Mermaid - 43

12.6K 499 65
                                    


/PETUNIA/

Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita, totoo ba ito? Wala na ang aking dalawang paa, kundi isa na itong buntot. Wala na rin ang itim kong buhok, napalitan na ito ng gintong buhok. Napatingin ako kay Seb na gulat na gulat, ni hindi nya inaalis ang tingin nya sa bago kong anyo.

Natatakot ba sya sakin? Natatakot naba sya dahil iba na ako sa kanya- sa kanila? Hindi na ako tao katulad nya.

'Halik nang pag-ibig'

Hindi ko akalain na si Seb ang tinutukoy na makakapag pabalik nang aking pagiging sirena, sya ang aking pag ibig. Kala ko nasa dagat ito at wala sa mundo ng mga tao.

"Seb?" napatingin ako sa pintuan nang kumatok si Gello. Tinignan ko si Seb, hindi parin sya gumagalaw. "Sebastian?" katok uli ni Gello.

"S-seb?" mahinang tawag ko sa kanya. Nagulat si Seb sa aking pagtawag sa kanya.

"Ha?" nagtatakang tanong nya.

"Hinahanap ka ata ni Gello" nahihiyang sabi ko. Tumingin sya sa pintuan at tumingin sakin, tinuro nya ako.

"A-anong nangyari sayo?" agad nyang tanong. Tumingin ako sa aking sarili.

Gintong buntot, ang aking kulay gintong buhok na umaabot sa aking bewang, ang mala dagat kong kulay na aking mata, ang kaliskis ko na umabot sa aking dibdib. Ibang iba na talaga ang aking itsura, parang hindi nya ako nakilala.

"Halik nang pag-ibig" sabi ko sa kanya, nangunot ang noo nya. "Naalala mo ba ang sabi ko noon? Na tanging halik nang pag ibig lang ang makakapag balik nang aking tunay na anyo?" napatango si Seb,' Ikaw iyun Seb".

"Dahil sa halik ko ay bumalik na yung buntot mo?" tanong nito sa akin. Tumango ako sa kanya.

"Seb! Lumabas ka dyan na papalibutan ka na namin, sumuko ka na" sabay kaming napatingin sa pintuan nang sumigaw si Ted. "Kung wala kanang maintindihan, kung wala ka nang makapitan, kapit ka sa akin, kumapit ka sa akin, hindi kita bibitawan" nangunot ang aking noo sa pagkanta ni Ted. " Kuyaa Cardo!" sigaw uli ni Ted, "Onyok!!".

"Tangna mo Ted, pag dika tumigil dyan, tatadyakan ko balunbalunan mo!!" Jin.

"Pano ko sasabihin ang sitwasyon mo sa kanila?" napakamot sa batok si Seb at tumingin sakin. "Hintayin mo ako dito, kakausapin ko lang sila about sa pagbabalik nang buntot mo" tumango ako sa kanya, lumabas sya at naiwan akong magisa sa kama na ito. Buti nalang ito ang nabagsakan ko.

/TED/

Hindi namin alam kung ano ang iniisip ni Seb, pinaupo nya kami kasi may importante daw syang sasabihin sa amin, ilang minuto na ang nakakalipas nakatunganga lang sya sa harap namin.

"Ano ba sasabihin mo?" Gello.

"Wait, hinahanap ko pa sasabihin ko"

"Gusto mo ako na humanap? Nangangati singit ko sayo" Ice.

"Ano ba kasi yun?" Jin.

"Si Petunia..." panimula nya, tumingin sya isa isa samin. "Si Petunia.. Ahm..." parang nag dadalawang isip si Seb kung sasabihin nya samin yung about kay Petunia.

"Oo alam nanamin na malansa si Petunia" Lander.

"Si Petunia...bu-bumalik na yung bu-buntot nya"

Sabay sabay kaming napatingin kay Seb, tama ba narinig namin? Bumalik na buntot ni Petunia? Pano? Pano bumalik?

"Hinalikan mo sya!?" sigaw ni Jin. Nanlaki mata ko sa sinabi nya.

