Mermaid - 15

19.2K 796 15
                                    

Hi! Namiss ko po kayo, sorry kung hindi ako nakapag update kahapon, hindi naman bumagal yung net namin, may inasikaso lang ako. Gumawa kasi ako ng Short story ang title nya at "SMP" Christmas story sya at bawal sa mga bata. SPG kasi ang ginawa ko hahahaha, tapos na sya kaya i pu-publish ko na lang.

Plug ko sya. Please basahin nyo rin sya, kung hindi naman kayo mahilig sa SPG e wag nyo ng basahin baka madumihan ko pa ang utak nyo.

Don't forget to VOTE and COMMENT about sa Chapter, Nakakagana kasing mag Sulat pag maganda yung mga comments nyo.

All the Love. T

--

/PETUNIA/

Maaga akong nagising ngayong araw, ang sabi nila sa akin kahapon ay may pupuntahan daw kami ngayong araw. Tinanong ko nga sila kung saan basta ang sabi nila sa aking 'Maghintay ka nalang, magugustuhan mo iyon' Kaya hindi ko nalang din sila kinulit pa.

May tampo parin ako sa kanila hanggang ngayon, hindi talaga mawala sa utak ko yung ginawa nila sa mga kauri ko. Akala ko talala e binibenta lang sila dito, ayun pala.. kaya pala hinuhuli sila dahil pagkain pala sila dito. Kami rin kaya ay pagkain dito? Pero baka hindi dahil kalahating tao parin naman ako.

"Matutuwa ka sa pupuntahan natin" Ted. May malaki syang bag sa kanyang likod. Halos lahat naman sila ay meron, ako lang ata ang wala. Ang sabi lang nila at gumising ako at maligo ayun lang.

"Wala akong Bag"

"Meron na akong dala" Napatingin ako kay Seb na may dala nga ring bag, siguro magkasama na yung amin. Nagkibit balikat na lang ako at sumunod sa kanila palabas, pero na pahinto ako ng makita ko yung mga kaybigan ko.

"Hindi ba sila sasama?" Turo ko sa Akwaryum. Nagkatinginan sila Ice sa isa't isa.

"Hindi natin sila pwedeng isa, siguro next time nalang" Nag paalam muna ako sa mga kaybigan ko, nag pahumanhin ako sa kanila dahil hindi sila pwede sumama, ang sbai naman nila ay 'Ayos lang'.

Tumungo na kami sa Van, ito yung dating sinakyan namin, yung una nila akong nakita. Namiss ko rin ito. Sa bintana ako pumwesto, gusto ko kasi nakikita yung labas, tumabi sakin si Seb, nagulat nga ako dati naman ayaw nyang tumabi sa akin.

"Tubig mo" Napatingin ako sa bote, yung tubig ko. Kinuha ko ito sa kanya. Muntik ko ng malimutan.

"Salamat" Tinuon ko na uli ang mata ko sa labas, Kahit tumatagal na ako dito ay namamangha parin ako sa mga nakikita ko. Kakaiba talaga ang mundo nila, gustong gusto kong dalin ang ibang bagay sa karagatan para naman gumanda rin yung amin.

Naalala ko nong hating gabi kanina ay nagising ako bigla, Nagtataka ako kung bakit pero nabalot ng takot ang puso ko, parang may hindi magandang nangyari o mangyayari, iniisip ko kung ano iyon, agad na pumasok sa isip ako ang kaharian namin. Hindi na ako nakatulog nun kaya umupo nalang ako magdamag at nilaro ko yung tubig.

Ang hirap talagang malayo sa dagat, gusto ko na talagang bumalik sa aming tahanan kaso hanggat hindi pa tapos lahat ng ito ay hindi parin ako makakabalik, kahit anong gawin ko ay wala akong magagawa, ano namang laban ko kay Haring Pavon? Sana naman ay nasa mabuting kalagayan ang Kaharian lalong lalo na ang Mahal kong Ama.

"Petun!" Nawala ang pagiisip ko sa tawag ni Ted. Nasa harap sya at katabi si Gello na ang mamaneho.

"Anong isda ang bumabaril?" Anong isda ang bumabaril? Ang pagkakatanda ko ang baril ay nananakit. Napanood ko kasi iyon sa Tv, tinanong ko iyon kay Seb sabi nya nananakit daw ang bagay na yon.

"Hindi ko alam"

"Edi BANGus!!" Seryoso akong nakatingin sa kanya, tumawa sya sa sarili nyang biro, napahinto naman sya ng walang tumatawa.

"Malapit na ba tayo?" Bulong ko kay Seb, sinulyapan nya ako at tumango.

"Tumawa naman kayo kahit limang beses lang" Wala uli pumansin kay Ted. Natutulog si Lander at mayakasapak naman sa tenga ni Jin. Kinagat ko ang labi ko para pigilan sa pag ngiti, kawawang Ted.

Bumaba na kami ng Van nang makarating na kami , Malayo layo rin ang naging byahe namin, pero kahit na ganun ay sulit parin ng matapak ko ang aking paa sa lapag. Ang ganda ng tanawin dito, puro puno ang makikita, may malaking tahanan din sa harapan namin.

Hinawakan ako ni Seb sa braso, hinila nya ako. May sumalubong sa aming dalawang babae, kinausap nila si Jin at Gello, hindi ko marinig ang pinag uusapan nila dahil malayo layo rin kami sa kanila.

"Asan tayo?"

"Mauro Resort" Hinila nya uli ako papasok na sa loob. Namangha ako lalo dahil sa lawak nito, wala akong makitang tao, mukha kami lang ata ang dito.

Mauro? Narinig ko na ata iyon.

"Mauro? Narinig ko na iyan diba?" Nakatingin lang sya sa harap.

"Oo! Sebastian Mauro" Napahinto ako sa aking paglalakad.

Sebastian Mauro ang buong pangalan ni Seb, tapos Mauro Resort naman ito, ibig bang sabihin kamag anak nila ang resort na ito? Ang ibig kong sabihin, sa kanila ba ang bahay na ito?

"Sayo to?" Bulong ko, nag umpisa na uli kaming dalawa mag lakad.

"Sa pamilya ko" Nanlaki ang mata ko, grabe ang yaman naman pala ng Pamilya ni Seb, kung mayaman ang pamilya nya ibig sabihin pati sya ay mayaman na din.

"Andito na tayo Petun!!" Tumakbo si Ted palapit sa akin, hinila nya ako kay Seb kaya nabitawan ako nito. Hindi na ako nag reklamo sa paghila ni Ted sa akin.

"Tadaa" Napanganga ako ng makakita ako ng tubig na kulay Asul, naglakad ako at nilibot ko ang aking mata sa lawak at laki nito. "Swimming pool yan, pwedeng pwede kang lumangoy" Tumingin ako kay Ted na nangniningning ang aking mata.

"Talaga?" Hindi pa sya nakakatango ay tumakbo ako ng mabilis at tumalon sa tubig. Humapas sa aking katawan ang lamig nito.

Iba man sa pakiramdan ang tubig nato ay natuwa parin ako, Hindi kasi sya tubig dagat at hindi rin katulad ng tubig na hinihigaan ko, may amoy sya na hindi ko alam.

"Hahahah... ang saya.." Patuloy lang ako sa paglangoy, ito na ang matagal kong hinihintay ang makalangoy uli.

Meron pala silang ganto bakit ngayon lang nila ako dinila dito. Ang dami pang tubig. Sumisid ako sa pinaka ilalim, kahit papano ay nakikita ko parin ang linaw ng tubig, lumalangoy langoy ako sa ilalim hanggang makapunta ako sa dulo, bumalik uli ako at pumunta uli sa dulo. Ang pagkakaiba nga lang ngayon ay wala akong buntot, pero ayos lang babalik din naman siguro ito.

Naramdaman kong may humila sa kamay ko ng makarating ako ng Dulo, Napaitaas ako kaagad. Nagaalalang mukha ni Seb ang sumalubong sa akin.

"Ayos ka lang Petun?" Sigaw ni Gello. Kahit nagtataka ako sa kanila ay tumango ako.

"Akala namin nalunod kana, ang tagal mo sa ilalim." Nasa tubig narin si Lander na lumalapit sa amin.

"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo" Sigaw ni Seb.

"Ano ba iyon? Baka na kakalimutan nyo Sirena po ako at nakakahinga ako sa ilalim ng tubig" Nabitawan naman ako ni Seb, at mukhang dun lang nila na pagtanto yung sinabi ko.


My Little Mermaidजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें