Mermaid - 10

21.8K 872 22
                                    

Sandali lang ang naging biyahe namin ni Seb papunta sa Park. Hindi na nito ako kinibo sa buong biyahe naming dalawa, sinusubukan ko itong kausapin ngunit hindi naman ako nakakatanggap ng sagot mula sa kanya. Sinasayang ko lang ang laway ko, kaya nanahimik na lang din ako. Galit ito, at hindi ko alam kung bakit, wala naman dapat ikagalit sa sinabi ko sa kanya. Kung ano ang tinuro sa akin ni Ted 'yon ang sinabi ko dito, kung may mali sa sinabi ko, magalit siya kay Ted hindi sa akin. Hindi ko naman malalaman kung may kalokohan ba sa tinuro sa akin si Ted sa Bards of thi Body.

Bards of thi Body? Ano nga ba ang sinabi ni Seb sa akin? Alam ko mali ito. Ang sakit din naman kasi sa ulo kabisaduhin lahat. Samin nga hindi pinag aaralan ang ganito. Ang tinuturo sa amin ay kung paano gamitin ang aming mahika, at tinuturuan din kaming gumamit ng mga sandata para sa pakikipag laban. Pinag aaralan din namin ang kasaysayan noong unang panahon. Lalo na ang kasaysayan kung saan ma bagsik ang mga may dalawang paa, kung paano nila hulihin at patayin ang aming uri. Tinuruan kami na umiwas na sa mababaw na dagat.

Namulat kaming lahat na ang mga tao ay masasama, ni wala akong maalala na may sinabi sa amin na may mabait na taga lupa. Puro karahasan nila ang binaon sa aming isipan. Ngayon, sino ang tumulong sa akin? Isang may dalawang paa. Kahit nalaman na nila na isa akong Sirena ay hindi nila ako sinaktan. Kaya masasabi ko na hindi lahat ng mga tao ay masasama, may mga mabubuti din naman sa kanila.

"Baba," wika nito bago bumaba ng kanyang sasakyan. Binuksan ko ang pintuan at lumabas na din dito.

Kabigha-bighani ang aking nasisilayan ngayon. Ito ba ang Park? Malakas ang hangin, at maaliwas ang paligid. Maraming puno sa paligid, napapaligiran ito ng kulay berdeng damo. Napangiti ako ng makitang maraming mga bata na naglalaro dito, hindi lang mga bata, kasama nila ang kanilang mga magulang.

Pwede kaya ako mag laro dito?

"Sumunod ka sa 'kin," utos ni Seb. Sumunod naman ako sa kaniya, nasa likod niya ako.

Hindi ko maalis ang aking tingin sa bawat paligid nito. Ang dami kong bagay na hindi pa nakikita. Mga bagay na hindi pa natuturo sa akin nila Jin. Nakakagalak na maglibot-libot dito.

"Aray!" Napahawak ako sa 'king noo na mabungo ako sa matigas na bagay. Tinignan ko ito, pahaba ito na bato, sa itaas nito ay may mga kulay itim na tali.

"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo!" sigaw ni Seb sa akin. Hinawakan nito aking aking braso at hinila ako nito sa tabi niya.

"Ano ba iyon?" Turo ko kahit nakakalayo na kami.

"Poste," maikli niyang sabi.

Hinawakan ko ang aking noo dahil sa pag kirot nito. Napangiwi ako dito ng may nakaumbok akong nahawakan.

"Hala! May bukol ako." Tumingin sa akin si Seb, tuwang-tuwa ako na ipinakita kay Seb ang aking bukol. Kinunutan ako nito ng noo.

"Na tuwa ka pa?"

"Oo, bata pa ako noong huling nag karoon ako ng bukol. Nakakatuwa kasi ito dahil nakaumbok ito." Napailing siya sa akin.

Mga limang minuto pa ang aming nilakad bago kami huminto. Nayuko ako at humawak sa aking dalawang tuhod. Sumasakit na kasi ito, buti na lang din ay may baon akong tubig na nakasabit sa aking leegan, para sakaling manghina ako at mahirap huminga ay maiinumin ako.

"Wah! Seb ano iyon?" Napa ayos ako ng tayo.

Hinila ko ang damit ni Seb at tinuro ang isang malaking bagay na iba't iba ang kulay. Maraming bata ang nag-lalaro dito, masayang silang nag tatakbuhan at aakyat sa maliit ng hagdan, sa dulo nito ay uupo sila at madudulas.

"Play ground."

"Gusto kong subukan iyon!" Hinila-hila ko ang damit nito."Bilis, subukan natin!" Tinignan ko si Seb at nagmamakaawang tumingin dito. Seryoso lang ang mukha nito."Seb!" Pumunta ako sa likod niya at tinulak siya, ngunit ni hindi ito naalis sa kinakatayuan niya. Ang bigat naman niya.

My Little MermaidWhere stories live. Discover now