Mermaid - 18

17.6K 703 15
                                    

Don't forget to VOTE and COMMENT.                All the Love. T

--

Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko sa kanila ang lahat ng aking nalalaman sa mundong ito. Baka kasi matakot sila pag nalaman na nila ang lahat, hindi lang naman iyon, natatakot din naman ako pag sinabi ko baka kasi ipa alam nila sa iba. Siguro hindi naman maniniwala ang iba sa kanila pag sinabi nila na hindi lang silang mga Tao ang naninirahan dito. Sa akin nga nung una hindi na ni wala, kaylangan pa ng ibidensya bago ka nila paniwalaan.

"Sige na Petunia, ligtas sa amin yan.. yung iyo nga hindi namin pinagsabi" Napakagat ako sa labi ko. Sasabihin ko ba?

"Lansa, please!!" Pinaglapat ni Ted ay palat nya at pumikit sa harap ko. Napahinga ako ng malalim, bakit ba ang hirap nilang tanggihan?

"Oo na.. basta wag na wag nyo syang ipagsasabi" Tinuro ko silang isa - isa, sabay sabay naman silang tumango sa akin.

"Pati si Seb ituro mo" Nanigas ako agad sa kinakaupuan ko, nandito si Seb? Tinuro ni Ice yung likuran ko. Dahan dahan akong lumingon, nakita ko nga syang nakaupo sa kulay puting higaan. Umiwas ako agad ng tingin ng nakatitig pala sya sa akin.

"B-basta kayong lahat"

"Ano na?" Umupo ng maayos i Ted, inakyat nya ang paa nya sa pagkakalubog sa tubig, at pinag krus ang dalawang ito na humarap sa akin.

"Ano ba ang una nyong gustong malaman?" Napaisip naman sila sa tanong ko, mahirap kasing mag umpisa.

"May nabubuhay bang tao na may Mahika?" Tanong agad ni Ice. Tumango ako sa kanya, kaya nagulat sila. Ako nga lang meron na yung iba pa kaya.

"Ang tawag sa kanila ay Atarus, yung mga taong nag tataglay ng kapangyarihan o mahika. Ngunit hindi sila dito mismo sa mundo nya naninirahan, meron itong lagusan papasok mismo sa kanilang mundo.. ang mundo ng Atariman. Minsan din ay namamalagi ang iba sa kanila dito, pero bumabalik din naman agad sila sa Atariman.." Seryoso silang nakikinig sa akin.

"Sa mundo ng Atariman ay halo halo, kasi dito sila tinuturuan kung paano nila ma kokontrol ang kanilang kapangyarihang taglay, Nagiisang paaralan lang kasi sya sa mundo na iyon. Atariman ang pinaka malaking Nasasakupan."

".... Kung iniisip nyo kung pano ko nalaman ito, sa ilalim kasi ng karagatan ay may lagusan papasok sa kanila, pwede naman kaming pumasok duon dahil hindi naman kami iba sa kanila, sakop din naman kasi ng aking Ama ang karagatan sa Atariman. Ang mundo sa lagusan ay binubuo ng iba't ibang Lahi..." Napahinto ako sa pag kwe-kwento ng may pumasok na isang babae, may inilapag itong maraming pagkain sa harap namin, umalis din naman ito agad.

"Bilis!" Kinuha ni Ted ang isang tinapay at kumagat dito na nakatingin parin sa akin. Mukhang gustong gusto talaga nilang marinig ang mga sasabihin ko.

"Anong mga lahi? katulad ba dito? Kami pilipino tas sa ibang bansa Hapon, Amerikano at iba pa?" Jin. Umahon si Ice at Lander at binalot agad nila ang kanilat katawa. Umupo sila sa lapag sa gilid ni Seb, inalis ko narin ang aking Paa sa tubig at tumalikod dito, kaya nakaharap na ako kay Seb na seryoso ding nakatingin sa akin.

"... Parang ganun na nga Jin. Isa na nga dito ang mundo ng Atariman, ang mga naninirahan dito ay ang mga Atarus na may mga mahika. Mundo ng Sersunia, ang mundo na kinabibilangan ko, mundo ng may mga Buntot. Mundo ng Apollicon, ang mga naninirahan dito ay nagtataglay ng mahikang apoy. Mundo ng Ulanggus, mahikang Hangin. Lupersal ay ang mahikang Lupa. Turblin, ang mahikang Tubig.

Sasabihin ko pa ba ang lahat?" Tanong ko sa kanila. Sabay sabay silang tumango uli sa akin. Uminom muna ako ng tubig. Mahaba haba talagang pag sasabing ito.

"Yelbunan, ang Yelo..ayaw ko talaga dito dahil napaka lamig, hindi ko kayang magtagal sa karagatan na malapit sa kanila. Kidel dito naman ay Kidlat, mas iwas naman ako dito, nakakatakot kasi baka tamaan ako. Ibarusan mundo ito ng mga manggagaway o Mangkukulam. Balibarod ang pinaka nakakatakot para sa akin, ito ay mundo ng mga Bampira."

"May Bampira sa totoong buhay!?" Sabay sabay nilang sabi, kahit si Seb ay nagulat din. Tumango ako, namutla silang lahat.

"H-hindi naman sila na-nag pupunta d-dito diba?" Kita ko ang takot sa kanilang mata. Nagkibit balikat ako sa tanong ni Lander.

"Hindi ko alam.. hindi naman kasi ako nagawi roon ng malaya pa akong nakakalangoy."

"Yung iba kaya nandito na" Napatingin naman ako, hindi lang ako pati si Lander at Jin kay Ice.

"Meron na dito?" Tanong ko. Tumango sya sa akin.

"Tuwing gabi sila lumalabas, mas madami sila pag madilim. Bwiset na mga lamok iyon" Binatukan sya ni Jin ng ilang beses.

"Hayop ka!" Jin.

"Jusko.. okey na sana sakin yung lahat, natutuwa na ako sa naririnig ko. Tas malalaman ko may bampira pala talaga" Napasabunot ni Ted sa kayang buhok.

"Meron ding mga Lobo, ang tawag sa mundo nila ay Bolinasir.." Napatigil sila sa mga sinasabi nila tungkol sa bampira.

"Totoo bang ayaw nila sa isa't isa? Bakit?" Tanong agad ni Ice.

"Hindi ko nga alam kung ano ang pinag mulan ng away ng dalawang lahi na iyon." Basta ang alam ko lang duon ay ang mga Bampira daw ang nag simula ng pagtatalo. Bahala sila sa buhay nila, may sarili din naman akong problema.

"Meron pa?" Ice.

"Nakalimutan ko na yung iba pero ang pinaka huli ay ang Dirkolma ang mundo ng dilim." Ngumisi ako ng parang demonyo sa kanila, kaya namutla ang kanilang mukha.

--


My Little MermaidWhere stories live. Discover now