FAVOR

6.3K 254 4
                                    

CHAPTER 10



"Jade?"


Nagulat ako nang biglang may isang boses ng lalaki na nagsalita at tinawag ang pangalan ko. Napalingon kaming lahat sa kanya.

"David!!! Uyy, kamusta? Long time ah." Kumalas muna ako sa pagkakayakap kay Althea.

"Oo nga eh. I'm good. Ikaw?" Nakipagbeso siya sakin at medyo nagblush ako. Super slight lang naman. Haha.

"Ayos lang rin. Oh by the way... mga kaibigan ko nga pala. Sila Batchi at Wila. At eto naman si Althea... kaibigan slash katrabaho slash kakulitan slash kapustahan slash kabugbugan sla—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan bigla ni Althea ang bibig ko pero bigla rin niyang tinanggal ang kamay niya.

"Okay na, Jade. Gets na niya." Nakatawang sabi niya at natawa rin ang tatlo.

"Guys, si David. Batchmate ko nung college." I introduced him and he waved at them.

"Sino nga palang kasama mo?" Tanong ko naman kay David.

"Ah, ung girlfriend ko. Actually she's waiting for me outside. So pano... I have to go. It's nice seeing you again, Jade." Paalam niya sakin and he threw the trio a sweet smile before leaving.

Tinignan ko pa siya ng ilang segundo bago ko harapin ulit ang mga kasama ko. Nagulat naman ako nang makita ko silang magkakatabi at may mga ngiting nakakaloko.

"Anong amats un, Jade? Bakit parang may something sa mga tingin mo?" Asar ni Batchi sakin.

"At may pagblush pang naganap Ms. Tanchingco ha." Dagdag naman ni Althea.

"Talaga bang batchmate mo lang ung David na un?" Tanong ni Wila na parang nag-iimbestiga.

Tinawanan ko naman ng malakas ang tatlo.

"Hala siya! Ano 'to guys, interview?"

"Alam na mga tsong! Iniwasan ang mga tanong. Ibig sabihin may something talaga. Hindi nagse-share oh." Kunwaring pagtatampo ni Althea.

Nilapitan ko siya then I wrapped one of my arms around her waist and softly pinched her nose.

"Tigilan mo ako, Ms. Guevarra ha. Wag ako. Gumaganti ka lang dahil talo ka kanina eh."

Her face turned red at niyakap na niya ako ng tuluyan. Ang cute nitong mahiya. At infairness ha, kotang-kota na kami sa mga damoves.


(AN: Maharot kasi kayong dalawa, Jade. Un lang un. Hahaha.)



"Mga tsong, gutom na ako." Minsan, panira talaga ng moment 'tong si Batchi eh. Tsk.

"Eh lagi ka naman kayang gutom." Pang-aasar ni Wila.

"Ang yabang mo! Upakan kaya kita dyan."

"Hoy! Kayong dalawa, awat na. Baka kung saan pa mapunta yan. Tara, kain nalang tayo." Sabi ni Althea.

"Oo nga. Manlilibre pa 'tong Althea na 'to." Pagsang-ayon ko.

"Ako, manlilibre? Bakit, may hindi ba ako ginawa?" Pagtataka niya, at alam kong kaming dalawa lang ang nagkaintindihan dahil nakatingin samin sila Batchi at Wila na parang ibang language ang sinasabi namin.


Parang nakagawian na kasi namin ni Althea na kapag may hindi kami nagawa, ang consequence is manlilibre.

MAYBE ONE DAY (Completed)Where stories live. Discover now