Mermaid - 44

12.9K 440 85
                                    


Masaya ako dahil hindi nagbago ang pakikitungo nila sakin, kahit nag iba na ang aking anyo. Hindi sila naiilang o lumalayo sakin, kung ano sila dati ganun parin naman. Ang swerte ko talaga dahil sila ang naging kaybigan ko dito sa mundo ng mga tao.

Iniisip ko, pano kung hindi kaya ako nakita ni Seb sa karagatan? Ano kaya ang mangyayari sakin sa mundo ng may dalawang paa? Pano kaya kung masasamang tao ang nakakita sakin, baka matagal na akong patay kung ganuon.

"Sigurado ba kayo dito?" tanong ni Ice.

"Oo naman, tignan mo nga bagay sayo maging sirena hahahaha" natatawang sabi ni Jin kay Ice.

Kasalukuyan nilang inaayusan si Ice para maging isang Sirena. Hindi ko akam kung ano pumasok sa utak ni Seb at Gello, bakit ganto ang naisip nilang plano para mailabas ako dito.

"Lagyan nyo din ako ng kaliskis sa dibdib" sabay turo ni Ice sa dibdib nya.

"Letse, utong lang naman tatakpan sayo, staka sireno ka hindi sirena" sabi ni Jin, nanilalagyan nang pampakintab ang katawan at mukha ni Ice.

"Ito na yung buntot" napatingin ako kila Gello at Seb na kakarating lang, may bitbit silang malaking kahon na pahaba.

Isang linggo na rin ang nakakalipas simula ng bumalik ako sa dati kong anyo, naging busy silang lahat para mailabas lang ako ng ligtas dito. Na hindi ako mskikita o pagkakamalan na totoong sirena.

"Pwede naman kasi natin takpan nalang nang kumot yung buntot ni Lansa tas damitan nalang sya" Lander.

Napatingin ako saking sarili, nakasuot ako ngayon nang puting damit, tanging buntot ko lang ang nakalitaw.

"Pag ginawa natin yun, magtataka yung mga tao sa baba. Mag isip ka nga. Panira ka ng moment" Ice.

"Gawin nyo ngang shokoy yang si Lander, naiinggit lang yan" suhesyon ni Ted.

"Shokoy moto" Lander.

Binuksan ni Gello at Seb ang malaking kahon na bitbit nila dito, lumitaw dito ang malaking buntot na katulad na katulad sakin, ngunit kulay Asul nga lang ito.

"Napakaganda, paano nyo na gawa iyan?" Manghang mangha kongn tanong sa kanila.

"Nanghuli sila ng Sireno tas pinutol nila yung buntot nito hahahahaha" agad akong napatingin kay Ted. Pinutol nila?

"Hoy! Gago ka talaga Ted, alam mo namang kukulang kulang to si Petunia" binato ni Lander kay Ted ang malaking kahon na pinaglagyan nang buntot.

"Ipinagawa namin to" Gello.

Nakahinga ako ng maayos sa sinabi ni Gello, kalo ko totoo ang sinabi ni Ted, natakot naman ako doon. Kahit kaylan talaga may sira sa utak si Ted.

"Manahimik nga kayo, kung wala naman kayong maitutulong samin, please lang lumayas na kayo sa condo ko" pagsusungit ni Seb sa kanila.

"Sowe po boss Seb" Ted.

Ilang oras na din ang lumilipas, hindi parin sila tapos kay Ice, kasalukuyan nilang kinakabitan nang buntot si Ice, natatawa ako sa kanyang itsura. Sa ayos nang mukha nya, parang na syang prinsipe ng karagatan.

"Okey, ayos kana Ice" pumalapak si Jin at tinitigan si Ice ng matagal.

"Bagay na ba akong maging isang sireno?" nagpogi sign pa si Ice habang natatawa.

"Gago mukha kang dugong!" sigaw ni Lander kay Ice.

"Lul! Inggit ka nanaman" Ice.

"Maghanda na kayo aalis na tayo!" natanimik na kami ng dumating si Gello, nasa baba daw si Seb at inaayos ang sasakyan namin.

"Baba na ako, hintayin nanamin kayo doon" sigaw ni Jin at tumakbo ito palabas nang condo ni Seb.

"Petunia, ready kana?" tumango ako kay Gello.

Lumapit sakin ni Gello at Ted, at binuhat nila akong dalawa. Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Ted.

