CHANGE POSITION

6.6K 248 9
                                    

More on chats and messages din muna tayo sa chapter na 'to, and probably for the next one or two chapters as well. Ayusin na natin ang something ng Jathea! Haha.




CHAPTER 14



Buti nalang talaga ay wala akong pasok ngayon, kung hindi, baka bumigay ang katawan ko sa trabaho. Tanghali na at wala parin akong tulog hanggang ngayon. Hindi naman dahil sa hindi parin nagsi-sink-in sakin ung mga sinabi ni Althea, pero kasi hindi ko alam kung paano na siya i-aapproach. I mean, hindi ako naiilang or anything. Pero nagwo-worry ako na baka kung ano naisip ni Althea nung hindi ako nagreact. Ayokong isipin niya na wala akong pakialam sa feelings niya. It's just that, ayoko nang gawing big deal ung sinabi niya.

We all know where that leads. She's taken and they love each other. Ang bagsak nyan, ako ang talo. Kahit saang anggulo tignan, ako ang dapat may gawing move na mawala ung nararamdaman ko for her. Kasi wala akong mararating. Ang tanong nalang...





Kaya ko ba?



//



After kong kumain ng lunch, I decided to call Sally dahil baka nakalimutan na ako nun sa tagal naming hindi nagkausap. I missed her, and I needed to talk to someone na walang idea sa nangyayari. Baka sakaling matulungan niya akong magdesisyon sa mga susunod kong gagawin. Ayokong si Batchi ang kausapin dahil alam niya ang side ni Althea.


SALLY: BESTIE!!! Namiss kitang bruha ka. Tagal mong hindi nagparamdam. At ilang buwan na tayong hindi nagkikita.

JADE: Hi Bestie! Namiss din kita. Sorry naman po. Busy lang talaga sa trabaho.

SALLY: Kamusta ka na? Anong balita? Share naman dyan ng chika.

JADE: Eto... nababaliw. Daig ko pa nakatira, Best. Parang high na high ako. O baka dahil lang wala pa akong tulog. Hahaha.

SALLY: Hala siya! Delikado na yan, Jade. Patingin ka na kaya? Tara, samahan kita.

JADE: Baliw! Hindi pa ganung kalakas ang tama ko. Hahaha.

SALLY: Hahaha. Eh bakit ka naman nababaliw? Anong meron?

JADE: Kasi naguguluhan ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

SALLY: Tungkol saan? Lovelife ba yan, Best?

JADE: Parang ganun na nga.

SALLY: Ayyiiiieeeee!!! May lovelife na ulit siya. Sino yan ha? Grabe Best, tagal kong walang balita sayo tapos biglang ganto? Ayos ah!

JADE: Eh recently lang kasi nangyari.

SALLY: Ayy okay. Sige dali, kwento ka na.

JADE: Best, let's say na ung taong mahal mo... taken na. Syempre hindi ka naman na aasang masusuklian ung pagmamahal mo. Pero what if one day sabihin niya sayong nagkafeelings siya para sayo? How would you react?

MAYBE ONE DAY (Completed)Where stories live. Discover now