Mermaid - 25

16.4K 536 13
                                    


/JIN/


Jusko po Ibarra! Anong gagawin ko? Tulungan nyo ako, fuxk! Kainis naman kasi, sabi ko na nga ba parang may nakalimutan kami ni Petunia na gawin. Hinahanap pala namin si Seb na wala sa isip ko iyon. Imbis na si Seb ang hinahanap namin si Seb pa ang humanap sa aming dalawa, bakit ba kasi nalimutan ko? Ito tuloy na papala namin. Dapat talaga hindi na ako pumayag sa gusto nya. Nakakahiya tuloy nakita nila akong naka suot ng Dress.

At isa pa itong si Ted, kanina pa nakatigtig sa akin, hindi pa nya alam ang Creepy nya tignan. Mukha syang nakakita ng Dyosa. Sapakin ko kaya sya-ay hindi babayagan ko na lang, mas deserve nya iyon. Sya itong may kasalanan kung bakit nalaman ni Seb na wala kami sa Condo nya e. Kung alam ko lang na pupunta itong si Ted, edi sana hindi nalang talag kami tumuloy.

Patay talaga ako kay Seb, umuusok na yung ilong nya, grabe minsan ko lang ito makitang magalit at ayaw ko ng makita pa kahit kaylan. Kunwari din kasi itong si Seb, sabihin lang nya may gusto din sya kay Petunia ayaw pang umamin.

Buhay nga naman parang Life.

"Ag Hard mo talaga Mauro" Asik ni Zieke kay Seb. Hawak hawak nito ang kanyang pisngi kung saan sya nasapak ni Seb.

"Wag mo nga akong tawaging Mauro" Nanlilisik parin ang mata nito. "Hoy" Sinipa ni Seb si Daniaall na nakatulog dahil sa sapak na ginawa sa kanya.

"ANO BA!" Umupo si Daniaall na may masamang tingin kay Seb, naggantihan naman sila ng tingin sa isat isa. Nakala mo kay kuryente ng namamagitan sa kanilang dalawa.

"Ayiee, nagtitigan sila. May pagtingi na silang dalawa sa isa't isa" Pangaasar ni Charlie. Binatukan naman ni Gello si Charlie.

Ngayon ko lang nalaman mag kakilala pala itong mga ito. Hindi naman ako talaga gawi sa Bar kaya hindi ko talaga malalaman. Nandito kami sa Condo ni Seb, samantalang si Petunia ay nasa kwarto na nya at natutulog. Buti ako madaling nakapag palit ng Damit.

"Manahimik ka nga Charlie" Saad sa kanya ni Gello na preteng naka tayo sa gilid.

Agad na pasugod dito sila Ice,Gello at Lander nang mabalitaan nila ang nangyari. Ito kaming Apat nila Zieke nakaharap sa kanila na parang may ginawa kaming malaking krimen.

Sino ba ang magaling na nag chismis? Walang iba kundi si Ted. Panyatera talaga itong mokong na to. Hindi talaga ako magdadalawang isip na tadyakan ang sperm cell nya.

"Bakit ka kasi biglang nananapak? Wala naman kaming ginawang masama sayo ah" Reklamo ni Zieke.

"Wala kayong ginawang masama sakin, pero kay Petunia meron" Sigaw ni Seb. Napatalon naman ako sa gulat.

"Tangna ka, pag di mo inalis yang tingin mo sakin huhugutin ko yang mata mo" Inis na sigaw ko naman ay Ted. Umiwas din sya kaagad.

"Isa ka din!" Napaatras naman ako at napakapit kay Charlie. "Jin naman bakit mo di nala sa ganung lugar si Petunia?"

"Hoy bitaw" Bulong ni Charlie pero hindi ko sya binitawan.

"Ahm...a-ano kasi..sya talaga may gusto nun..ayaw ko naman sana kaso m-mapilit talaga sya"

"Kahit naba pinilit ka nya dapat hindi mo parin sya dinala dun" Singit ni Ice.

Kasalanan ko talaga ito e. Alam ko naman na delikado ang pumunta doon pero gumorabels parin kaming dalawa.

"At ang malala pa, bakit nyo sya pinainom ng Alak?" Gello.

"Hoy! hindi ako iyon.." Pagtanggi ni Charlie.

"Not me" Zieke.

"Hindi ako" Sabi ko, sabay sabay naming nilingon si Daniaall na papikit pikit uli. Binato sya ng unan sa muka ni Lander kaya nagising.

"Kanina pa kayo ah!"

"Bakit mo pinainom ng Alak si Petunia" Tanong ni Seb.

"Ah. ubus na kasi yung Juice at Shake nya.. aba malay ko bang alak na naiabot ko sa kanya" Katwiran ni Daniaall.

"Pero ang astig pala malasig ni Petunia Wahahahahaha" Sabay na sabay tumawa yung tatlo, napahampas nalang ako sa noo.

"Sirena daw sya dati hahah g-grabe the best yang si Petunia" Napahawak sa tyan si Charlie.

Natahimik naman kaming lahat, nanlaki ang mata ni Gello ganun din ang Iba. Jusko hindi ko napigilan si Petunia habang nag kwe-kwento sya, lasing naman din kasi ako nung time na iyon, nagising lang diwa ko ng dumating si Seb at Ted.

"Kaya ang sabi ko sa kanya..da-dati akong hahahahaha dati akong Bampira tahe fuxk! hahahaha" Gatol ni Zieke.

"Ako na-naman dating Hari ng ekantada wahahahaha" Charlie.

"A-ako dating Prinsesa HAHAHAHAHA" Daniaall. Mas lalong umalingawngaw ang tawanan nila, kinagat ko ang labi ko para pigilang tumawa.

"Ta-tapos si Jin...hahahhaha" Tumingin ako kay Zieke.

"DATING UNGGOY AHAHAHHA" Sabay nilang tatlong sinabi. Binatukan ko sila, mga gagong to dinamay pa ako.

"Itumba ang mga iyan" Natahimik sila sa sinabi ni Seb. Lumapit sila Ted, Gello, Ice at Lander sa kanila at isa isa silang tinumba.

Ayun mga bagsak sa sofa at namimilipit sa sakit na pwet at likod. Anong akala nyo papatayin sila, hindi naman kami mamamatay tao. Yung Itumba, itutumba lang talaga sila.

"Ang sakit nun ah!" Sigaw ni Charlie.


Narrator


Malaking ngiti ang sumilay sa labi ni Pavon ng tumapak ang paa nila sa lupa ng Maynila. Ibang iba ito sa lugar na una nilang na kita. Maraming tao, maingay at puro usok. Natutuwa sya dahil umaayon sa kanya ang tadhana na pagtagpuin sila ni Prinsesa Petunia.

"Kawal!" Mabilis na lumapit ang apat na kawal sa kanya.

"Hari!" Isa isang tinignan ni Pavon ang apat.

"Hanapin nyo ang Prinsesa at dalhin sa aking harapan..." Nagkatinginan ang apat.

"Ha-hari..paano namin mahahanap ang Prisesa dito sa mundo na ito? Napakalaki nya at maraming may dalawang paa rito" Saad ng isa.

"Gamitin nya ang utak nyo mga inutil! Ano naman kung marami ang may dalawang paa dito? Wag nyong sabihin natatakot kayo sa kanila? Mga mahihina.. tandaan nyo mas malakas kayo sa kanila, ang mga tagalupa ang mahihina, ni hindi nga sila makahinga sa ilalim ng tubig, kaya wag kayong matakot sa kanila...sila dapat ang matakot sa atin. Naiintindiha nyo ba?" Bumakat ang ugat sa leeg ni Pavon dahil sa pag sigaw sa Apat.

"Masusunod pa Mahal na Haring Pavon!" Yumuko sila at nag bigay galang bago umalis.

"Magkikita na tayo Prinsesa" Bulong ni Pavon sa kanyang sarili.


My Little MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon