THE REVELATION

6.3K 254 21
                                    

CHAPTER 13



*THREE WEEKS LATER*


Ang lungkot naman dito sa office. Mag-isa lang kasi ako ngayon. Umalis si Althea kagabi patungong New York dahil may ipinaasikasong trabaho ang Papa niya sa kanya. Sampung araw siyang mawawala. Kaya ang balak ko ngayon at sa mga susunod na mga araw ay bumisita muna sa project site para ma-check ko ang progress ng construction.



The past 3 weeks had been fun and crazy. Eversince our confession night, Althea and I have been more vocal with each other. I was finally able to really open up to her. Nakwento na namin sa isa't isa ung mga kalokohan at kabaliwan namin since highschool. We didn't talk about our lovelife that much though. Hindi ko rin alam kung bakit. Ung naging goal talaga namin every conversation was to get to know each other. Feeling ko nga mas bestfriend ko na si Althea kaysa kay Sally eh. Haha. Bihira na kasi kaming magkita ng bestfriend ko ngayon dahil parehas kaming busy sa trabaho.

Naging close narin kami ni Batchi. She's like the sister I've never had. I have two older brothers lang kasi, and since highschool, naghahanap ako ng sister figure. A twin sister, to be more specific. Ung tipong kasundo sa lahat ng trip at never magsusumbong sa parents. Nakita ko un kay Batchi. Though she's a butch and wants to be considered a brother instead... we have a different bonding compared to my real siblings.




Just when I was thinking about that crazy weirdo... I suddenly received a text message from her. Hindi ko malaman kung may powers ba 'to o ano. Haha.

She's in Laguna right now, by the way.



*BATCHI*
Dude, busy ka mamayang gabi? Gusto daw tayong makachat ni Tsong. May importante daw siyang sasabihin satin.



Kinabahan naman ako bigla dun. It can't be about work kasi bakit pati si Batchi kakausapin niya? Hala siya!



*JADE*
Hindi naman. Bakit daw? Tungkol saan?

*BATCHI*
Hindi ko rin alam eh. Basta mamaya daw. Mga 10pm. Game?

*JADE*
Sige sige! Game.




Hindi ako mapapakali nito hanggang mamaya. Tsk.



//




SA CONDO


Quarter to 10 palang ay nag-online na ako. Nakita kong nakaonline narin si Batchi. Nagkwentuhan muna kami ng konti habang hinihintay si Althea. Napunta naman sa ulanan ng mga banat ang usapan namin.

Kung kayang sabayan ni Althea ang trip ni Batchi, mas kaya ko un sabayan. Minsan nga ay mas grabe pa ang trip ko. But that's what Batchi and I do. Hahaha.

MAYBE ONE DAY (Completed)Where stories live. Discover now