Mermaid - 32

14.3K 464 1
                                    


Narrator

Sa ilalim na karagatan kung saan naninirahan ang mga ibat ibang uri sa isda at isang Uri ng nilalang na hindi alam ng mga Taga lupa na may naninirahan nito sa kaila-ilaliman ng Dagat.

Ang mga Sirena o Sireno.

Sa Bayan ng Sersunia, Masayang naglalaro ang mga batang Sirena't, Sireno. Maingay naman sa gitna ng bayan kung saan matatagpuan ang Pamilihang Bayan. Sabay sabay na nag tatanghalian ang ibang mag Pamilya sa kanilang Tahanan. Hindi alintana sa kanila ang masalimuot na kinahihinatnan ng kanilang Hari at ang Palasyo.

Ngunit karamihan sa kanila ay nagtataka, nagtataka dahil sa tahimik ng Palasyo. Walang mga Alagad sa Labas nito, Nakasarado ang mga pintuan at mga naglalakihang Bintana. Nagtataka sila dahil dati rati naman ay Maraming alagad ang nag iikot sa buong Palasyo, naka bukas palagi ang mga Pintuan at ibang pang Bintana, Dahil mahilig sumilip ang Hari sa kanyang mga nasasakupan.

Sa Isip isip nila 'Siguro masama lang ang pakiramdam ng Hari', Ayun ang paniniwala ng iba. Gustuhin man ng iba na bumisita sa loob upang kamustahin ang Hari, ngunit hindi sila maka kuha ng pagkakatanon dahil walang mga Tagapag bantay ang Palasyo, kung meron man silang makita ay kakaunti lang.

"May iba akong kutob sa loob ng palasyo" Usad ni Jerre, isang mamamayan ng Sersunia.

Magkakasama sa isang gilid ang Tatlong magkakaybigan na Sireno, hindi sila kalayuan sa Palasyo.

"Paano mo naman na sabi iyan? Masama nga lang ang pakiramdam ng hari" Tugon ng Isang lalaking Sireno na may kulay Berdeng Buntot.

"Ikaw Melo paano mo na sabi na masama ang pakiramdam ng Hari, ni isa nga sa atin o sa buong Sersunia ay walang nakakaalam ng kanyang kalagayan." Gatong ni Jerre kay Melo.

"Wag nga kayong mag talo dito, baka may makarinig sa atin at paalisin pa tayo" Pag awat ni Adlis sa dalawa nyang kaybigan.

"Kung bisitahin kaya natin si Haring Cales?" Jerre.

"Paano naman? Ni wala ngang Tagabantay sa labas, hindi tayo makakapag paalam at hindi nila maiihantid sa Hari ang Pag parito natin sa Palasyo nya" Adlis.

"Problema bayan? Wag nalang tayong mag paalam, tutal walang batay, malaya tayong makakapasok sa palasyo" Sabay na tumingin si Jerre at Adlis kay Melo.

"Malaking kahibangan yang lumalabas sa bibig mo Melo, maaari tayong makulong nyan" Kumento ni Jerre sa kaybigan, napatangon si Adlis upang pag sangayon sa sinabi ni Jerre.

"Mabait ang Hari, hindi nya tayo ikukulong kung ang Pakay lang naman natin ay kamustahin sya" Dugtong ni Melo.

"Oo nga't mabait ang Hari, pero pag labag parin sa batas ang gagawin natin" Adlis.

"Kakamustahin lang naman natin, at staka isang araw lang naman tayo ikukulong Hahahah, ayaw nyo yun maranasan man lang natin ang makulong?" Tumaas baba ang kilay ni Melo. Napangiwi si Jerre at Adlis.

"Ano kaya ang Itsura ng kulungan? Hahaha ano na?" Tuwang tuwa na sabi ni Melo.

Nagkatinginan si Jerre at Adlis kung sasangayunan ang malikot na utak ng kaybigan nilang si Melo.

"O sige sumasangayon na kami, ngunit.. dapat sandali lang tayo at wag na wag tayong magpapahuli sa mga Bantay?" Pag papaalala ni Jerre.

"Oo na, halika na" Tuluyan ng lumangoy ang mag kakaybigan palapit sa Palasyo.


/PETUNIA/

Guminhawa ang aking pakiramdam ng lumubog ako sa Dagat. Ang tagal na simula ng nakalangoy uli ako sa aming Tahanan. Iba talaga pag Tubig alat na ang nilalanguyan ko.