"Ang bigat mo Isda, ano bang laman nang buntot mo?" tanong ni Ted sa akin.

"Hindi ko alam" sagot ko dito.

"Baka nagtago ka dyan nang mga gamit ni Seb sa buntot mo ah, ilabas mo na hanggat maaga pa" natatawang sabi  ni Ted sa akin.

"Guys, paano ako?" nilingon namin si Ice na naiwang mag isa sa sofa.

"Lumangoy ka pababa, ginusto mo yan" sabi ni Lander dito.

"Oy! Buhatin nyo din ako" sigaw ni Ice, napakamot nang ulo si Lander na lumapit dito.

"Tulungan nyo ako ang bigat ni Ice!" sigaw ni Lander. "Hoy Ted! Si Gello nalang pagbuhatin mo kay Isda, kaya na ni Boss Gello yan, dating kargador sa palengke yan" narinig ko ang malakas na tawa ni Ted.

"lul Lander!" Gello.

Inayos ni Gello ang pagbubuhat sa akin, basa balikat nya ang isa kong braso habang ang dalawang kamay nya ay nakaalalay sa likod at buntot ko. Lumapit si Ted kay Lander na hirap na hirap na.

"Buhat sako nalang tong si Ice" sabi ni Ted.

"Mukha ba akong sako ah" inis na sabi ni Ice kay Ted.

"Gago mukha kang palay" natatawang sabi ni Ted.

"Nahiya ako sayo mais" Ice.

"Hindi tayo matatapos dito kung mag aaway kayong dalawa dyan" singit ni Gello sa dalawa.

"Mauna na kayo, susunod kami" Lander.

"Hindi nga pwede diba? Kaylangan sabay silang lalabas" sabi ni Gello.

"Oo na wait lang" Lander. inayos nila uli ang pagbubuhat kay Ice.

Nang makalabas kami sa condo ni Seb ay agad silang tumingin sa paligid, sumakay kami ng elevator at may pinindot sila dito.

Ayoko talaga nitong elevator, nahihilo na parang nasusuka ako.

Huminto ang elevator, narinig ko ang mahinang mura ni Gello. Napatingin samin ang matandang babae, nangunot ang noo nito samin. Pumasok ito at umusog kami sa gilid.

"Ice? Bat ganyan ang ayos mo?" napatingin ang matandang babae kay Ice.

"He.he.he, may costume party kaming pupuntahan, kaya ganto ayos namin kasi may price na makukuha. Hindi kami totoong sirena wag kang mag alal-" napangiwi si Ice at tumingin kay Ted ng masama.

"Ah, bagay sayo" ngumiti ang babae kay Ice, tumingin naman ang babae sakin. "Wow! Ang gandang babae nito" hinawakan nito ang ginto kong buhok, kumalabog nang malakas ang aking dibdib dahil sa kaba. 

"S-salamat po" nahihiyang sabi ko.

"Parang totoong sirena ang dating mo ah. 101% sure ako na mananalo kayo doon" bumaba ang tingin nya sa aking buntot, hinawakan nya ito at napanganga sya. "Ang dulas nang buntot mo, parang totoo talaga, saan mo pinagawa to? Magpapagawa ako para sa apo ko" nagkatinginan kami ni Gello.

"Nanay at Tatay nya po gumawa nyan, pinagpawisan nga po sila bago nila nagawa yan" sabi ni Ted.

Saktong sakto ay bumukas na uli ang elevator, hudyat na lalabas na kami. Bumungad samin ang madaming sasakyan, ito ang parking lot.

"Goodluck sa party!" sabi ng matanda bago ito umalis sa harap namin. Lumabas nadin kami ng elevator at hinanap si Seb at Jin.

"Guys, dito bilis!" sigaw ni Jin samin. Tunakbo si Gello palapit kay Jin, nakaranig kami ng kalabog kaya sabay sabay kaming napatingin sa likod namin.

"Aray ko!" binatukan ni Ice si Lander.

"Ang bigat mo kaya" Lander.

"Ang sakit nun Ice ah" Ted.

"Hoy bilisan nyo" sigaw ni Jin sa tatlo. Tumayo si Lander at Ted, iniwan nilang nakaupo si Ice sa lapag.

"Kaya mo nayan Ice, lumangoy ka nalang" hinihingal na sabi ni Ted.

My Little MermaidWhere stories live. Discover now