Mermaid - 12

19.8K 814 55
                                    

What's up Sirena's! Active natin bebe ah puppet211 . Sa lahat ng nag iintay ng Update maraming Thank much!

Don't forget to VOTE and COMMENT about sa chapter para sa mabilis na Update. FOLLOW me if you want lang naman.

All the Love. T

--


Ang sabi nga nya sakin kahapon, ang pagkain nga raw na iyon ay para sa mga Isda lamang. Kaya nga kinain ko sya dahil may lahing Isda ako, tas ito sya ngayon nagagalit. Daig pa nya si Ama, kung umakto sya parang siya ang aking Mahal na Ama.

Staka wala namang nangyaring masama sa akin nung kinain ko iyon, dumakot pa nga ako uli paggising ko dahil masarap naman talaga sya, muntik ko na ngang maubusan sila. Pero ano bang magagawa nya e kung ano ano naman kasi ang pinapakain nila sa akin. Karamihan puro tinapay lang naman. Hindi nga ako nabubusog duon.

"Ito ay pagkain nila!" Turo ni Seb sa Akwaryum, tahimik naman na nakikinig samin sila Yanta at iba pang mga Isda.

"Oo nga pagkain namin" Nakayuko ako sa harap nya, lumalaki nanaman kasi ang butas ng kanyang ilong dahil sa galit.

"Nila!" Ulit nya. Pasimple kung sinilip yung mga Isda sa Akwaryum. Natatawa ang iba sa kanila, yung iba naman ay halatang natatakot rin kay Seb.

"Diba sabi mo nga, pagkain nilang mga Isda! edi pagkain ko rin" Mahina kong sabi. Pagdating talaga sa Galit na Seb natatahimik ako, at parang batang pinapagalitan dito.

"Kalahating Isda ka lang! Tumingin ka nga sa salamin, hindi ka Isda ngayon" Kinuha nya yung lagyan ng pagkain at isinarado nya itong mabuti.

"Tama" pag sangayon naman nung mga Isda. Aba't dapat nga ako kampihan nila.

"Ang pogi pala ni Fafa Seb pag nagagalit hihihi!" Napakunot ako ng aking Noo dahil sa sinabi ni Hally, ang landi talagang Isda na ito, kahapon pa nya pinupuri si Seb.

"Shhh!" Bulong ko sa kanila.

"Anong shini shhh mo dyan?" Napatingin naman ako kay Seb na nakapamewang pa sa harap ko.

"W-wala"

"Sinasabi ko uli sayo Isda! Hindi mo ito pagkain, sa kanila ito. Naiintindihan mo ba? Ang kakainin mo ang mga kinakain namin dito." Mabilis akong tumango sa kanya. "Good! Maligo kana at ang lansa ng amoy mo..." Itinayo nya ako at tinulak papasok ng aking silid. "...mag toothbrush kang maiigi ang baho ng bunganga mo!"Huling sabi nya.

Padabog naman akong pumasok sa banyo, Hindi kaso sa akin ang amoy ko, ganto talaga ang amoy naming mga Isda. At anong sabi nya ang baho raw ng bunganga ko? Itinapat ko ang palad ko sa bibig ko at nag 'Ha', ay mabaho nga sya. Siguro dahil sa kinain ko.

Pagt tapos kong maligo ay lumabas na rin ako ng aking Silid, naabutan kong nakaupo si Seb sa upuan, may hawak syang kulay itim na mahaba. Lumapit ako sa kanya at tumabi kaya napatingin sya sa akin. Napatitig ako sa kanyang mukha, ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng kanyang mga Mata, yung ilong nya ang perpekto ang pagkakagawa, at ang labi nya ang pula.

"Hoy!" Napaiwas ako agad ng tingin sa kanya, kinabahan ako duon ah. 

"Ano iyan?" pag iiba ko, para naman malaman nya na wala lang iyong paninitig ko.

"Remote" 

"Pano iyan?" Matagal tagal ko na rin ito nakikita na nakapatong sa maliit na lamesa sa gilid, meron rin ganto sa aking silid hindi ko naman alam kung para saan ito.

"Oh.." inabot nya sa akin yung Remote na sinasabi nya, may ngisi sa kanyang labi. "..Pindutin mo ito" turo nya sa kulay pulang bilog. Nagdadalawang isip pa ako kung gagawin ko nga sya, dahil may pagka makulit ako ay pinindot ko rin ito.

Napatingin ako kay Seb na hindi parin nawawala ang ngisi sa kanyang Labi, anong problema nito? Parang kanina lang halos may lumabas na usok sa ilong nya dahil sa galit tas ngayon ngumingisi-ngisi na sya.

