Mermaid - 47

11.2K 348 39
                                    

/SEB/

Ano ang gagawin ko? Ano ba ang dapat kong gawin ngayon, hindi ko alam kung saan ako mag sisimula. Naguguluhan na ang utak ko, hindi ako makapag isip nang maayos sa lagay namin ngayon.

"Ano nang gagawin natin?" sigaw ni Jin na hindi parin tumitigil sa kakaiyak.

"Gello" bulong ni Ted.

"Tumawag tayo ng ambulansya, b-baka mabuhay pa s-si Gello....asan ba y-yung phone ko! Asan yung phone ko!" manginginig ang kamay ni Jin, hindi na din nya alam ang kanyang gagawin.

Napatingin ako sa walang buhay na katawan ni Gello, umaasa akong na sana huminga sya o gumising sya. Pero ni hindi ko kayang titigan sya ng matagal, nanghihina ang buong katawan kong makita syang duguan at wala ng buhay.

Alam kong may masasaktan at may mapapahamak samin, pero ni hindi pumasok sa isip ko na may mawawala, ni hindi ko na isip ito. Naiinis ako sa sarili ko.

"Hindi pwede to-Seb!" tinignan ko si Jin, halata ang pagod sa kanyang mukha.

"Tatawag ako ng pulis!" naglakad si Ted palapit sa van para kunin at hanapin ang phone nya.

"Ted! Hindi ka pwedeng tumawag nang pulis, alam mo naman ang sitwasyon natin diba?" sabi ko rito.

Pag tumawag sya ng pulis, maaaring mapahamak si Petunia, hindi lang sya pati lahat nang mga kauri nila.

"Oo Seb, alam ko ang sitwasyon natin ngayon, tignan mo tayo.." huminga sya ng malalim, " wala tayong laban, anong laban natin Seb? Patay na si Gello, ano gusto mo may mawala uli satin? Tangna!" napasabunot sya sa kanyang buhok at yumuko.

"Isipin mo muna ang kahihinatnan nyang gagawin mo. Pano si Petunia? Pano pag nalaman nilang may mga Sirena? Sige nga Ted sabihin mo sakin anong gagawin mo pag napahamak sila!" sigaw ko.

Napatingin sila sakin.

"Ano ang gagawin natin?" Jin.

"Tumawag ka ng ambulansya Ted, maiwan ka dito Jin at hintayin mong dumating yung ambulansya. Sumama ka sa kanila- ikaw na ang bahalang mag paliwanag, mag isip ka ng dahilan kung bakit tayo na aksidente."

"Saan kayo?" Jin.

"Susundan namin si Petunia at Ice, ililigtas namin sila"

"Mag iingat kayo" umupo sya sa gilid nang van.

"Ito yung phone mo Jin, tawagan mo ako pag may nangyaring hindi maganda okey?" tumango si Jin kay Ted, pinahid nito ang mga luha sa pisngi ni Jin. "Mag ingat ka dito"

"Halika na Ted, Lande-" napatingin ako sa paligid ngunit wala si Lander. "Asan si Lander?" tanong ko agad.

Lumingon lingon si Ted, napakamot ito sa ulo.

"I don't know, kanina lang nandyan sya ah" turo nito sa isang tabi.

"Saan naman pupunta yun?" Jin.

"Mahirap maghanap nang payat... Baka nauna na satin, nakuha yung baby nya si Ice, tara na Seb!" tumakbo kami sa dinaanan nang sasakyan ni Pavon. Nilingon namin si Jin na kumakaway samin.

My Little MermaidWhere stories live. Discover now