THE DECISION

6.5K 237 38
                                    

CHAPTER 23



"Grabe kayo sakin. Kanina pa kayo ah." Sagot ko na kunwaring naiinis habang pinagtitripan ako ng dalawang kasama ko.

"Ang sarap mong asarin, Jade." Tawa ni Batchi ng malakas.

Bigla naman akong niyakap ng katabi ko at mabilis na hinalikan sa pisngi.

"Joke lang, lablab ko. Hindi na po. Ang cute-cute mo lang kasi eh. Sorry na." Paglalambing ni Althea sakin.

Nasa isang resto kaming tatlo at hinihintay na dumating ang dalawa pa nilang kabarkada. Inaya kami ni Wila magdinner dahil birthday niya ngayon. Ang usapan ay magkita-kita nalang dito sa resto pagkatapos ng trabaho. Dumaan si Batchi kanina sa office namin para magpatulong sa new project na hawak niya, kaya magkakasabay na kaming pumunta sa resto.

"Eh Jade, tanong lang. Paano ka nakakatagal kay Tsong? Kung ako ikaw, matagal ko nang iniwan yan eh." Biglang lipat naman niyang asar sa kaibigan. Hindi ko naman napigilang tumawa ng malakas.

"Oh, ako naman ngayon ang pagtitripan mo? Siraulo ka din talaga eh no?" Sagot ni Althea pagkatapos batuhin ng tissue sa mukha si Batchi.

"Wala... mahal ko eh." Simpleng sagot ko.

"Un lang?" Balik na tanong ng butch at tumawa kaming dalawa.

"Ayy bakit, hindi ba sapat na rason un?" I answered with a question.

"Jade... sometimes, love just ain't enough. Kailangan may mas malalim na dahilan. Dapat ung may complete assurance. Ung may pinanghahawakan kumbaga." Biro niyang sagot.

Alam ko namang pinagtitripan lang talaga ni Batchi si Althea, pero alam kong may konting patama din ang mga sinabi niya. Tinignan ko ang taong mahal ko para malaman kung ayos lang sa kanya ang mga narinig. Lumuwag naman ang pakiramdam ko nung makita kong nakangiti siya at nakatingin lang sakin na naghihintay ng sagot.

"Gusto mong malaman kung bakit hindi ko magawang iwan ang kaibigan mo, Batch? Gusto mo talagang malaman?" Bantang tanong ko kay Batchi, pero ang mga mata ko ay nanatili pa ng ilang segundo sa mga mata ni Althea. Nakita ko namang ngumiti ng nakakaloko ang kausap ko at tumango ng bahagya na halatang inaasar ang kaibigan.

"Because with just a simple smile, she can turn every bad day into good. With just one look, she can make me feel like I'm the most important person in her life. Ung bawat hawak niya sa mga kamay ko, nararamdaman kong hindi niya ako iiwan. Her gentle hugs that make me feel loved and safe. Her tight hugs that show how much she missed me. The way she turns her back on me kapag kunwaring nagtatampo siya. Ung pagkurot niya sa pisngi ko kapag nanggigigil siya. Ung paghila niya sakin sa mall tuwing may nakikita siyang gusto niyang bilhin. Ung pagkataranta niya tuwing nawawala ako sa tabi niya. The way she stomps her feet whenever she's nervous. The way her lips slightly curve kapag pinipigilan niyang kiligin. Ung bilis niyang magising sa gabi kapag inalis mo ang unan na yakap-yakap niya. The way she never sleeps on her back. The way she hums a song whenever I can't sleep. Ung pagkatuwa niya tuwing sinusuot niya ung shirt ko na paboritong-paborito niya. The way she never wears her slippers in her condo. The way she runs around whenever she's excited about something." Pinutol ko saglit ang speech ko para tignan saglit ang katabi kong bahagyang nakasandal sakin. Before continuing, I softly kissed her forehead. Napansin ko namang nakatulala ang butch na nakaupo sa tapat namin. Hindi niya siguro ineexpect ang naging sagot ko.

"Those things... no matter how small they are, no matter how crazy you think I am for noticing them... un ang mga pinanghahawakan ko, Batch. Simpleng mga bagay man, pero un ang mga nakapagpapasaya sakin. And yes, those are the reasons why I'm still here. Hindi man kami, at hindi man perfect kung ano ang meron samin ngayon... alam kong hahanap-hanapin ko ung mga un kapag nawala. Kung hindi enough ang rason na mahal ko lang siya, then I'll give you the other million things about her that always help me get through anything. Those little things that make me want to keep her for the rest of my life." Pagtatapos ko na medyo nakangiti dahil parehong natahimik ang dalawang kausap ko.

MAYBE ONE DAY (Completed)Where stories live. Discover now