Mermaid - 48

11.3K 372 43
                                    

Dedicated kay @maerin_eka pag nakapag ol ako sa Laptop dun ko nalang ayusin, waley dito sa gamit ko e.

--

/PETUNIA/

Tama na, kaylangan mo ng lumaban Petunia. Pakita mo kay Pavon na malakas kana, hindi kana mahina- hindi na ikaw yung Petunia na laging nagtatago sa likod nang kanyang mahal na Ama. Patunayan mo sa kanya na hindi ka na tatakot sa kanya, patunayan mo Petunia!

Isa kang Prinsesa ng Sersunia, ikaw si Prinsesa Petunia anak ni Haring Cales! Ipakita mo ang kayang gawin nang isang Prinsesa.

Pano mo ma pro-protektahan ang nasasakupan mo kung hindi mo ito magawang protektahan ang sarili mo at mga kaybigan mo.

"Pe-petunia" Lander. Tinignan ko ang dalawa kong kaybigan na nakahiga ngayon sa buhangin.

Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ni Gello, isinusumpa ko, magbabayad si Pavon sa ginawa nya sa inyo.

Itinukod ko ang aking kamay at umayos, umupo ako at huminga ng malalim dahil sa panghihina ng aking katawan.

"Hahahahaha wala ka nang magagawa Prinsesa, mamamatay ka sa mundo na ito!" sigaw ni Pavon.

Galit! Galit ang nararamdaman ko ngayon, pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at tinignan nang masama si Pavon na humahalakhak sakin ngayon. Tumindi ang galit sa akong puso, nagiinit ang buo kong katawan, tila may gumagapang sa aking katawan.

Magbabayad ka, magbabayad ka Pavon. Pagbabayaran mo lahat nang ginawa mo sakin, sa aking mahal na Ama, sa buong mamamayan nang Sersunia at sa aking mga kaybigan.

Unti unti kong itinataas ang aking dalawang kamay, narinig ko ang pagwawala ng dagat sa aking likuran. Gulat ang makikita sa mukha ni Pavon na nakatingin sa aking likuran.

Pumikit ako at hinayaang dumaloy ang mainit na kuryente sa aking katawan. Nakarinig ako ng tatlong sunod sunod na putok nang baril, ngunit hindi ko ito binigyan nang pansin at nag patuloy lang ako sa aking ginagawa.

"Awrrrrrrr!" sumakit ang ulo ko nang marinig ko ang sigaw nang Hari ng halimaw na namumuhay sa kailaliman nang dagat.

Ikinalma ko ang sarili ko, hindi sya maaaring mapadpad dito, maraming masasaktan at mamamatay.

'Wag kang pumunta dito, hindi kita tinawag', bulong ko sa aking isipan, na sana ay marinig nya ang hinain ko sa kanya.

"Awrrrrrr"

Huminga ako ng malalim, at itinaas na aking kamay. Minulat ko ang aking mata at tinignan nang masama si Pavon na ngayon ay nakatutok sa akin ang kanyang baril. Nanginginig ang kamay nito.

"Sige, Prinsesa, tawagin mo ang halimaw na iyun at hindi lang ako ang mamamatay dito, kasama kong mamatay ang mga kaybigan mo!" kahit kita na ang takot sa mata nito ay nakuha parin nyang ngumisi sa akin.

Tumingin ako sa aking likuran, sumilay ang ngiti sa aking labi ng magawa kong magamit ang aking kapangyarihan. Malaking alon ang nasa aking likuran, at naging matulis ang nasa tuktok nito. Tinignan ko uli si Pavon, isang kumpas lang nang aking kamay ay tatarak ito sa dibdib ni Pavon. Ito na Petunia, ito na ang hinihintay mong pagkakataon.

"Bilis Petunia! Bago makarating dito ang halimaw!" sigaw ni Lander.

Iginalaw ko ang aking isang kamay kaya narinig ko ang pag galaw nang alon sa aking likuran. Isang malakas na putok nang baril ang narinig ko.

"Mamatay ka! Isasama kita sa hukay Prinsesa!" sigaw ni Pavon na nagpakawala uli ng isang putok.

Napatingin ako sa aking katawan at nakitang puro dugo na ito, napangiti ako. Kanina pa pala nya ako binabaril ngunit diko manlang naramdaman.

"Katapusan mo na" bulong ko. Itinuro ko si Pavon. Nagtangka syang tumakbo ngunit tumarak na sa likuran nya at tumagos ito sa kanyang katawan, kita ko ang dugong tumutulo sa buhangin. Ibinababa ko ang aking kamay kasabay na pagkawala ng alon.

Napahiga ako, nanlalabo ang aking paningin, tanging sikat nang araw ang aking nakikita.

Ama, na saan ka? Ama nakita mo ba ang aking ginawa? Wala na sya, patay na si Pavon ama. Malaya na ako, malaya na tayo ama.

"Petunia!" sumilay ang ngiti sa aking labi ng marinig ko ang boses nya. Naramdaman ko ang palad nya sa aking pisngi, ni hindi ko maaninag ang kanyang mukha.

Kahit sa huling pagkakataon, gusto kong makita ang kanyang mukha.

"Petunia" hinawakan nya ang aking kamay, lumapat ang kanyang labi dito.

"S-seb"

"Sorry, sorry Petunia, nahuli ako" ngumiti ako sa kanya.

"Ayos na, a-ayos na ang la-lahat. Wala na sya"

"Petunia, kaya mo yan. Ted! Tumawag ka ng ambulansya!" Seb.

"Tumawag n-na ako, Seb si Ice naubusan na ata ng dugo!"

"Seb lumayo ka dyan!" rinig na rinig ko ang malakas na sigaw ni Lander.

"Lander nandito ka pala!" Ted.

Gusto ko silang makita, gusto kong makita ang mga mukha ng kaybigan ko dito sa mundo na ito, kahit sa huling pagkakataon, gusto kong masilayan ang mga mukha nila. Ngunit ni hindi ko na magalaw ang aking katawan.

"Seb! Umalis kana dyan!" Lander.

"Hindi, hindi ko aya iiwan dito!" Seb.

/SEB/

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Petunia, hinang hina na ang katawan nya. Naiinis ako sa sarili ko dahil na huli ako, ni hindi ko manlang nagawang lumaban para sa kanya, ni hindi ko man lang na protektahan ang babaeng mahal ko.

"Petunia" hinawakan ko ang pisngi nya. Hindi na nya kinakaya.

"S-salamat, salamat s-sa tulong nyo sa akin. H-hinding hindi ko malilimutan ang mabuting k-kalooban nyo" ngumiti ako sa kanya.

"Kunting hintay nalang Pentunia, dadating na yung ambulansya"

"Seb!" naramdaman ko ang kamay ni Ted, hinihila nya ako palayo kay Petunia. "Bilisan mo" pilit kong inaalis ang kamay nya sakin ngunit hindi ko ito matanggal, nanghihina ako.

"Bitawan mo ako!" Inis na sabi ko rito.

"Seb, halikana!" tuluyan akong nailayo ni Ted kay Petunia. Itinulak nya ako sa tabi ni Ice na walang malay.

"Ano bang problema mo!" sigaw ko sa kanya.

"Magpapakamatay kaba?" nagtaka ako sa kanyang sinabi. Itinuro nya ang dagat, may malaking alon na papalapit samin.

"Si Petunia kaylangan nating ku-" tatayo dapat ako ng pigilan ako ni Lander.

"Hayaan mong kunin nila si Petunia" tinignan namin ang alon na nilamon ang katawan ni Petunia, inanod ito sa karagatan.

Napaluhod ako at ibinaon ko ang aking mukha sa aking palad.

Wala na sya, wala na si Petunia.

-----

Sabaw bes. Yawkuna po huhuhu. Ang hirap talaga bes, diko kere ang Fantasy. Kung may magtanong kung bakit ang bilis nang pangyayari, wala pong laban ang baril sa mahika, maraming salamat po.

My Little MermaidWhere stories live. Discover now