"Dalandan dandandan..." Napatalon at napa sigaw ako sa gulat, pag tingin ko sa harap kung nasan ang alapad na malaking bagay. Nanlaki ang aking mata dahil may taga lupa sa loob nito, pano sila napunta dyan? parang kanina lang ay kulay itim ito.

"Hala ka anong ginawa mo" namumutla akong napatingin kay Seb, nakangisi nya sakin.

"W-wala akong gi-ginawa" Natatakot kong sabi. Dahan dahan kong sinilip uli, nandun parin ito, kaso nag iba na ang itsura.

"Pinindot mo kasi ito, yan tuloy na pasok sila dyan. Lagot ka!" Nanginginig ang aking kamay dahil sa takot, bakit ako? sabi nya sakin pindutin ko iyo. Hala ano nang gagawin ko.

"Sa-sabi mo k-kasi pi-pindutin ko" Naiiyak kong sabi. Kung alam ko lang namapapasok sila duon pag pinindot ko iyon edi sana hindi ko nalang ginawa yun. Bakit ba kasi pinapindot nya sakin iyo? Kasalanan ko pa tuloy.

"Bakit mo kasi sinunod! Bahala ka, maya maya may pupunta dito at huhulihin ka wahahaha" Humawak sya sa kanyag tyan at tumawa ng tumawa. Mas lalo akong napaiyak, ganto na ba nya ako kaayaw? ang sama sama talaga nya kaya pala may pangisi ngisi pa syang nalalaman.

*door bell*

Mas lumakas ang aking pag iyak, ayan na ba yung mga huhuli sa akin? Ayoko na dito, ayoko na talaga dito. Natatakot na ako, ikukulong ba nila ako o ipapatapon sa malayo? Tumayo si Seb.

"S-seb!" Tawag ko sa kanya.

"Prinsesa!" Tumingin ako sa mga Isda.

"Wag kang mag pani wala sa kanya, niloloko ka lang nyan. Ang tawag sa bagay na iyan ay TV" Sabi ni Bon, pinunasan ko ang luha ko.

"Ni-niloloko lang nya ako?" 

"Oo Prinsesa." Sino ba ang paniniwalaan ko? Dahil sa sinabi nila kahit papano ay umaasa pa rin ako na niloloko lang ako ni Seb. Pero kasi e.

"Andito na sila Isdaaaa!" Salubong ni Seb. 

"AKO ANG KAWAL DITO SA MUNDO NG MAY DALAWANG PAA, SUMUKO KANA NAPAPALIGIRAN KA NANAMIN" Nanlaki ang aking paa, napatingin ako sa mga Isda. Kala ko ba nagbibiro lang si Seb, pero nandito na ang mga kawal, huhulihin na nila ako. 

"KAWAL ILABAS ANG GRANADA, PAPASABUGIN NATIN ANG MAKASALANANG BABAE NANANDITO" Sigaw uli. Hindi ko alam kung asan sila. At anong sbai nila papasabugin nila ako? Jusko po Ama tulounga mo ako.

"Se-seb!" Pag mamakaawa ko sa kanya.

"SUMUKO KANA BABAE, NAPAPALIBUTAN NANAMIN NG GRANADA ANG TAHANAN NA ITO, KUNG HINDI KA SUSUKO AY LULUTUIN KITA AT GAGAWING PRINIRITONG DAING NA PETUNI- ARAY!" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Ted na nakadapa sa labag, sumusub ang kanyang mukha.

"Niloloko nyo nanaman ba si Petunia?" Pumasok si Gello, agad akong tumayo at yumakap sa kanya, nagulat sya sa aking ginawa. Natakot la mang ako sa nangyayari.

"A-ayos ka lang ba?" tanong nya sakin.

"Huhulihin daw a-ako" himikbi parin ako.

"Sino? bakit kahuhulihin?" nagtataka sya. Lumayo ako sa kanya, tinuro ko yung mga tao sa loob ng Malapad na bagay.

"Pinindot ko k-kasi yung pula, sabi kasi si Seb pi-pindutin ko daw, tas ayun bigla silang lumabas. S-sabi ni Seb huhulihin daw ako." Pinunasan ko yung luha ko, pero patuloy parin ito sa pag agos.

"Isa ka rin pala Seb" Rinig kong sabi ni Jin, sabay sabay silang umupo nila Ice at Lander, si Ted naman ay nakaawak sa kanyang mukha na namumula.

"Binibiro ko lang naman sya" Seb.


My Little MermaidTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang