Mermaid - 33

14.8K 456 6
                                    

A/N: Hi sa inyo. Pasensya na sa matagal na hindi pag Update, naging busy lang talaga ako. 

By the way, sumali po ako sa #Wattys2016, isinali ko po itong 'My Little Mermaid', sana matuloy nyo parin suportahan ang paglangoy ni Petunia sa lupa hahaha. Malaking tulong po sa akin ang inyong VOTES and COMMENTS. 

Maraming salamat po.

Narrator 


Naghahapunan ngayon ang pamilya Villanueva sa kanilang tahanan. Nagtatawanan, nagbibiruan sila sa isa't isa. Hindi nila alam na may mangyayaring hindi maganda sa gabi nila.

Ang gabi kung saan mararamdaman nila ako Takot na mamumuo sa kanilang dibdib, iiyak ang mga anak, mag mamakaawa ang Ama't Ina. May magbubuwis nang buhay.

Sa labas nang kanilang tahanan ay makikita ang Limang lalaki. Nakangiti na mala demonyo si Pavon. Dahan dahan pumasok ang Apat na kawal sa loob nang tahanan nang Villanueva, habang prente namang nakatayo si Pavon sa labas nito na tila nag hihintay na lang na matapos ang lahat nang mangyayari ngayong gabi.

NAGULAT ang haligi ng tahanan nang makita ang apat na lalaki na pumasok sa kanilang tahanan. Agad na patayo ang Ina at inilayo nito ang tatlong anak nito, dalawang babae at isang bunsong lalaki.

"Sino kayo!" Sigaw ng Ama. Kita ang takot nito sa kanyang mata, nanginginig na kamay, namumutlang mukha. Pinilit nyang maging matapang upang protektahan ang kanyang mag ina.

"Magandang gabi sa inyo, kung inyong mararapatin, maaari ba namin mahiram ang inyong tahanan?" Magalang na sabi ni Mil, isa sa mga kawal ni Pavon.

"M-mahiram? mga gago ba kayo? Kung gusto nyo ng matitirhan, mangupahan kayo o pumunta kayo sa Hotel" Sigaw ng lalaki.

Nagkatinginan ang Apat, hindi nila nagustuhan ang sagot sa kanila ng lalaki.

"Inuulit ko, hihiramin namin ang inyong tahanan" Boritong boses naman ang nag salita, si Lite. Napatingin sa kanya ang lalaki, si tulad ni Mil na mahinhin mag salita, mas nakakatakot tignan si Lite kaysa sa kanya.

"H-hindi nga sabi pwede! Umalis na kayo dito" Pagtataboy nang lalaki. Lumapit si Rog, isa sa kawal ni Pavon, lumapit ito sa lalaki. Napaatras ito sa paglapit ni Rog sa kanya.

"Kung hindi mo to ipapahiram samin, papatayin kita"

"PAPA!" Sigaw nang kanyang tatlong anak, nilingon nya ito. Nagsisiiyakan na ang mga ito.

"Please lang..maawa kayo, wag dito. Maawa naman kayo sa mga anak ko" Pagmamakaawa ng Ama. Napaiyak ito sa kanilang harapan.

"Mabubuhay kayo kung ipapahiram nyo samin ang tahanan nyo." Aben.

Napaluhod ang lalaki sa harap ni Rog.

"Sa iba nalang please, matagal kong pinag ipunan to...p-para sa pamilya ko"

"BAKIT ANG TAGAL NYO HA!" Nagtaasan ang balahibo ang apat na kawal na marinig nila ang boses ni Pavon.

"Pa-patawad po, ayaw po kasing ibigay nitong lalaki" Si Mil na ang sumagot.

Sumama ang tingin ni Pavon, lumipat ang mga mata nito sa lalaking nakaluhod sa harap ni Rog. Sumilay ang ngisi sa labi nito, lumapit ito sa lalaki at tinignan ang buong pagkatao nito.

"Mahihina talaga ang mga taga lupa..." Ikinumpas ni Pavon ang kanyang kamay, lumabas dito ang itim na mahika. "Paalam"

Parang isang patalim na tumama sa katawan nang lalaki ang itim na mahika ni Pavon. Natumba ito sa lapag kasabay nang pag iyak nang kanyang Anak at Asawa.

My Little MermaidWhere stories live. Discover now