Mermaid - 38

12.6K 407 34
                                    


Isang linggo na ang nakakalipas at hindi parin pumupunta sila Siana dito sa condo ni Seb, kinakabahan na ako, hindi ba sila nagtagumpay na mailigtas ang aking Ama? ang mundo ng Sersunia? Sana naman mali ang aking naiisip, malakas ang mga Atarus alam kong makakaya nilang talunin ang mga Kawal ni Pavon. Dapat ang isipin ko ay nagtagumpay sila sa laban, hindi dapat ako mag isip nang hindi maganda. Pinapakaba ko lamang ang aking sarili.

"Petunia, aalis na kami, yung bilin namin sayo wag mong kalimutan, ikaw lang maiiwan mag isa dito kaya umayos ka." paalala sakin ni Gello, tumango ako sa kanya. "I lock mo yung pintuan, wag kang mag papapasok nang kung sino sino" tumango uli ako sa kanya. 

Aalis kasi sila ngayon at ako lang talaga ang maiiwan, Birthday kasi ng Ama ni Ted at imbitado silang lahat kasama ang pamilya nila. Sinasama nga nila ako kaso, nakakahiya dahil hindi naman ako kilala ng Ama ni Ted at hindi ko din namna sya kilala. Kaya napag disisyunan ko-namin na dito nalang ako mananatili sa condo ni Seb.

"Nag-iwan na kami ng maraming pagkain dyan, para pag nagutom ka habang wala kami may makain ka" dugtong naman ni Lander, "matakaw ka pa naman" bulong nito, na sinimangutan ko.

"Oo na, umalis na nga kayo at baka kayo ay mahuli sa kaarawan nang Ama ni Ted" tinaboy ko sila gamit ang aking kamay. 

Ang kikisig nila sa kanilang mga kasuotan, ibang iba ang itsura nila sa nakagawian nilang suot. Mga mukha silang kagalang galang, kaya hindi ko mapigilang matawa ng makita ko ang mga ayos nila kanina. Si Gello, Lander at Seb lamang ang nandito, nanduon na kasi sila Ice at Jin, pati narin si Ted kasi Ama nya ang may kaarawan.

"Sige, mauna na kami bye" kumaway na sakin si Lander at Gello, kinawayan ko na din sila, narinig ko ang pagsara ng pinto hudyat na nakalabas na ang dalawa. 

"Oh asan na sila?" nagtatakang tanong ni Seb, nakakalabas lang galing sa kanyang kuwarto.

Nangiti ako sa kanya, napaka gwapo talaga ng lalaking ito, kahit anong ayos nya ay babagay at babagay parin sa kanya ang mga ito. 

"Inlove na inlove kana sakin ah" ngisi ni Seb, agad akong napaiwas nang tingin sa kanya at naramdaman ko ang paginit nang aking mukha. 

Inlove.. oo inlove na inlove ako sayo, kasalanan mo ito. Lumabag ako sa utos sa aming mundo para lang mahalin ka.

"Umalis kana nga rin" sabi ko sa kanya na hindi tumitingin, nakakahiya kasi, baka makita nya yung pamumula ng mukha ko.

"Sure ka? pwede naman kasing hindi nalang ako pumunta doon, nadoon naman si Mom and Dad" tinaasan ko sya ng kilay.

"Sure nga ako, kaya ko naman ang sarili ko kaya umalis kana" tumawa sya sakin at naglakad pa punta sa kinakaupuan ko.

"Oh bakit?" gulat kong tanong nang yumuko sya at pumantay saking mukha. Nanigas ako sa aking kinakaupuan nang hawakan nya ang ilalim nang aking baba, naramdaman ko ang mainit nyang hininga.

Hahalikan ba nya ako?

Nakatitig sya saking mata at bumaba ang tingin nya saking labi, dumoble ang aking paghinga, unting unting lumalapit ang kanyang ulo kaya agad naman akong napapikit, hinintay ko ang paglapat nang labi nya saking labi, ngunit naramdaman ko ang labi nya saking noo. Napadilat ako at kita ko ang mapanukso nyang ngiti kaya tinulak ko sya at umayos nang upo.

"Umalis kana" sigaw nya dito. Tumayo si Seb at hindi parin nawawala ang mapanuksong ngiti nito sa kanyang labi.

"Hahahaha, oo na, aalis na ako, bye" kumaway nadin ito sakin at umalis na. Napahinga ako ng malalim dahil sa nangyari lang kanina saming dalawa ni Seb. Napahawak ako sa dibdib ko dahil patuloy parin ang mabilis na pagtibok nito. 

My Little MermaidWhere stories live. Discover now