Mermaid - 13

19.7K 717 66
                                    



Bakit ba lagi na lang nila akong niloloko o binibiro? Dahil ba bago pa lang ako dito sa mundo nila? Kasalanan ko bang hindi ko alam yung mga bagay bagay dito, kasalanan ko bang walang mga kakaibang bagay sa karagatan? Kung meron lang din sana kami katulad ng kanila edi hindi na nila kaylangan ituro pa sakin.

Nakakainis na talaga sila, nangunguna si Ted sa pangloloko sakin, kaya laging nababatukan dahil walang ibang ginawa kung di ang magloko, kasapi pa nya sila Ice at Lander, hindi ko din akalain na may ganun din palang ugali si Seb, kala ko puri pag susungit lang ang alam nya sa buhay.

"Nakaka bwiset kana Ted!" Sigaw ni Jin, hindi parin tumitigil si Ted sa kakatawa. Hindi ko alam kung ano ang pinag tatalunan nanaman nilang dalawa, sinama kasi ako ni Gello sa Kusina at kinausap ako ng masinsinan tungkol sa Tv nayun, tama pala yung mga kaybigan kong isda.

"Luh! hahahahaha" Tumayo si Jin at pinagsasabunutan ang ulo ni Ted, aray naman sya ng aray pero tumatawa parin.

"Bwite ka! Mabaog ka sana" Huling sabi nya, napatigil naman si Ted sa kakatawa at ngunuso.

"Grabe naman yun.. para sa future ko ito"

"Ma wawalan ka talaga ng Future pag dika tumigil"

"Tumigil na nga kayo sa pagaaway!" Si Lander na nanonood sa TV, Panooran pala iyan, kala ko talaga nakulong sila dyan.

"Nako ganyan din ang Lola at Lolo ko dati...." Sinamaan ng tingin ni Jin at Ted si Ice. ".....ayun namatay na silang dalawa" sabay tawa nya ng malakas.

"Uunahin kitang patayin" Jin.

Umupo sa tabi ko si Jin, nasa kabila ko kasi si Seb na nag ce-cellphone, gusto ko nga sanang hiramin kaso wag muna nag tatampo pala ako sa kanya.

"Kamusta na pala, patawad ah hindi kami naka punta kahapon" Pag uumpisa nya, ngmuti ako.

"Ayos lang, namasyal naman kami ni Seb" Masaya kong sabi sa kanya, nagkaron ng gulat sa kanyang mukha.

"Nag date kayo?" Bulong nya, sinilip nya si Seb na ang sama ng tingin sa kanya.

"Iba ang pinasyal sa nag Date" Date? Ang turo sakin ni Ted ito daw ay Petsa.

"Aysus!" 

"Hindi nga sabi eh! Pinasyal ko lang sya" May halong inis na ang boses ni Seb.

"Baliw ka ba Jin?" Nangunot bigla ang noo nya sakin.

"Bakit?"

"Petsa ang Date diba? sabi mo kasi 'Nag date kayo?' ang ibig mong sabihin 'Nag Petsa kayo?' parang hindi magandang pakinggan" Napabulalas naman sa tawa si Ted, nakikinig pala ito samin.

"Ako nag turo dyan!" Tinuturo turo pa ni Ted ang sarili nya. "Ang galing ko talaga... Sir Ted G. Maginoo" sabay palakpak nya.

"Sa tagalog?" Ice.

"Ginoong Maginoo Wahahahaha" Natawa kaming lahat, mag katunog nga ang huling pangalan nya sa 'Ginoong' o'Ginoo'.

"Ay ganun? Edi Boom panesz" Ted. Nilingon ko si Seb, sya lang kasi ang hindi tumatawa, wala naman dito si Gello, nasa kusina sya at nagluluto ng kakainin namin. Nakatingin sya sakin ng paglingon ko, tinaasan ko sya ng isang kilay. Ano ang tinitingin tingin nya?

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Umiwas sya ng tingin sakin, namula ang kanyang tenga.

"W-wala, ang pangit mo pala" Sabay tayo nya. Aba loko iyon ah.

Nagkibit balikat na lang ako. Bumalik ang pansin ko kela Ice na nag tatawanan uli. Pag nandito talaga sila ang ingay pag wala naman sila sobrang tahimik. 

"Ay! May bago pala akong mga kaybigan" Napukaw ko ang atensyon nila. Lumabas si Gello mula sa Kusina. Tapos na siguro sya magluto.

"Asan? maganda ba?" Ngiting damuho ni Ted.

"Sexy?" Lander.

