ONE LAST TIME

6K 270 65
                                    

CHAPTER 32



SA CONDO NI ALTHEA


"Jade." Mahinang tawag sakin ni Althea pagkabukas niya ng pinto. Hahawakan niya sana ako sa braso pero agad ko siyang pinigilan. Umatras ako ng bahagya para malaman niyang hindi ko siya pinuntahan para makipaglambingan lang at kalimutan ang mga nangyari samin the past weeks.

I crossed my arms as I entered her unit. Pumwesto ako sa medyo malayo para may manatiling distansya saming dalawa. She closed the door and took a few steps forward. I immediately stopped her by slightly raising my hand. She looked so defeated, but I prepared myself for this. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako bibigay kahit anong mangyari. I've already made my decision.

"I can't do this anymore, Althea." Mariin kong sabi habang nakatingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Nakita ko namang nataranta siya bigla at napahakbang ulit palapit sakin.

"What do you mean?" Tanong niya habang umatras naman ulit ako.

"Actually, parang wala na ata palang kailangang tapusin. Kasi parang wala naman na talaga eh. There's nothing left to end, at wala narin tayong kailangan pang pag-usapan. I'm done, Althea." Seryosong sagot ko.

"Teka Jade, please naman oh. Wag ganito. Just give me time. I just need t—"

"You just need to what, Althea?! Help Cathleen get used to this whole set-up? Help Cathleen be okay with you two just being friends? Ano pang kailangan mong gawin?!" Sumbat ko, still crossing my arms. Natigilan si Althea at hindi nakasagot.

"Sabihin mo nga sakin... kailan dadating ung time na tayong dalawa naman ang aayusin mo? O may balak ka man lang bang ayusin un?" Dagdag kong mga tanong ngunit hindi ulit siya nakasagot.


Ayoko nang pigilan ang sarili kong magsalita. Gusto kong ilabas ang lahat ng galit ko dahil pagod na pagod na ako. I plan on saying everything I want.


"Ang hirap lumugar sayo, Althea! Parang kahit anong gawin ko, kay Cathleen parin ang bagsak mo. Hindi naman kita ipinagdadamot eh. Pero Althea, bakit pakiramdam ko, ako parin ang talo? Ako parin ung kailangang maghintay. Ako parin ung kailangang maggive-way para sa kanya. All this time, inintindi kita. Kasi sabi mo kapit lang eh, diba? And I did! Ipinaglaban kita dahil akala ko dadating ung time na ipaglalaban mo rin ako. Ak—"

"Jade, hin—" Singit niya sana pero agad ko rin itong pinigilan.

"Let me talk, Althea. I've been silent long enough." Mariin kong sabi at tumahimik rin naman siya.

"Ang swerte ni Cathleen no?" Natatawang tuloy ko. Tinignan ako ni Althea na parang nagtataka kung bakit ko ito nasabi.

"Ang swerte niya dahil kahit wala siyang gawin, hindi mo siya iniiwan. Sobrang effortless. Eh ako, halos ibigay ko na buong pagkatao ko pero wala parin." Dagdag ko. Tumalikod ako sa kanya dahil pakiramdam ko maya-maya lang ay maiiyak na ako. Tumingin nalang ako sa floor-to-ceiling window ng unit niya.

"But I guess that was my fault. Masyado ko nga atang ibinigay ang lahat sayo. Pero tatanungin kita ngayon, Althea... mali ba? Mali ba na ibinigay ko sayo ang lahat?" I asked. Humarap ulit ako sa kanya nung ilang segundo akong walang narinig na sagot mula sa kanya.

"Ang sabi ko sayo noon Jade, wag na wag mong ibibigay ang lahat kapag nagmamahal ka diba?" Mahina niyang sagot habang nakayuko. Napailing nalang ako dito.

"Akala ko kasi ganun dapat kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Akala ko ganun kapag worth it siya. Ung kahit anong mangyari, go lang. Maghihintay ka lang. Hindi mo na iisipin kung sagad ka na, basta walang sukuan. Kapit lang." Mabilis kong dahilan sa kanya.

MAYBE ONE DAY (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant