Mermaid - 22

17.4K 630 8
                                    

Happy New Year sa inyooo! Sorry ngayon lang nakapag Update, pinagana ko lag ang utak ko kahit papano. Babawi ako sa inyo next time promise. Enjoy this Chapter okey?

Don't forget to VOTE and COMMENT about sa chapter, para na rin sa mabilis na pag Update ko. Thanks youuu.

All the Love. T

--


Nilibot ko ang aking mata sa pinuntahan namin, akala ko dadalhin kami ni Lander sa mamahaling kainan, yung Restaurant ba iyon. Kasi dati dun kami dinala ni Ice, kinakabahan nga ako dun kasi ang tahimik kumain nung iba tas ang ganda ganda pa sa loob nun, may mga malalaking ilaw sa itaas at an luwag luwag pa.

Pero ito iba, maraming tao, maingay, maraming nagtatawanan, yung iba nagkakamay habang kumakain. Ang sabi ni Jin Fastfood daw ito hindi Restaurant, mas masarap daw kumain dito kaysa sa pinagdalhan samin ni Ice. Tama nga naman sya mag komportable ako dito kaysa sa dati.

Minsan nga iniisip ko kung nagbabago na ba ako? Yung dating ako na walang alam sa mundon nila e ngayon kahit papano may nalalaman na ako. Yung Petunia na nangangapa pa, kinakain bawat binibigay nila kahit hindi naman pagkain iyon, natatakot sa bawat bagay na makikita baka kasi na nanakit ito. Pero ngayon alam ko na kung pano sila gamitin.

Sa Sersunia kaya? May pagbabago na ba sa kanila?

Pangako ko, pag nakabalik ako sa aming mundo ay dadalhin ko ang iba kong nalalaman dito sa mundo nila, yung mga kakaibang kagamitan dadalhin ko din sa mundo namin. Gusto ko din maranasan nila ang aking naranasan. Kung hindi lang sana kami kinakatakutan edi sana masaya kaming namumuhay sa mundo ng mga may dalawang paa.

"Ano ba sa inyo?' Nakaupo kami at si Lander at Gello naman ay nakatayo pa.

"Lahat tayo yung may Unli rice hahahaha" Pumalakpak pa si Ted. Parang bata talaga to.

"Oo Unli rice tayong lahat para naman sulit yung libre mo samin" Pagsangayon ni Jin.

"Oo na!!" Umalis na si Lander at Gello sa harap namin, pumuta ata dun sa harap. Nag usap naman si Ted at Ice.

Tumungin sa akin si Seb, nasa harap ko kasi sya at katabi ko naman si Jin at Ice, pinag gigitnaan na nila akong dalawa. Umiwas din ako ng tingin sa kanya, naalala ko kasi yung kanina, yung tanong ni Jin sa akin.

"May gusto kaba kay Seb?"

Kumalabog ng mabilis ang aking dibdib, bakit naman nya na itanong ang bagay na iyan? Halata ba talagang may gusto ako sa kanya? Jusko ang hirap naman talaga kasing itago ito, lalo't na kung lagi syang nasa tabi mo.

"A-ah ano bang p-pinag sasabi mo" Umiwas ako ng tingin sa kanya, baka makita nyang naiilang ako sa usapan namin.

"Ikaw ah! Sabihin mo na, sikretong malupit natin yan" Tinusok nya ako saking tagiliran, napausog ako ng kaunti dahil sa kiliti.

"Hi-hindi kaya!" Hanggat maaari ayokong may makaalam na nararamdaman ko para kay Seb, kahit na may nakakahalata hindi ako aamin. Nahihiya ako.

"Aysus pakipot kapa! Hhahahaha" Kinagat ko ang aking labi. "Bilis na, ano You like him?" Tinaas baba pa nya ang kanyang kilay.

"H-hindi nga sabi" Bulong ko, baka kasi marining ni Seb.

"Diko sasabihin sa kanya promise.. "tinaas nya ang isa nyang kamay "..mamatay man si Ted" Bulong nya, napatingin naman si Ted sa gawi namin.

"Bat naririnig ko pangalan ko dyan?" Ted.

"Pangit mo kasi" Jin.