"Big boobs?" Ice.

"Ahm..." napakamot ako sa aking ulo. Bakit ba ganyan ang utak nila. "...Oo maganda sila at may gwapo pa" Kuminang yung mata nung tatlong lalaki, ngiti ngiti rin naman si Jin. 

"Oh laway mo Ted" Puna ni Gello, hinawakan naman ni Ted yung labi nya.

"Wala naman e, patulo pa lang kasi pag nakita ko na yung Sexy lady hohoho oppa gangnam style" Sabat tawa nya. Binato naman sya ng pamunas ni Gello.

"Asan na Petunia?" Ice.

"Ayun sila.." Tinuro ko ang malaking Akwaryum sa isang tabi, bagsak ang bibig nila na nakatingin duon. Napahagikgik ako.

"Maganda?" Ted.

"Sexy?" Lander.

"Where's the Boobs?" Ice.

"Hi Boys!" Napatawa ako sa sagot nung mga babaeng Isda, nag paganda mata pa si Hally sa kanila, tumatawa naman si Bon dahil sa panloloko ko. Hindi lang sila ang marunong manloko, nakabawi rin ako!

"Gwapo ah" Bulong ni Jin.

Tawang tawa naman si Gello sa tabi ni Ice, Ilang beses pa nyang hinampas sa Balikat si Ice. 

"Umasa, nasaktan ng sobra sobra" Padating ni Gello sa tatlo. 

Napatigil kami sa pag tawa ng makarinig kami ng kalabog sa kusina, tumayo kaming laaht para dignan kung ano meron. Hindi pa ako nakakapasok e bigla na lang sumulpot si Seb na namumutla, madali nya akong hinawakan sa brasok at inupo sa upuan.

"Dyan ka lang" Nagtataka ako sa inaakto nya ngayon.

"Bakit dude?" Tanong ni Ice.

"What the fxk dude! Bakit ang ulam natin ngayon Fish?" Sigaw ni Seb, bumalik sa pag pula ang mukha nya.

"Oh diba favorite mo ang sea food?" Ted.

"Seryoso? Yeah i like ea food, but..Fxk!" Napatingin si Seb sakin, kaya sabay sabay din napatingin yung apat.

"Sht!" Gello.

"Jusko ginoo" Ted.

Ano bang problema nanaman nila? Bkait araw araw nalang ata kami nag kakaron ng Problema, hindi ko naman bakit o kung ano ang pinagtatalunan nila.

Lumayo sila sa akin, pumunta sila sa dulo, seryosong seryoso silang nag uusap duon, ano kaya iyon? Bakit ayaw nila akong isali sa usapan nila? Napahawak ako sa lalamunan ko, nauuhaw ako. Tumayo ako para pumunta sa kusina, nakalimutan kong dalin yung tubigan ko.

Nakita ko ang tubigan ko sa Lamesa, kinuha ko ito agad at binuksan, Nakakauhaw talaga dito, umiinit narin ang panahon, grabe pa naman ang sikat ng araw sa labas. Napatingin ako sa pagkain sa lamesa, nangunot ang aking noo.

"A-ano...." Lumapit ako at kinuha ang platito kung nasan ang ulam. Bakit? A-anong ginagawa nila dito? Bakit naging ganto ito?

B-bakit parang nasunog sila? Anong ginagawa nila sa kauri ko? Napatulala ako at hindi ko namalayan na nabagsak ko na ang platito. Unting unting bumasak ang aking luha, nanginginig ang aking kamay at nanghihina ang aking tuhod. Napakapit ako sa upuan dahil ano mang sandali ay tutumba nanaman ako.

"P-panong.."

Napaiyak nalang ako. Bakit ganun ang ginawa nila? Bakit nila pinatay ang mga kauri ko. Isa ba ito sa mga ginagawa nila? Akala ko ba ay binibenta lang nila ang mga Uri namin dito sa mundo nila? Bakit? Ano ang nakita ko?

"Petunia!" Hindi ko pinansin ang pag pasok nila, masama ko silang tinignan. Akala ko mabait silang mga Taga lupa, pano nila nagawa ang ganuong bagay.

Napuno ang galit sa aking Puso. Niluto nila ang mga Isdang iyon, para ano? Para kainin? Hindi kami pagkain, may buhay din kami, nakakadiri sila pano nilang nagagawang kainin ang isang uri na may buhay? Hindi lang pala binibenta ang mga Isda rito, kinakain din pala nila. Mga halimaw sila.




My Little MermaidWhere stories live. Discover now