MEETING THE PALS

6.6K 250 6
                                    

CHAPTER 6



(Continuation of the last chapter)


"Salamat sa pagdala sakin dito, Althea." Panimula ko pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

Nakaupo kaming dalawa ngayon sa sahig habang nakasandal sa pader ng rooftop. Medyo malamig na ang simoy ng hangin dahil medyo madilim narin ang langit. Nakatingin ako sa malayo habang ramdam ko naman ang mga tingin na ibinabato ni Althea sakin.

"Ano, okay ka na ba? Ready ka nang i-share sakin yang kadramahan mo?" Pang-aasar niya.

"Siraulo ka! Hindi ba dapat ako ang nagtatanong kung bakit mo ako dinala dito sa secret hiding place mo? Akala ko ba mga taong pinagkakatiwalaan mo lang ang nakakapunta dito?" Sagot ko pagkatapos kong suntukin ng mahina ang kanyang braso.

"Ang slow mo rin eh no? Malamang dinala kita dito dahil pinagkakatiwalaan kita." Tumawa ito ng malakas habang natahimik naman ako sa kanyang sinabi.


Somehow, nafeel kong ang unfair ko kay Althea; dahil parang hindi ko nasusuklian ung tiwala na ibinibigay niya sakin. Pero hindi ko kasi makayang magkwento dahil hindi ako sigurado sa magiging reaction niya. And honestly, I'm damn terrified. Natatakot ako na kapag kinwento ko, I'd be able to accept what happened. It'll make me realize that everything was real.


"Pero sabi mo rin, ung mga taong nakapunta dito ay ung mga nakakaalam lang ng darkest secrets mo. Eh parang wala pa naman akong alam na dark secret mo."

"I would tell you some of those secrets kapag nagawa mo naring magkwento sakin."


Touché Althea. Touché!


Tumayo na ako sa kinauupuan ko, at ako naman ang nag-offer ng kamay ko kay Althea.

"Tara!" Aya ko.

"Saan? Sa secret hiding place mo naman?" Panunukso nito.

"First of all, wala akong hiding place. Second, no. Ililibre kita ng dinner. Anong oras na oh! Naku, siguradong nakauwi na lahat ng mga empleyado." Sabi ko habang pasakay kami ng elevator.

"Di mo naman ako kailangang i-libre ng dinner eh."

"Naalala mo ba kung bakit inilibre mo ako ng lunch noon?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Gusto kong bumawi sayo dahil hindi ko nagawa ung powerpoint natin." She confidently said.

"Exactly. Parang ganito rin un."

"Ha? Hindi kita magets, Jade. Wala ka namang nakalimutan na presentation ah." Napakamot nalang ito sa ulo.

"Gusto kong bumawi dahil hindi ko pa magawang magkwento sayo." Nakayuko kong sabi kay Althea.

Hindi na siya nagsalita o nagtanong pa ulit. Tinignan niya lang ako at bahagyang ngumiti.



//




*ONE WEEK LATER*


MAYBE ONE DAY (Completed)Where stories live. Discover now