.

"Ano to daga? Mukha bang daga si Petunia at sya agad ang naalala mo dito?" nagtatakang tanong ni Jin kay Lander.

"Baliw, hindi daga yan! Pusa kaya iyan!" Sigaw ni Lander kay Jin. " si Hello kitty yan, hindi lang kulay pink, nakababad kasi sila sa araw kaya naging dark yung kulay nya" pagpapaliwanag nito.

Nakakunot noong nakatingin sila kay Lander. "-ay ewan ko sayo" Jin.

"Syempre hindi lang si Petunia ang meron...tadah!" Inilabas ni lander isa isa ang maliliit na pitaka na ibat iba ang kulay. "Meron din kayo" masayang sabi ni Lander.

"Ano kami bata?" Gello.

"Dude? Hindi kasya ang libo libong pera ko dito... Tatlong pirasong condom lang ang kasya dito" Ted.

"Kadiri ka Ted!" Jin.

"Ay yung kulay yellow ang gutos ko ay cute ng pink nyang ribbon" Ice.

"Dude?" Seb.

"Bes- DUDE!" Ice.

"Ano naman gagawin namin dito Lander?" Tanong ni Jin.

"Isapal mo sa panty mong walang garter- malamang lagayan nang barya. Ito ang mag sisilbing simbolo ng pagkakaybigan natin" itinaas nito ang pitaka nya na pusa daw o daga.

"Bat pitaka? Mukha ba kaming pera?" Gello.

"Wala lang, common na kasi yung kwintas, singsing, palawit- yung mga ganun, kaya pitaka naisip ko. Basta wag nang maraming tanong itago nyo nalang" napilitang kunin nila Gello yung bigay ni Lander.

Ang ganda kaya bat ayaw nila?

" Oy Lansa nakalimutan naming sabihin, may naghahanap pala sayo sa baba, kaybigan mo daw sya"  agad akong napatingin kay Ted.

Kaybigan? Ngunit sila lamang ang akibg kaybigan dito.

"Sino? At ano ang kanyang pangalan?" Tanong ko.

"Hadsin ata?" napatayo ako sa aking pagkakaupo.

Si Hadsin? Anong kaylangan sakin ni Hadsin? Diba dapat si Siana ang pupunta sakin, siguro ay ipinadala nalang nya si Hadsin dito upang sabihin sakin ang balita tungkol sa aking ama o kaya sya ang ipinadala dito upang sunduin ako! Makikita ko naba ang aking Mahal na Ama?

"Bilisan mo, baka namumuti na gilagid nun kakaintay sayo" singit ni Ice.

"Kilala mo bayun Petunia?" Tanong ni Gello.

" Oo kilala ko sya, mauna muna ako" nag madali akong lumabas nang condo ki Seb.

"Sandali Petunia-" hindi kona narinig ang sasabihin ni Seb.

Pagkababa ko ay agad kong hinanap si Hadsin, inilibot ko ang aking mata sa sa paligid, tanging mga puno at halaman lamang ang aking nakikita.

Asan naba iyun?

"Ako ba ang hinahanap mo?" Agad akong napalingon sa akong likuran, ganun na lamang ang aking pagkagulat nang hindi si Hadsin ang aking nasa harapan.

"Pa-pavon!"

"Ikinagagalak kong makita ka muli Prinsesa"

My Little MermaidWhere stories live. Discover now