Tumingin ako sa pangpang kung saan nakatayo si Seb, mukhang binabantayan nya ako. Hahah bahala muna sya dyan at mag sasaya muna ako dito.

Sumusid ako ng sumisid, gustuhin ko man na lumangoy sa pinaka malalim, ngunit hindi ko pwedeng gawin iyun, baka may makakita sa aking mga Isda at makarating ito sa Sersunia. Malayo layo itong lugar na dinalhan sakin ni Seb mula sa aming Lugar. 

"Petunia!?" Narinig ko ang sigaw ni Seb mula sa ilalim ng tubig. Lumangoy ako pataas.

"Bakit?" Sigaw ko pabalik sa kanya. Nakita ko ang pag buntong hininga nya. Kala nya siguro lumayo na ako. Kung pwede nga lang.

"Mamaya nayan, kumain muna tayo!"

"Ikw muna, lalangoy muna ako rito" Hindi pa nga ako nakakatagal sa dagat.

"Hindi pwede! Halikana dito" Kahit ayaw ko ay lumangoy na ako palapit sa kanya.

Inabot nya sa aking tuwalya, binalot ko ito sa aking katawan.

"Pag tapos kong kumain, babalik ako dito para lumangoy" May malaking ngiti sa kanyang labi na nag pamula ng aking pisngi.

"Oo na" Hinila nya ako papunta sa aming kakainan.


Narrator

"Maawa po kayo samin, pakawalan nyo po kami.. kasalanan mo to Melo!" Inis na sigaw ni Adlis sa kanyang kaybigan.

Nakakulong sila ngayo dahil nahuli sila ng mga kawal ni Pavon. 

"Bakit ako? Diba sumangayon naman kayo sakin? Walang sisihan ito, at ano bang malay ko na sang katutak ang mga kawal sa loob ng palasyo! Ni hindi panga tayo nakaka limang langoy.. hay!" Napahilamos sa muka si Melo ng maalala nya ang angyari kanina.

Tahimik naman sa isang gilid si Jerre, malalim ang kanyang iniisip. Napansin ito ni Adlis at Melo kaya luamngoy sila malapit dito.

"Anong iniisip mo? Wag kang mag alala, papakawalan din naman nila tayo bukas" Melo.

"Hindi..." Napasimangot si Melo sa sinabi ni Jerre.

"Anong hindi?" Adlis.

"Hindi na tayo makakaalis dito..." Tumingin si Jerre sa dalawa nyang kaybigan. "Hindi nyo ba napapansin? Iba ang mga kawal na nakita natin sa loob ng palasyo?" Naguluhan ang dalawa sa sinabi ni Jerre.

"A-anon ibig mong sabihin Jerre?" Melo.

"Hindi kawal ng Hari ang nasa palasyo ngayon....." Huminga ng malalim si Jerre. "...mga kawal ni Pavon ang mga iyun" Naiyak si Jerre sa kanilang sitwasyon.

Nagulat ang dalawa sa kanilang narinig sa bibig ni Jerre. 

"Jusko! Asan ang Hari kung gayon?" Natatakot na saad ni Melo.

"Hindi natin alam, baka pa-" Jerre.

"Hindi, hindi pa patay ang Hari, sigurado akong nakakulong lang din sya dito." Paniniguradong sabi ni Adlis.

"Kung nakakulong ang Hari, nasaan naman ang Prinsesa?" Melo.

"Ba-baka nakakulong din?" Hindi siguradong sabi nya.

 Napaupo sa bato si Adlis, hindi naman mapakali si Melo.

"Anong klaseng mamamayan tayo? Ni hindi natin alam na naganito na ang nangyayari sa Palasyo? Jerre.

"Hindi kasi nila sinabi, talagang hindi natin malalaman" Inis na tinignan ni Jerre si Melo.

"Pwede ba manahimik ka nalang, kasalanan mo to e" Jerre.

"Hala bakit ako?" Pag mamaangan ni Melo.

"Pinag pilitan mo kasi na pumasok tayo dito!" Jerre.

"Ano ba? Nakulong na nga tayo ang ingay ingay nyo pang dalawa" Sigaw ni Adlis sa dalawa.

"Sino ang nandyan?" Napahinto sila sa pagtatalo ng makarinig nang pamilyar na boses sa kabilang selda.

Napapalibutan ng Bato ang selda kung saa sila nakakulong, tangin harap lamang ang may bakal.

"Ha-haring Cales?" Sabay sabay nilang sabi.

My Little MermaidWhere stories live. Discover now