"Kaya pala ang lansa ng hininga mo" sabi ko kay Seb.

"Gago!" Seb.

"Seryoso ka ba Seb? Hindi ka nag jo-joke?" Gello.

"Seryoso ako!" Seb.

Napatingin ako kay Ice at Lander na naghahanpasan.

"Hoy" tawag ko sa kanilang dalawa.

"First time kong makaka kita ng sirena" Lander.

"Gusto kong maging Sirena!" Ice.

"Guys, let's go" Gello. agad agad akong tumayo at tumakbo sa pintuan nang silid ni Petunia.

Dahan dahan kong binuksan ang silid nya , napanganga ako sa aking na kita. Si Petunia ba ito? Bat parang nag iba sya?

"Jusko ginoon!" Ice.

"Petunia? Mygad ang ganda mo" tumakbo si Jin palapit kay Petunia na nakaupo sa kama.

Dahan dahan kaming pumasok sa loob. Ang ganda nga ni Petunia, hindi ko akalain may igaganda pa sya, para akong nakakita ng isang dyosa.

"Magkano kaya makukuha kong pera pag sinangla ko si Petun?" bulong ko kay Lander.

"Bilyon pre!" Lander.

"Anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Gello kay Seb?

"Ibabalik natin sya sa dagat" Seb.

Pano naman kaya namin sya ibabalik sa dagat kung nasa Manila kami, mahihirapan kaming ilabas dito si Petunia.

"How? Staka nakalimutan nyo ba, maaaring nag mamasid si Pavon" Jin.

Ngumisi si Seb samin. Creepy!

"Kung ibabalik natin si Petunia sa dagat, mas mapapahamak sya doon, wala tayo doon sa dagat para protektahan sya kay Pavon" Lander.

"Once na nasa dagat na si Petunia, mahihirapan na si Pavon na mahabol sya" isa isa kaming tinignan ni Seb.

"Bakit?" tanong ko.

"Katulad nang sabi ni Petunia, halik nang pag ibig ang makakapag balik nang anyo nya. Sa tingin nyo makakabalik si Pavon sa dagat? Kakaylanganin nya ng halik nang pag-ibig para bumalik ang buntot nya. Saan naman kaya mahahanap ni Pavon ang halik nang pag-ibig" sumilay ang ngiti saming mga labi.

"Talino talaga ni Seb" Ice.

"At isa pa, kung makaharap natin si Pavon, malalabanan natin sya. Ilang araw na pananatili dito ni Petunia ay na wala na ang Kapangyarihan nya hindi ba?" tumango kami, " Sure akong wala na ring kapangyarihan si Pavon nayun".

"Hahahaha ako na bahala kay Pavon" pinatunog ko ang daliri ko.

"Pero sa tingin ko, gagawin ni Pavon ang paraan mapatay lang si Petunia, kaya mas maganda kung mag iingat parin tayo" Gello.

"Tama" Lander.

"Ang kaylangan muna nating gawin ay ibalik si Petunia sa Dagat, sa dagat kung saan natin sya natagpuan" sabay sabay kaming tumingin kay Petunia na nakikinig lang samin.

"Salamat" sabi nito.

Lumabas si Gello at Seb para pagusapan ang gagawin naming paglabas kay Petunia dito sa manila, lumapit kami kay Petunia.

"Pahawak ako sa buntot mo pwede?" tanong ko, tumango sya sakin.

Nanginginig pa ang kamay ko ng hawakan ko ang buntot nya. Napakadulas nang buntot nya, kala ko magaspang ito, mukha kasi syang magaspang kung titignan mo lang.

"Marunong kapa bang lumangoy Petunia? Gusto mo turuan ka muna namin para dika malunod?" Ice.

"Syempre marunong akong lumangoy" Lansa.

"Ang galing hanggang sa dibdib mo may kaliskis din" tuwang tuwa na sabi ni Jin.

"Sure ako pag naging sirena ka Jin, walang kaliskis sa dibdib mo...wala ka naman kasing dibdib e hahahaha" napahawak ako sa ulo ko ng batukan nya ako ng malakas.

My Little MermaidWhere stories live. Discover now