Mermaid - 45

12.3K 411 60
                                    

A/N: Hi guys please read my new story.

Title: Pakgirl na walang ma Fucc
Genre:Humor

Bawal sa inosenteng utak. Maraming salamat. All the love, T.

--

Napupuno ng kaba ang aking dibdib dahil sa ginagawa namin. Kahit na sabihin naming naitago nila ako ng maayos sa pag labas nang building na iyun ay alam kong marami pa kaming pag dadaanan ngayon. Halos mahirapan ako sa paghinga dahil sa kaba na nararamdaman ko.

"Pahinging tubig" agad na sabi ko sa kanila. Dali dali akong inabutan ni Seb nang tubig.

"Ayos ka lang be Petunia?" nag aalalalang sabi ni Seb sa akin. Tinungga ko agad ang tubig na binigay nya bago ko sya sagutin.

"Ayos lang ako, kinakabahan lang ako"

"Kinakabahan din kami isda" singit ni Lander.

"Mag pahinga ka muna Petunia, malayo layo pa ang byahe natin" bulong sa akin ni Seb. Tumango ako sa kanya at sumandal nang maayos.

"Tangna ang lansa ng sasakyan, paliguan nyo nga ng pabango si Petu-" hindi pa natatapos ni Ted ang sasabihin nya ay pinagbabato na sya ni Seb at Jin. Natawa ako sa kanila.

"Joke lang, Jin may regla kaba ngayon? Ang lansa mo" Ted.

"Lul, pag ako nagkaron, isasampal ko sa mukha mo napkin ko" Jin.

"Ay! Lalaki ka pala Jin, sorry kala ko babae ka hahaha" Ted.

Napapa isip ako sa maaaring mangyari samin ngayon. Alam ko na kahit saan kami pumunta ay mahahanap parin ako ni Pavon, ngayong nakita na nya ako ay dina maaalis ang mata nya sa akin. Ramdam ko na nakanasid sya sa amin hanggang ngayon. Kaya hanggat maaari ay pag dating namin sa karagatan ay maibalik nila ako sa dagat upang hindi na makasunod sa akin si Pavon.

Sa tingin ko ay hindi alam ni Pavon na ang Halik nang Pagibig ang makakapag balik nang kanilang totoong katauhan- o kaisdahan? Kaya naisip ni Seb at Gello na magandang pagkakataon ito para makatakas na ng tuluyan kay Pavon, dahil hindi na ako nito masusundan pa sa karagatan.

"Ano next gagawin natin?" rinig kong bulong ni Jin. Nagkunwari akong tulog.

"Isipin muna natin kung paano natin sya mapapasok sa Resort" Lander.

"Hindi na problema yan, baka nakakalimutan nyo tito ko may ari ng Resort na iyun." Ted.

"Ay oo nga pala" Lander.

"Maraming tao sa Resort na iyun, pano natin sya mailalabas?" Jin.

"May alam akong daan para maipasok natin sya na hindi nakikita ng mga tao" sabi ni Ted.

"Nice Ted, laki ng pakinabang namin sayo ngayon" natatawang sabi ni Lander.

Napamulat ako at napatigil sila sa pag uusap nang makarinig kami ng kumakanta. Sabay sabay kaming napatingin kay Ice na nakasilip sa bintana na pumipikit pikit pa habang kumakanta.

"Sana'y pag-ibig na lang
Ang isipin
Nang bawat isa sa mundo
Sana'y pag-ibig na lang
Ang isipin
Sana'y magkatotoo

Sana'y laging magbigayan
Sana'y laging magmahal- Aray!" tinignan nang masama ni Ice si Lander na katabi nya.

"Anong tinira mo?" Lander.

"Ikaw, hahaha- charot lang" sabay pikit ni Ice para matulog.

"May sumusunod satin" napatingin kami kay Gello na kasalukuyan na nag mananeho ng sasakyan.

"Saan?" lumapit si Ted kay Gello upang at hinanao nya ang sumusunod samin.

"Gago, bat dyan mo hinahanap sa harap. Sumusunod nga diba malamang sa likod!" binatukan ni Gello si Ted.

Sabay sabay kaming tumingin sa likod, merong itim na sasakyan ang nakasunod nga sa amin ngayon. Hindi nga lang namin makita kung sino ang tao nito sa loob. Nakaramdam ako ng takot, hindi kaya si Pavon ang laman nang kotseng iyun?

"Pano ka nakakasigurong sinusundan tayo nyan? One way lang kaya to" Ted.

"Oo nga naman" pag sangayon ni Lander.

"Mamaya may madadaanan tayong bayan, pag nakasunod parin satin papuntang Resort, dun na tayo mag desisyon na sinusundan nga tayo" Ted.

"Pano kung papunta din sila sa Resort nang Tito mo?" Jin.

"Edi dagdag kita para sa Resort nang Tito ko" tumatawang sabi ni Ted.

"Namo!" Binato si Ted nang unan ni Lander.

"Wag muna tayong mag isip nang kung ano-ano. Tinatakot nyo lang sarili nyo" sabi ni Seb, nakapikit ito at naka krus ang dalawang kamay nito.

"Sino natatakot? Kami!? Sus, gawin ko pang sisig na isda yang Pavon nayan!" ngumisi pa si Ted habang sinasabi iyan.

Napatigil kaming lahat nang biglang nabutas ang salamin sa likod nang sasakyan kung saan naka pwesto si Ice at Lander. Nagkatinginan kami sa isat isa.

"Haaa! Binabaril tayo, mamamatay na ako!" sigaw ni Ted.

"Yumuko kayo!" sabi ni Seb, sumunod kani agad sa sinabi nya.

Nanginginig ang kamay ko sa takot na nararamdaman ko, si Pavon nga ata talaga ang sumusunod samin. Balak na ata talaga nya akong patayin.

"Fxck!"bulong ni Seb. "Bilisan mo sa pag maneho Gello" Seb.

"Ito na ang pinakamabilis na takbo nito!" Gello.

Napasigaw kami pero mas nangingibabaw ang sigaw ni Ice ng magpaputok uli ng baril samin.

"Ayoko pang mamatay!" Ice. "Hindi ako pwedeng mamatay nang virgin!" sabay sabay napatingin sila Seb kay Ice.

"Virgin kapa?" gulat na gulat na sabi ni Lander.

"Ah? De joke lang yun he.he.he"

"The fxck dude, anong ginawa nyo ng mga babaeng na kasama mo sa kama?" Ted.

"Gumawa ng loom bands?.... Dejoke lang uli-ah!" Ice, napasigaw uli kami ng mag paputok uli ito ng baril.

"Bilisan mo Gello!" sigaw ni Jin.

"Yumuko kalang Petunia" sabi sakin ni Seb, tumango ako sa kanya.

Nag paputok uli si Pavon nang baril na tumagos hanggang sa harapan kaya napasigaw nang malakas si Gello, muntik nang mawala s kontrol si Gello sa pagmamaneho mabuti nalang ay naayos nya agad ito.

"Tangna isa pang putok Pavon, puputukan kita!" sigaw ni Ice.

"Panong putok Ice?" nagtatakang tanong ni Lander. "Wala ka namang dalang baril o kahit anong paputok. Pano mo sya puputukan?" Lander.

"Ahm...ano... Basta! Ang isipin nyo nalang muna sa ngayon kung pano tayo makakatakas kay Pavon" Ice.

"Wala tayong laban kay Pavon, may dala syang baril. Di pa tayo lumalapit sa kanya ma papatay na nya tayo!" Ted.

Naiiyak na ako sa naririnig ko. Kasalanan ko ito, nadadamay sila sa problema ko. Mapapahamak sila dahil sakin, ano ba ang dapat kong gawin? Ayoko silang mapahanak o masaktan pero sa ginagawa ni Pavon ay maaari silang mamatay.

Tulungan mo ako aking mahal na Ama.

My Little MermaidWhere stories live. Discover now