Mermaid - 16

20.5K 760 11
                                    

Pasensya na po sa inyo kung hindi mahaba yung Update ko kahapon, wala kasing pumapasok sa utak ko, ayaw ko namang pilitin baka kung ano ang mailagay ko. Babawi ako ngayon hihihi. Salamat parin sa mga nag babasa.

Please read my two stories, 'SMP' and 'FALL' Magugustuhan nyo rin sila. Thanksss.

Don't forget to VOTE and COMMENT about sa chapter guys. 

All the Love. T

--

"Nasaan ang Prinsesa!" Umalingawngaw ang malakas ng sigaw ni Haring Pavon sa buong kaharian ng Sersunia, bumabakat ang ugat nito sa kanyang leegan hanggang sa kanyang noo dahil sa galit.

"Hindi mo sya makikita pa" Kalmadong sabi ni Haring Cales, pilit nyang kinalma ang kanyang dibdib kahit natatakot sya sa kahihinatnan ng kanyang anak.

"Ilabas mo sya Cales... hindi ako magdadalawang isip na patayin ko kayong lahat dito" Umiwas ng tingin si Cales, tinatak nya sa kanyang isipan na kahit anong mangyari, kahit ibuhos pa nya ang kanyang buhay ay hinding hindi nya sasabihin ang kinakaroonan ng kanyang Mahal na Anak.

Walang nakakaalam kung nasaan ng Prinsesa, tanging si Majesta, Cecillia , ang mga pinagkakatiwalaan na kawal ni Haring Cales na sumama sa paghatid sa Prinsesa sa mundo ng may Dalawang Paa, Sila lang ang nakakaalam na wala na sa Karagatan ang prinsesa. Hindi nila ito ipinaalam sa kanilang nasasakupan, ang alam ng lahat ay nasa palasyo lang ito at nakakulong parin sa kanyang silid.

"Ako na lang ang patayin mo... wag mo na silang idamay pa rito Pavon" Malamig na tugon ni Haring Cales, ayaw nyang madamay pa ang marami sa problema nila.

"Yan ba ang gusto mo Cales? matagal ko na ring gustong gawin ang bagay na iyan...." Humalakhak si Pavon na parang isang demonyo. Maraming kawal ang nakapaligid sa kanila, ang kawal ni Haring Cales at ang mga Kawal ni Pavon. Lahat sila ay nakaantabay sa mga nangyayari.

"Bago ko gawin ang gusto nating dalawa...." Lumangoy si Pavon paikot kay Haring Cales, kulay asul ang buntot nito at napapalibutan ng gintong tela. Hindi maharlika si Pavon, biniyayaan lang ito ng kulay itim ng kapangyarihan na nahanap nya sa pinaka madilim na parte ng karagatan. Walang sino man ang tumatangkang gumawi sa madilim na karagatan na iyon dahil sa mga haka-haka na may nakakatakot na nilalang ang namamalagi duon upang bantayan ang isang mahiwagang bagay, iyon nga ang nahanap ni Pavon.

"..Asaan  muna ang Prinsesa?" Tumigil ito sa harap ni Haring Cales. Nagtitigan silang dalawa, walang ipinakitang emosyon si Haring Cales sa kanyang harap.

"Inuulit ko sayo... hindi ko sasabihin kung nasaan ang aking Mahal na Anak" Hindi na nagdalawang isip si Pavon na gamitan ito ng kulay itim na kapangyarihan, pumulupot sa katawan ni Haring Cales ang itim na Mahika ni Pavon, namilipit sya sa sakit na inihahatid nito.

"Mahal na Hari.." Bago pa man makalapit ang ibang kawal ay pinalibutan din nya ito ng itim na Mahika, malakas na sakit na sigaw ang lumabas sa kanilang bibig. Namimilipit sila sa sakit na nararamdaman nila.

"Ngayon sabihin mo Cales... asaan ang Prinsesa!" Tumulo ang pawin sa noo ni Cales dahil na ubos ang kanyang lakas, parang hinihigop nito ang lakas nila sa katawa. Bawat galaw mo ay mas lalong humihigpit ang pagkakapulupot nito sa kanila.

"WALA KANG MALALAMAN SAKIN PAVON! PATAYIN MO NA LAMANG AKO" Sigaw ng Hari. 

"Kung ayan ang gusto mo.... bago kita patayin may huling habilin kaba? Hahahaha..." Nagtitigan silang dalawa ng masama. "Hahanapin ko ang iyong Mahal na Anak at ako mismo ang kikitil ng kanyang buhay.." 

Napuno ang galit ang puso ni Cales sa kanyang narinig, bago paman sya mapatay ni Pavon ay sumigaw sya ng napakalakas, umilaw ang kanyang mga kamay, binuhos nya ang lahat ng kanyang lakas upang matanggal ang itim na mahikang nakapalupot sa kanya, parang ito ay isang babasaging bagay na nasira nya, nakawal si Cales, ayaw na ayaw nyang masasaktan ang anak, gagawin nya ang lahat para mailigtas nya ito sa kamatayan.

My Little MermaidWhere stories live. Discover now