"Grabe sya oh!" Binatukan ni Ice si Ted. Sumandal na ako at pumikit para hindi na ako kulitin ni Jin, pero kinulit parin nya ako.

"Oy! Hindi ko sasabihin sa kanya, ano Gusto mo si Seb?" Tinusok tusok naman nya ang aking pisngi, minulat ko ang aking mata at tumingin sa kanya.

"Jin naman kasi e!" Napatingin sa gawi namin si Seb kaya namula nanaman ang aking mukha.

"Hahahaha Gusto mo nga sya!!" Tawa ng tawa si Jin kaya napunta sa amin ang atensyon nila.

Tinakpan ko ang bibig ni Jin, narinig kasi nila yung huling sinabi nya. Nako sabi ko na nga ba kaya ayaw kong may makaalam na iba dahil pwede akong mabuko.

"Ano yun?" Tanong ni Gello.

"W-wala hehehe" Ako na ang sumigot. Buti nalang hindi na nila pinansin iyon kaya maluwag luwag akong nakahinga. Grabe kala ko katapusan ko na.

Isa pa ito ang pinoproblema ko, pano ko iiwasang maramdaman ito kay Seb? Alam kong mahirap na itong pigilin, pag tumibok na ang puso sa isang lalaki, mahirap na itong baguhin pa. Natatakot na talaga ako sa aking nararamdaman sa kanya.

Ang sabi sa akin , pag nagmahal ka masaya ka, parang ikaw na ang pinaka masayang babae sa buong mundo. Yan ang tumatak sa isip ko ng sinabi sa akin yan ang aming guro, pero bakit hindi saya ang aking nararamdaman? Bakit natatakot ako at kinakabahan.

Dahil mag kaiba kami ng uri..... Ako rin sumagot ng sarili kong tanong. Hays.

"Kain lang kayo ng marami wag kayong mahiya" Natawa kami kay Ted, akala mo naman sya yung nanlibre.

Nag kwentuhan kami ng kung ano-ano. Sinabi din nila yung pupuntahan naming sa susunod na linggo. Tinatanong ko nga kung ano ang mga makikita ko doon kaso ayaw talaga nilang sabihin sa akin. Sikretong malupit daw.

"Soup po?" May lumapit sa aming babae.

"Ako po!!" Nag taas ng kamay si Ice, nag ngiting aso nanaman ito, palibhasa maganda yung babae. Ngumiti yung babae at nagsalin na ng Soup. Titig na titig naman si Ice sa babae kaya binatukan sya ni Ted.

"Ay! wait po, kukuha po ako naubos" Tumango lang kami, umalis na yung babae at kumuha ng Soup.

"Kanin po!" May lumapit naman na lalaki sa amin at pinaglalagyan ng Kanin yung pagkain namin. Nagulat naman ako dahil kanina ko pa nararamdaman ang kabusugan ko.

"Padalawang sandok po" Sabi ni Gello, Punong puno ng kanin ang pinggan nya, halos hindi na nga mag kasya. Ganun din sila Seb, Ted, Ice at Lander. Kami lang ata ni Jin ang hindi matakaw sa kanila. Nilingon ko si Jin, muntik na akong mahulog sa kinaupuan ko ng makita kong apaw din ang pinggan nya.

"Logsu Logsu na akecth! Sabay tawa ni Jin.

"Yung Soup ko dina bumalik!" Napatingin kami kay Ice, dumaan kasi sa gilid namin yung babae at mukhang nakalimutan na nyang balikan yung kay Ice.

"Nakalimutan na siguro" Bulong ni Seb, tumingin ako sa kanya. Nakatingin sya kay Ice kaya nakakuha ako ng pagkakataon para titigan sya.

Yung pilik mata nya ang haba talaga, bakit mas biniyayaan sya ng mahabang pilik mata kaysa sa akin? Yung mapula nyang labi at matangos ng ilong. Perpektong perpekto ang dating nya. Naramdaman kong may sumiko sa akin.

"Matunaw yan" Bulong sa akin ni Jin, kaya umiwas na ako ng tingin.

"Pati ba naman nag bibigay ng Soup kakalimutan na rin ako" Ice.


My Little MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon