A NEW JOB

22.5K 375 11
                                    

This story will run entirely from Jade's POV for a reason; which will (most likely) be revealed on the end of the story. But I hope you guys enjoy reading this. Ngayon palang po ay humihingi na ako ng sorry sa mga magiging errors ko. First time magsulat ng fanfic eh. Haha. Anyway... HAPPY READING! ✌️




CHAPTER 1



My name is Jade Tanchingco. 25 years old. Graduate ako ng Architecture sa isang kilalang university. And right now, I'm actually on my way to work. Ngayon ang first day ko sa malaking Architectural firm na pagtatrabahuhan ko. Hindi na ako dumaan sa usual process of job application, cause this company is co-owned by one of my uncles. Honestly though, iniiwasan ko talagang magtrabaho sa mga businesses ng family namin; kasi feeling ko hindi ako masyadong maggo-grow dahil isusubo nilang lahat sakin. Ang gusto ko kasi ung lagi akong na-cha-challenge.

Kaso... wala eh. Hindi ko magawang humindi sa tito ko. Nakiusap kasi siya sakin.


*Received a text message from TITO JERRY*
Jade, are you busy right now? Can you please give me a call ASAP? It's urgent.

Tinawagan ko kagad si Uncle nang mabasa ko ang text niya.

*Ringing*

TITO JERRY: Hello Jade.

JADE: Tito Jerry! Hi. What's up?

TITO JERRY: I'm gonna make this quick, 'nak. You're currently unemployed diba?

JADE: Yes, Uncle. Kakaresign ko lang po sa last company ko. Maghahanap palang po ako ng new company na pwede kong pasukan. Why Tito?

TITO JERRY: Alam kong ayaw mong magtrabaho sa mga companies na pagmamay-ari ng family natin, but I really hope this time, you can reconsider it.

JADE: Why Tito, what's going on po?

TITO JERRY: We need you sa firm. We have a new project coming up, and it's a huge one. The client even asked for our own CEO to handle the entire design plan cause they really want some serious work.

JADE: And you need me for...?

TITO JERRY: Of course, we can't let the CEO do all the work. Syempre kailangan niya parin ng kapartner para dito. We need another project manager. Ikaw ang naisip ko dahil magaganda at malalaki ang mga naging projects mo sa previous company mo. And gusto rin kasi ng client na simulan 'to ASAP.

JADE: Pero Uncle, diba may mga other architects and designers pa naman kayo?

TITO JERRY: Ang daming naka-line up na projects ngayon kaya hindi sila pwede. We need one kasi sana within this week na. And like I said, this is a huge deal. Dahil itong client na 'to, pwedeng tumulong satin na magkaroon ng company sa London.

JADE: But...

TITO JERRY: Please Jade, pagbigyan mo na ang tito mo. Kahit sa project na 'to lang. And honestly, ayokong ipagkatiwala 'to sa iba. I know that you can handle this. Hindi naman ako makikiusap sayo kung hindi ako sigurado na makakaya mo 'to.

JADE: *sigh* I'll think about it, Tito.

TITO JERRY: Please do. Give me a call kagad kapag nakapagdesisyon ka na.

JADE: Okay po, Tito.


That conversation happened only a week ago. Dalawang araw kong pinagisipan ang desisyon ko, at nung ipinaalam ko kay Tito un, pinapunta niya kagad ako kinabukasan sa office to sign the contracts, and he gave me a brief introduction on the said project. Then he told me na magsisimula ang trabaho namin after 4 days dahil hinihintay lang nilang makabalik ang CEO galing Australia.

Ngayon ay nakatayo ako sa harapan ng company ni Tito Jerry. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa 50-storey office building. Kinakabahan ako hindi lang dahil nakakapressure ung project na iha-handle ko, pero dahil rin sa ngayon ko palang makikilala ang magiging kapartner ko sa trabaho.


"Good morning po, Ms. Tanchingco." Bati sa akin ng apat na empleyado na nasa front desk.

"Good morning din sa inyo."

"Ma'am, hinihintay na po pala kayo ng ating CEO sa meeting room." Sabi ng isa na sa pagkakaalala ko ay Andrea ang pangalan.

"Oh okay. Salamat." Sagot ko sa kanya.

Bago ako tuluyang makalampas sa lobby area ay itinanong ko na ang isang bagay na paulit-ulit kong nakakalimutan itanong kay Tito Jerry.

"By the way, Andrea... ano palang pangalan niya?"





























"Ms. Guevarra po. Althea Guevarra."









MAYBE ONE DAY (Completed)Where stories live. Discover now